Kabanata X

2 0 0
                                    


Kaysa kalesa, sila'y dumaan sa gubat na unang nagdala sa kanila sa guho; Ang kalesa ng kutserong nakaibigan ni Baste ay nahuli ng dalawang gwardiya sibil sapagkat nahanginan ang ilaw at ito'y namatay. Mirakulo na lang at mayroong bayad pansuhol si Baste at ito ay kanyang naibigay kay Christina na patago. 

"Nagdadala na lang po ako dahil laging humihingi ang mga gwardiya sibil ng pansuhol. Ikalawang bugbog na po ni Kuya kutsero ito." ipinaliwanag niya. 

Pagkatapos maglakad ng ilang metro, nakita ni Christina ang kanyang nahulugan at siya'y napatiklom ng kanyang labi. Mayroon siya sanang binabalak na sabihin ukol sa modernong kutsero, ngunit ipinili na lang niyang tumahimik.

Noong nakarating sila sa paanan ng bangin, si Baste ay napahinto sa isang malaking halamang-bakod. Siya ay napatingin sa asul na buwan at sa kanyang dala-dalang orasan, "Naroon po si Ate Maria sa likod lang po ng bakod. Tara na po!" 

Yumuko si Baste upang kumuha ng iilang puting liryo na namumulaklak patungo sa entrada. Ito ay ibinigay niya kay Christina. "Para saan ito?" 

"Para po ito kay Ate Maria! Mahilig kasi siya sa bulaklak, lalong-lalo na ang mga Liryo."

Tininingnan ni Christina ang mga mapuputing bulaklak sa kanyang kamay. "Puting Liryo? Hindi ba ito katulad ng liryo na nasa loob ng Casa?" tanong ni Lucio. Ang bata ay nakapasok na sa entrada bago pa niya nasagot ang tanong.

Nanlamig ang kamay ni Christina sa mga Liryo at siya ay napatigin sa loob ng bakod; Ito ang hardin na naroon sa paniginip ni Christina, at dito niya nasaksihan ang huling pagkikita nina Maria at Crisostomo. Napansin ni Lucio ang kanyang pagbabagong ugali sa liryo at napakuha siya ng isa sa kanyang kamay. 

Ang puting liryo ay kadalasang ginagamit sa kasal upang magrepresenta ng pagbubukas ng bagong kabanata ng buhay, pero ito rin ay pagpapaalam na iginagamit sa mga patay.

Kagaya ng kanyang paniginip, mayroon siyang nakitang arko na nakaharap sa isang malawak na ilog. Sa kanyang lilim, naroon nakatayo si Baste at isang babae na nakasuot ng puting kamiseta. Ang kamiseta na ito ay abot sa lapag at mayroong hindi maipapaliwanag na ganda sa ilalim ng asul na buwan. Nakatitig ang babae sa kalawakan ng ilog at ang mukha niya ay tila mabato at malamig. Si Baste ay nakikipagusap sa kanya at masayang nilalaro ang patpat sa kanyang gilid.

"Wham! Pak! Aruy! Ah, Ate Maria, kung sana naroon lang po kayo! Kaawa talaga si Isa noong nalaman ni Ate Juliana na siya pala ang naglagay ng palaka sa kanyang baso!" patawang sinabi ni Baste.

Ang babae ay hindi umimik at ipinatuloy lang ang kanyang pagtitingin sa ilog. Ang ngiti sa bibig ni Baste ay unti-unting nahulog sa kanyang mukha; Kahit ano mang pagkumpas niya ng kanyang kamay, tila walang reaksyon siyang nakukuha. Pwinersahan niya ang kanyang sarili upang ngumiti at nagpatuloy, "Ate Maria, rinig niyo po ba ako? Totoong palaka po ang nilagay ni Isa sa basong iyon!" 

"Baste." 

"po?" 

"Saan na ang lihim na ibinigay sayo ng Matanglawin?" 

Si Baste ay nagkibit-balikat. "Liham? Ano pong liham? Nais ko lang po kayo bisitahin sa araw ng iyong kasal! Bawal po ba?" 

Tumahimik ang dalaga. Doon na natuluyan ang paghulog ng ngiti sa mukha ni Baste. Ibinaba ng bata ang kanyang hawak-hawak na patpat at nagmamakaawang hinila ang manggas ni Maria. "Ate... Huwag niyo po gagawin. Hindi niyo po kailangan gawin ito para sa kanya."

Noong nakita niyang nakatayo sina Christina at Lucio sa hardin luminaw ang kanyang mukha. Tumakbo siya patungo kay Christina at papwersahan itong ihinatak patungo sa arko. "Tingnan niyo po oh! Diba gusto niyo lang makita si Kuya Emile? Siya'y nandito na po! Siya ay nabubuhay sa pamamagitan ni Binibining Christina! Hindi niyo po ba makita?" 

