7

124 6 0
                                    

Totoong mahirap ang nga pinagdaanan ko pagtapos kong umalis sa puder ni Luke. Pero kahit papaano, nakatulong ito saakin.

Napanood ko sa news na engaged na sila ni Scarlet. Hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa sa akin ito ni Scarlet. Dati pa lang ay tinatanong ko na siya kung ayos lang ba sa kaniya ang kasal namin ni Luke, ang sabi niya ay oo dahil ayaw niyang bitawan ang career na meron siya.

Hindi ko rin naman masisisi si Luke kung ang first love niya ay si Scarlet, mas mabuti na rin siguro na nakaalis na ako sa puder ni Luke.

"Ayos lang ba talaga ito sayo, Scar?" tanong ko kay Scarlet, ang best friend ko, nandito kami ngayon sa sala nila.

"Oo naman, as long as you're okay with it. Alam mong ayaw ko kapag hindi ka komportable," sagot niya tsaka mahinang tumawa.

"At ayaw kong nasasaktan ka, pwede ko naman pakiusapan ang dad ni Luke para hindi ituloy ang kasal," naga-alalang sabi ko sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay.

"No, it's fine. You know, Cynthia. Kung mahal niya talaga ako, maghihintay siya sa akin at gagawa siya ng paraan para kaming dalawa talaga ang maikasal," sabi niya at ngumiti sa akin habang hinihimas ang kamay ko.

"Gawin mo lang ang gusto ni tito, I'm fine. As long as model pa rin ako," sabi niya at tumawa.

"Ikaw talagang babae ka, huwag kang puro career, baka walang magmahal sayo kung career mo lagi ang pinipili mo," sabi ko at kinurot ang bewang niya.

"Ouch! Excuse me? Walang magmamahal? Let's see, baka maunahan pa kitang magkaroon ng sampung anak," sagot niya at ngumisi.

"Tignan natin kung kaya ng kipay mo," sabi ko naman sa kaniya at ginantihan siya ng ngisi.

"Ilang buwan na rin pala ang nakalipas, at ilang taon ko na ring kinausap tungkol doon si Scarlet," sabi ko sa sarili ko habang nagkakape sa balcony.

Tumayo ako at nagpunta sa sala para manood na lamang ng tv. Mas maganda pala kung manood na lamang ako ng tv kaysa isipin pa ang mga nakaraan.

Habang nanonood ako ng tv, biglang nag-ring ang cellphone ko. Dali-dali akong tumayo dahil baka importanteng tawag ito roon sa bagong trabaho na pinasukan ko.

"Hello? Good afternoon po," bungad ko.

"Hello, Miss Bautista? Tanggap ka sa trabaho, pwede kang pumunta bukas para masimulan na ang training mo," sagot nito sa akin na ikinatuwa ko.

"Talaga po?! Sige po, pupunta po ako bukas! Maraming salamat po," pagkatapos kong sabihin ito ay ibinaba na ang tawag.

Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon, ang ganda ng bagong panimula ko.

Masked JoyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang