I

591 8 4
                                    

DISCLAIMER

This story is a work of fiction. The names, characters, events, places, businesses, and incidents in this book are either the products of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved.

No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means whatsoever without express written permission from the author, except in the case of brief quotations embodied in critical articles and reviews.


Started: April 20 2023
Finished: September 1 2023

—  —  —

I

Hindi siya bading, pihikan lang siya pagdating sa mga babae. Sa sobrang mapili nga nito umabot na sa treinta y seis ang kanyang gulang.

Mahal niya raw ang kanyang bayan, at kung dadating man ang panahon na nanaisin niya ang pag-aasawa siguro 'yong babaeng mamahalin rin ang bayan niya.

"Sir, may bisita po kayo." saad ng kanyang sekretarya na nagpabalik sa kanya sa reyalidad.

"Papasukin mo." aniya bago muling sumimsim ng kape.

"Anak!" napapikit siya ng mata nang marinig ang nakakabinging boses ng kanyang Ina.

"Ma!"

Tumayo ito sa kinauupuan saka sinalubong ng yakap ang Ina.

"Nagtatampo na ako sa'yo, hindi mo na ako pinupuntahan sa bahay. Ikaw talaga!" nakangusong turan ng Ina.

"Sorry Ma, masyado lang pong maraming ginagawa. Lalo na't nahihirapan ngayon ang magsasaka sa taniman dahil tag-init na naman. Huwag kang mag-alala Ma, babawi ako. Pangako 'yan!" nakangiting turan nito.

"Napaka bait mo talagang Mayor, hindi na ako magtataka kung Ikaw muli ang uupong mayor sa susunod na eleksyon." Pambobola ng Ina. Sa tuwing tumatakbo ito bilang alkalde sa kanilang bayan ay umaatras lahat ng kalaban niya dahil alam na nilang siya ang mananalo. Bukod sa gwapo, matalino, talentadong mayor, may taglay rin itong kabutihan.

"Anak naiinggit ako sa mga kumare ko, may mga apo na sila samantalang ako nag-iisa lang sa bahay." reklamo ng kanyang Ina kaya umiling ito.

"Mama, napag-usapan naman po natin diba." Malumanay nitong turan.

"Nagbibiro lang ako anak, siya mauuna na akong umalis. Dadalaw pa ako sa puntod ng Tatay mo, miss na ako nun. Amping dong ha, palangga ta kaayo ka." paalam ng Ina kaya tumango ito. (Ingat anak ha, mahal na mahal kita.)

Naiintindihan niya ang Ina, mahilig kasi ito sa mga lalo na sa mga batang babae. Hindi na kasi siya nasundan dahil mahihirapan nang manganak ang kanyang Ina, gustohin mang mag ampon na lang ng kanyang Ina, di naman sumang-ayon ang Tatay niya.

Ang Tatay niya ay dating governor ng kanilang probinsya kaya hindi na nakapagtataka na madaming nakakakilala sa kanya. Sino ba namang hindi makakakilala sa isang Marchaus Vincent Alejo.

Lumabas ito ng opisina para puntahan ang mga magsasaka ng kaniyang bayan. Mahal na mahal niya ang mga ito, dahil kung wala sila, siguro'y walang magsusupply ng produktong kakainin ng bawat mamamayan sa araw-araw.

Pagkababa pa lang nang sasakyan ay sinalubong na agad ito ni Mang Cardo na siyang naging leader ng mga magsasaka.

"Kumusta na po mayor?" tanong nito.

VEFS#01: Mayor Niyo Ang Asawa Ko (Completed)Where stories live. Discover now