Mahal kong Binibining Mia,
Tayo man ay hindi magkadugo o magkakilala, nagpapasalamat pa rin ako na dumating ka sa buhay ko. Maaaring may dahilan ang lahat kung paano ka nakapasok sa buhay ko. Minsan, kailangan ko ng taong magpapalinaw ng lahat ng kasagutan na hindi ko mawari ang sagot at sa pagbabasa ng mga sinulat mo ay isang malaking tamang desisyon na nagawa ko. Ang mga sulat mo ang kumukonekta sayo at sa akin. Nagbibigay lakas ka sa mga taong nanghihina. Nagbibigay pag-asa sa mga hindi na nais makita ang liwanag. Nagbibigay saya sa mga nalulungkot. "Ikaw ang tanglaw sa pagsikat ng araw. Ikaw ang liwanag sa gitna ng kadiliman. Ikaw ang pag-asa sa tuwina."
Maligayang Kaarawan Binibining Mia, sinisinag kita!
Sincerely yours,
Miss_Sweetie17🌻💛

YOU ARE READING
Sincerely Yours, Sunshines
Non-FictionHandog ng pagmamahal, pasasalamat, at pagpapahalaga ng Sunshines para sa pambihirang binibini ng ika-19 na siglo - Binibining Mia ( Undeniably Gorgeous). Tuklasin ang mga damdamin at kuwentong nakakubli sa bawat kurba ng mga titik mula sa samu't sa...