Ngayo'y siya ay idinadala ni Baste kay Maria, si Christina'y nanlabo ng paningin at bumilis ang kanyang pagtibok ng puso. Ang hawak niyang liryo ay kanyang nabitawan, at siya'y napatayo na parang estatwa. Napatawa si Baste, "Hahaha! Katawa po kayo Ate Christina. Heto! Ako na po ang pupulot ng mga liryo!" Mabilis niyang ipinulot ang mga ito sa lapag at itinulak sa kamay ni Christina.

Hindi niya kaya- kahit naisin pa ni Christina, hindi niya kaya. Ayaw sumunod ng kanyang katawan, at ito ay parang may sariling utak. Ihinatak niya ang kanyang sarili palayo kay Baste at tinangkang tanggalin ang kanyang hawak sa kanyang galanggangan. Ito ay parang bakal. Kahit anong paghihirap na gawin niya, ang kanyang kaaway ay biglang nagkaroon ng lakas ng tatlong tao. At ang katakot-takot pa, ang bata ay mayroong lakas ng loob na ikunswela siya sa proceso.

"Baste, tama na! Huwag mo ng pilitin si Christina!" Sabi ni Lucio. Napansin niya ang kakaibang galaw ni Baste at siya ay agad-agad na nilapitan. "Pero kailangan siya makita ni Ate Maria! Ate Maria! Ate Maria! Dito na po oh!" Pinagpilit ng bata. 

"Ngunit kitang-kita na ayaw niya siyang lapitan! Bitawan mo na siya Baste at baka mapugutan pa siya ng kamay." "Hindi maari! Ito ay importante!" Ipinagpilit ni Lucio sila'y ihati, ngunit ito ay itinanggi ni Baste.

Tumingin si Baste kay Christina at napangiti, "lalapitan niyo po si Ate Maria, diba po binibini? Ipinako niyo po ito sa akin kanina." Sabi niya. Noong hindi sumagot si Christina ang kanyang kumunot ang kanyang noo at masdumiin ang hawak niya sa kanyang galanggalangan, "Ipinako niyo po ito!" 

"Baste, hindi ito-" 

"Bakit niyo ba gusto akong mahirapan?!" 

Binitawan niya ang kamay ni Christina at paakusadong itinuro siya. "Ikaw! Ikaw si Kuya Emile, Christina! Ikaw lamang ang makakaligtas lang kay Ate Maria!" Iyak ni Baste, "Ang lapit ko na sana, kakausapin mo na lang si Ate Maria at mananalo ang kanyang ngiti at matatapos na rin ang lahat ng aking paghihirap! Iyon lang ang iyong kailangan gawin." Napaluha si Baste sa kanyang kinatatayuan at sa inis, itinapon niya ang kanyang dalang patpat sa lapag.

"Pero bakit? Bakit ka natatakot ngayo'y naririto ka na sa harap niya? Bakit hindi mo masabi ng harap harapan ang iyong dapat sabihin?! Huwag mo ako hawakan!" Tinangkang hawakan ni Lucio ang bata ngunit ito ay kanyang ipinalo paalis. 

Habang sila ay nag aaway, si Maria'y tumingala lang sa kanila na wala mang lang simpleng emosyon. Tumawa na lang si Baste at nangungutyang tiningnan si Christina, "Bakit... Bakit pa ako umasa na magkakaroon ka ng paki kagaya noon? Ikaw nga ang nagnanais na ibenta ang Casa De Entrada. Ang paki mo lang ang nakalaan sa iyong sarili at wala kang halaga sa iyong kinaroroonan." Kinuha ni Baste ang dala niya galing sa kanyang dyaket at itinapon ito sa lapag. Paiyak siyang lumabas ng hardin. 

"Baste!" sigaw ni Lucio. Sinundan niya ang bata bago pa ito'y mapalayo.

Si Christina ay hindi makapagsalita noong umalis sina Baste at Lucio. Ang kanyang mapulang galanggalangan ay mahapdi dahil sa pagpisil ni Baste, at hindi siya makapagpahinga.  Bakit bumibigat pa lalo ang kanyang  pakiramdam?

Noong tiningnan niya ang mga Liryo na kanyang hawak ito ay napisil na at nakakalas sa kanilang katawan. Napaluha si Christina sa kanyang sarili at ito ay kanyang tinangkang ayusin pa ang kanyang nahulog na talutot sa lapag. Ngunit wala na. Wala nang buhay ang mga puting liryo.

Ipinulot ni Christina ang liham na itinapon ni Baste sa lapag at ito ay kanyang binuksan. Sa loob, mayroon siyang nakitang mahabang listahan ng mga pangalan kasama ng ilang petsa. Ito ay nakalagay kasama ng eksaktong detalye ng kanilang kamatayan. Tumingin siya muli sa lihim at nakita na mayroon pang nakalagay sa loob. Sa pinakailalim mayroon siyang nakuha na isang maliit na posporo. 

Ang multong si Maria ay napatingin sa kanya na mayroong lubhang paghihinagpis. Itinuro niya ang kanyang hawak na lihim. "Ibigay mo iyan sa akin." ani niya ng tahimik. Kinapitan ito ni Christina at umiling. "Alam ko po ang nais niyong gawin." Napangiti ang babae.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 12, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Nais MaghintayWhere stories live. Discover now