Handog ng pagmamahal, pasasalamat, at pagpapahalaga ng Sunshines para sa pambihirang binibini ng ika-19 na siglo - Binibining Mia ( Undeniably Gorgeous).
Tuklasin ang mga damdamin at kuwentong nakakubli sa bawat kurba ng mga titik mula sa samu't sa...
Sa aming tinatanging Binibining Mia na kasing ganda ng mirasol, namumukadkad ng pag-asa at pagmamahal. Kami'y nagpapasalamat sa kulay na iyong dinadala sa aming buhay na hindi mapapantayan ng kahit anumang dilim na humahadlang upang aming masilayan ang nagmumukod-tangi mong kabutihan. Ikaw ang nagsilbing sinag sa aming buhay na namamayagpag at tumatanglaw sa daan patungo sa aming paroroonan. Sabik naming ipinagdidiriwang ang iyong kaarawan sapagkat sa araw na ito ay isinilang ang binibini na aming tinitingala. Kung kami ay tatanungin sa iyong pagkakakilanlan, hindi kami magdadalawang isip na ipagmayabang ang kapayapaan at aral na iyong hatid sa pamamagitan ng iyong mga akda na siyang aming dala-dala sa kinakaharap naming mga suliranin.
Aming hinihiling ang walang kapantay at dalisay na kaligayahan sa iyong puso. Ikaw ang dahilan kung bakit kami nagpapatuloy sa hamon ng buhay at bumubuhay sa puso naming napapagod sa takbo ng mundo. Nawa'y makamtan ang mga tinatagal-tagal mo nang inaasam na mga bagay na makakapagbigay ng kasiyahan na di matapos-tapos. Hinahangad namin na biyayaan ang tulad mong puno ng kabutihan na walang hinahangad kundi ang ikabubuti ng kanya mga Sinag, taga-hanga, at mambabasa. Nawa'y magsaya ka sa iyong natatanging araw dahil nararapat lamang na iyong matamasa ang pagmamahal at pagsuporta naming lahat.
🌻💛
___________________________________________
Mula sa iyong mga masugid na mambabasa,
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.