Chapter 2

411 9 0
                                    

Nakausap ko sa chat si Saab. I didn't answer her calls, but I asked her to meet later. Sa ngayon, nagpunta muna ako sa school para sa interview ko. Mabuti na lang at wala akong ginawa na kahit ano bukod pa doon. I was thinking of leaking this video, but my conscience wouldn't let me. Kahit pa gaano kalaki ang galit ko. I still want to listen to their explanations. Baka kapag hindi nagpakita sa akin si Sabrina at si Chico, siguro ay doon magdidilim ang paningin ko.

Nakita ko sa school si Nala. Unfortunately, hindi kami sabay na magsisimula sa internship namin dahil mauuna siyang madeploy. Natapos niya na kasi ang requirements niya kahapon. Nang makita ko siya pagkatapos ng interview ko, I told her about everything that happened.

"Sinasabi ko na nga ba at wala akong tiwala sa lalaking 'yon," sabi niya sa akin. "Isipin mo nga kung gaano na kalaki ang nagastos mo sa kanya. Saan naman kaya niya dinadala ang perang pinagtatrabahuhan mo?"

Umiling-iling ako. "I don't know, Nala," sabi ko. "Gusto ko pa rin siyang makausap muna."

She looked at me like I said something ridiculous. "Ano pa bang gusto mo? Harap-harapan ka nang ginagago," sabi niya at kinuha ang phone ko. "Nandito na mismo 'yung proof. Kung ako sa'yo, ipo-post ko na 'to."

Kaagad kong binawi sa kanya ang phone. "Don't be impatient! Kakausapin ko muna sila pareho. Kapag nainis ako, ipo-post ko na talaga 'to para makita ng lahat kung gaano kaliit ang balls niya."

Naunang umuwi kesa sa akin si Nala. She told me na tawagan siya kung sakaling may aberya. I told her not to worry.

Nakarating ako sa lugar kung saan kami magmi-meet ni Sabrina. She told me that she's wearing a dark blue hoodie. Nang makita ko siya, kaagad akong umupo sa harapan niya, but I saw that it's a man kaya naman napatayo ako kaagad. "Sorry. I have mistaken you for someone else."

"You're not mistaken," sabi niya at natigilan ako. I sat back and stared at him.

"Who are you?" I asked him. He was wearing a suit underneath the hoodie. Nakamask din siya kaya naman hindi ko makita ang itsura niya. "I thought I was meeting Saab?"

"I'm from Turning Dane's legal team. We're really sorry for what Saab did," sabi niya. "But you have to delete it. Posting it will ruin the band's reputation. Just name the price."

Kumunot ang noo ko. "Don't be ridiculous!" I stood up. Nakita ko rin ang paglingon ng mga tao sa paligid namin. "Hindi siya pumunta dito, and now, you're telling me to delete the damn video? Ano siya, sinuswerte? And she should've known better than fucking a man who's already in a relationship!"

He looked around and saw how what I said resulted to people starting to gossip. Bigla siyang tumayo at hinila ako sa palabas, kaya naman nagpumiglas ako. "Ano ba? Let go of me!"

Nang makarating kami sa labas, doon niya na ako binitawan. I saw him remove his mask. "You don't remember me? I was shocked to see that it was you earlier."

"Huh?" pagtataka ko. "Sino ka ba?"

"We were together yesterday, remember? At the pub," sabi niya. "You passed out drunk. Tapos sinapak ako ng kaibigan mo."

"Kaibigan?" tanong ko. "Ano bang sinasabi mo? Hindi nga kita kilala. Ngayon lang kita nakita."

Ano bang sinasabi ng lalaking ito? At kung sakali mang nagkita na kami, how could I forget someone who looks like this? Isa pa, I don't remember seeing him at the pub yesterday. I didn't entertain anyone at the pub! I was drinking alone!

"You kept on calling 'Nala'," sabi niya. "Tapos nung nakita mo siya, sinapak niya ako."

