Kabanata VII

1 0 0
                                    

Noong binuksan ni Christina ang kanyang mga mata, siya ay nakatayo sa isang madilim na hardin; Ang hardin ay maliit at napapaligiran ng berdeng halamang-bakod maliban sa batong arko na nagsisilbeng daanan papuntang ilog. 

Ang mga sinag ng asul na buwan sa kalangitan ay nakadirekto sa isang lilim na bahagi ng arko; Doon, may namasid siyang binata at dalaga na nakikipagusap sa isa't isa. Ang binata ay mayroong hawak na itak habang ang dalaga naman ay may hawak-hawak na lamparang hindi pa sinisindihan. Naglakad siya patungo sa kanila at nakatapak sa isang grupo ng puting liryo.

 Ang puting liryo ay nalalanta at ilan sa kanila ay napahid ng madugong pula.

"Hintayin mo ako," rinig niyang sabi ng binata. "Hindi ko alam kung kailan akong babalik, pero gagawa ako ng paraan upang mailigtas ka rito." tiningnan niya ang brasong lampara at binigyan siya ng mapait na ngiti. "Isinumpa ko sa bangkay ng aking ina na ika'y aking paliligayahin anuman, at ako ay tapat sa aking pangako. Kung bagabagin ka dahil sa akin, hindi ko mapapatawad ang aking sarili kahit sa aking lagim na kamatayan." 

"Madilim ang hinaharap natin at walang makatitiyak sa ating kapalaran, pero asahan mo na minsan lamang akong umibig. Hindi ako maaangkin ninuman nang walang pag-ibig." ani ng babae. Kahit sa dilim, kitang-kita ni Christina ang nagniningning na mata ng dalaga noong hinalikan niya ang binata sa pisngi. 

Sa likuran ng binata, mayroon siyang narinig na boses ng isa pang lalaki. "Mawawalan na tayo ng oras... tapusin na natin ito." Pagkatapos magyakapan ang dalawa, umalis ang binatilyo kasama ang lalaki, at ang babae ay napaluhod sa lapag; niyakap niya ang lampara sa kanyang dibdib at umiyak.

Ngayo'y nababahala, si Christina ay napatakbo papunta sa babae upang ikunswelo siya. 

"Christina..." 

Nakaiilang hakbang pa lang siya palapit noong biglang nagbago ang eksena. Siya ay napaligiran ng matatangkad na anino na walang mukha at lahat sila ay nagtatawanan. Ipinilit ni Christina ang kanyang sarili upang makalusot sa lipon, ngunit sila ay parang dagat na hindi madaliang sisirin. Noong nakita niya ang babae, nakasuot na siya ng maputing bestida. 

"Christina..." Ang kanyang brasong lampara ay muli niyang hawak, ngunit dahil sa tanda, ito ay kinakalawang na. Ang babae ay hindi tumigil sa kanyang pagkakahagulgol, at mas lumala pa ito ngayo'y siya'y kinagigitnaan ng mga unano. Hindi na kinaya ni Christina kaya't siya ay napasigaw sa babae at inabot niya ang kanyang kamay. Mayroon siyang binanggit na pangalan, ngunit maliliit na bulakbok lang ang lumabas sa bibig niya. 

Hindi niya alam kung ano ang kanyang isinisigaw, at ang isipan niya ay nablanko. Ngayo'y nasa gitna na ng lipon, sumigaw ang dalaga. Ang hawak-hawak niyang lampara ay biglang umilaw ng malakas at siya'y nasilawan. "Christina!"

Umupo siya sa kanyang kinahihigaan. Naglagay siya ng kamay sa kanyang dumadagundong na puso, at minasdan ang kanyang kapaligiran; siya'y nasa loob ng kanyang kwarto, at si Lucio ay nakaupo sa tabi niya. Sa kanyang harapan mayroong nakaluhod na bata sa kama, ang kanyang mga mata ay nakatutok kay Christina.

Kinuskos ni Christina ang kanyang mga mata at tiningnan siya ng maigi; Noong namukhaan niya ang bata, ang dugo niya ay kumulo at napasigaw siya ng "Traydor!" at nagkaroon ng biglaang nais na sakalin ang bata. Mabilisan ito tinugunan ni Lucio noong hahawakin niya na sana siya sa neek.

"Huwag! Huwag! 'Wag kang manakal ng bata!"

"Malapit na akong mamatay dahil sa kanya! Mayroon akong karapatan, Lucio!" 

"Binibining Christina-"

 "Paano ka ba nakapasok?!"

 "Nandito na siya noong nagising ako." 

Ang Nais MaghintayOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz