Chapter19: Back to normal

30 5 0
                                        

Sa mga pagkakataong 'to, hindi ko alam kung ano pa bang sakit ang pwede kong maramdaman. Sakit sa puso, sa kaluluwa at sa utak. Mas masakit pa 'to kesa sa sakit na pwedeng maramdaman ng katawan.

Matagal pa ang susunod na klase namin ni Colline. Naupo muna kami sa bench sa loob ng campus para magpalipas oras. Wala akong imik. Pinapagaan padin ni Colline hanggang ngayon ang loob ko. Hindi ako makapagsalita. Tulala lang ako at malalim ang iniisip. Wala ako sa ulirat.

"Uy Gab. Kinakausap kita." pambabasag ni Colline sakin.

"Hey Gab!" paguulit niya.

Hanggang sa napailing iling nalang ako at doon na nabalik sa sarili.

Yumuko ako, "Bakit ganun Colline? Alam mo yun? Yung feeling na araw araw, tinutuya ka ng mga titigan? Dahil sa ano? Hindi ako kagaya ng mga kapatid ko? Dahil hindi ako kasing sikat nila at panget ako?" sabi ko kay Colline na ngayon ay nakaupo sa tabi ko at hawak ang kamay ko.

Piniga niya ang kamay ko, "Hindi ganun. Kasalanan mo bang ganyan ka? What the hell Gabby. Down ka na nga, dinodown mo pa lalo ang sarili mo! Why don't you make a change? Bakit hindi mo subukang gumawa ng hakbang para magimprove ka? Wag mong ilugmok ang sarili mo. Wag mong ibaon sa putik ang katawan mong nasa kalagitnaan na." aniya.

May kung anong parang sumampal sa akin sa mga sinabi niya. Parang may pagasang dumaloy sa puso ko. Hindi ko alam pero, may salita syang binitiwan na nagparealize sakin ng mga bagay bagay. Oo nga naman diba? Isa akong Trinidad. Makapangyarihan ang apelido namin. Sabi nga nila, marami kaming kayang gawin. Ang simpleng pagaayos lang ba hindi ko magagawa? Kaya ko.

Gumaan ang pakiramdam ko. Para bang nagkaroon ako ng confidence sa sarili ko.

Bumuntong hininga ako at hinarap ko si Colline, "Kailangan ko munang makita si Xavier."

Kumunot naman ang noo niya. Bakas ang pagtataka, "Para saan?"

Suminghap ako, "May inuutos lang si Aiden sakin." sabi ko.

Nagkibit balikat nalang siya at nagsimula na kaming maglakad para hanapin si Xavier. Hindi ko kasi alam kung saan siya nagpunta dahil nauna kaming lumabas ni Colline kanina sa sobrang sama ng loob ko.

Ilang minuto nadin kaming naglilibot ni Colline sa loob ng campus para hanapin si Xavier. Pero bigo kami. Dahil dun sumuko na muna kaming hanapin sya at nagpunta na kami sa klase naming dalawa. Ilang oras lang din naman ang klase ko ngayon. May oras ako par hanapin si Xavier.

"Baka hindi na kita masamahan mamaya Gab." untag ni Colline.

Ngumiti ako, "Okay lang no! Ako nalang." sabi ko.

Ngumiti din siya at nagumpisa ng maglakad palayo, "I'll text you later okay? Take care Gabby. I love you baby!" aniya sabay takbo na papaalis. Nagpahabol pa siya ng flying kiss.

Napangiti ako ng matamis, "Take care too Colline! I love you too."

Pagkatapos nun ay pumasok na ako sa susunod kong klase. Hindi ko alam pero, clueless ako sa mga kilos ni Xavier. Gusto kong magtaka. Gusto kong magreklamo. Pero ano ba namang karapatan ko? Sino ba naman ako sa buhay niya? Sino ba naman ako diba.