"Si Nala?" tanong ko.

"Oo. Sinapak niya ako," sabi niya. "And she stormed out of the pub after that. Bitbit ka."

Parang sasabog ang utak ko dahil sa sobrang gulo. I don't remember all of it!

"Teka nga lang!" I said. "Why would Nala hit you? Hindi naman ganoon si Nala."

"Because..." sabi niya. Sumandal siya sa pader at namulsa. "...we were kissing."

Napalunok ako ng laway. Is he serious? I don't even know his name!

"Torrid? O smack lang?" kuryoso kong tanong.

He laughed manly, at pinunasan ang labi kaya naman napatingin ako doon, at sunod ay sa mata niya. "You were sipping on my tongue..."

Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. I walked away at iniwan siya doon. Baka naman mamaya, kung sinong wirdo lang 'yon. Bahala siya sa buhay niya!

I suddenly bumped on someone dahil nga dire-diretso akong maglakad. "I'm so–" nagulat ako dahil nakita ko ang kapatid ni Chico. Lumingon ako sa likod niya at nakita rin ang Mama niya. "Carlo, ikaw pala 'yan."

"Ate!" sabi niya. Hindi siya makatingin sa akin.

Napalingon ako kay Tita. "Tita, hello po," sabi ko at nagmano sa kanya. "Umuwi po ba si Chico?"

"Aba e malay ko. Hindi ba't kayo ang magkasama?" masungit niyang sabi. This isn't how she usually treats me.

"Hindi po siya umuwi. Gusto ko po sanang makipag-usap sa kanya," sabi ko sa kanya, still being polite. "May hindi po kami pagkakaintindihan."

"Aba e baka nagsawa na sa'yo 'yon. Bakit ba hindi ikaw ang magbayad ng sarili mong upa sa bahay," sabi niya. Nakita kong hinawakan siya ni Carlo sa braso para pigilan pero hindi siya magpatinag. "Magaling nga at maghiwalay na kayo para hindi ka na ginagastusan ng anak ko."

Doon nagsimulang kumulo ang dugo ko. "Mawalang-galang na ho–"

Pinameywangan niya ako. "Oh bakit? Totoo naman ah? Mukhang pera ka! Pineperahan mo ang anak ko!"

Hindi na ako nakatiis at pinameywangan na rin siya. "Paano ko naman peperahan ang anak n'yo  e wala nga 'yong pera?" sabi ko. "Para po sa kaalaman n'yo, niloko po ako ng anak niyo at ako rin po ang nagbabayad ng tuition niya pero hindi pala siya pumapasok. Sige po, pasensya na po sa abala!"

As I walked away, I felt defeated. Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha ko, but I kept on wiping them so they won't blur my vision. I won't waste my tears for that kind of guy. Pulubi, manloloko, panget! Ang kapal ng mukha niyang hindi magpakita sa akin!

I was shocked when someone held my wrist to stop me from walking at pagkatapos noon ay may dumaang van sa harapan ko. Ni hindi ko napansin na muntik na akong mabangga! Hindi na kasi ako tumitingin sa dinaraanan ko!

"Watch where you're going," sabi niya. Napalingon ako and saw the same guy earlier.

Nagpumiglas ako. "Ano bang pakialam mo?" sabi ko at inalis ang kamay niya sa pulso ko. He doesn't have to pretend to be concerned about me. How could he ask me to delete it? Iyon lang ang meron ako against Chico.

"Where are you headed?" he asked me. "Ihahatid na kita."

"I can handle myself," sabi ko. Tumingin ako sa traffic light at nakitang nagberde na ang ilaw. Kaya naman akma akong tatawid, pero bago pa man ako humakbang, nahawakan niya na ulit ang pulso ko.

"I changed my mind," sabi niya sa akin. "Sumama ka sa'kin. Dadalhin kita kay Saab."

Turning DaneWhere stories live. Discover now