Lumipas ang ilang oras, natapos na ang klase ko. Agad na akong lumabas para hanapin si Xavier. Hindi pwedeng ipagpaliban ito dahil napagutusan ako ni Aiden. Malaki ang posibilidad na magaway nanaman kami kapag hindi ko nasunod ang gusto niya.

Lumibot ako ng magisa sa buong campus. Hindi ko alam kung saan ko matatagpuan si Xavier. Wala akong idea kung saan ang klase niya pagkatapos ng Mr.Domingo.

Nawawalan na sana ako ng pagasa ng muling kong marinig ang pamilyar na tunog ng gitara. Napapikit ako sa sarap nito sa tenga. Para akong tinatawag ng bawat kalabit sa strings nito. Napalakad ako sa direksyon kung saan nanggagaling ang tunog.

Para bang may kung ano ang tumatangay sa paa ko para maglakad papunta dun. Hanggang sa konting distansya nalang pala ang layo ko muli kay Xavier. Dinalaw ako ng kaba. Hindi ko alam kung bakit. Basta nanlambot ang tuhod ko.

Nilakasan ko nalang ang loob ko at naglakad na ako papalapit sa kanya. Nakita kong huminto sya sa pagiistrum pero hindi niya iniangat ang ulo.

"Anong ginagawa mo dito?" aniya.

Hindi naman ako nakasagot kaagad. Parang napipe ata ako sa sobrang kaba.

"Nandito lang naman ako para.." agad niyang pinutol ang tinig ko.

"Para sabihin na may practice kami bukas sa bahay niyo?" untag niya.

Nanlaki ang mata ko, "Pa-pa.. Pano mo nalaman?" nasabi ko nalang.

Ngumisi siya, "May nakapagsabi na sakin." aniya.

"Pero sino?" nabalot ako ng pagtataka.

Hindi siya kaagad sumagot. Tumayo siya at isinukbit ang gitara sa likuran. Inayos ng sandali ang sarili. Hinawi niya ng daliri ang buhok at pinunasan ang pawis sa bandang patilya. Kinilabutan ako sa mga kilos niyang ito. Ramdam ko ang pagtayo ng balahibo ko sa braso.

Tumalikod siya at humakbang ng isa papalayo sa kinatatayuan ko. Kumirot ang puso ko. Nasasaktan ako. Oo.

"Hindi na mahalaga." ang nasabi nalang niya.

Napayuko nalang ako sa sakit. Kumirot ang puso ko. Para bang kinukurot.

"Pero.." binasag niyang muli ang tinig ko.

"May klase ka pa ba? Kung wala na umuwi ka na." aniya habang nakatayo at nakatalikod sa akin.

Naguluhan akong lalo sa kanya. Hindi ko mahanap sa kahit na saang banda ng isip ko kung anong mali. Pero alam kong meron. Hindi ko lang maisip. Hindi ko alam kung hindi ko maisip o ayaw ko lang talagang isipin.

"Xavier.." untag ko.

Naglakad na siya papalayo. Hindi na niya pinakinggan ang kung ano mang sasabihin ko. Sumisipol siya at ang isang kamay ay nakahawak sa tali ng gitara na nakasabit sa balikat niya habang ang isa naman ay nasa bulsa.

Madami akong gustong itanong. May mga bagay akong gustong malaman pero.. parang tinatanggalan ako ng karapatan para dito. Nakakapanghina.

"Umuwi ka na, wag ka ng magpunta pa kung saan saan." ani Xavier habang naglalakad papalayo.

Hindi na naging malinaw ang mga huling salita pero para bang nabasa ito ng puso ko. Sa pangalawang pagkakataon, iniwan niya ako ng durog at magisa. Hindi ko mabasa ang ugali niya. Hindi ko alam kung anong salita ang magagamit ko para ipaliwanag ang sakit.

Naisip ko nalang. Ganun nalang ba talaga? Haaay. Back to normal.

A/N: Don't forget to vote. :*

Suddenly, Everything Has ChangedWhere stories live. Discover now