XVII

109 3 0
                                    

Matiyaga sa paghihintay si Kalliea sa Ina ni Marchaus, tinawagan niya ito sapagkat may importante raw siyang sasabihin.

"What do you want?" kalmadong tanong ni Margarita sa kanya.

"Last time po, you told me na layuan si Marchaus." saad ni Kalliea saka ngumiti. "Umupo ho muna kayo." aniya at nginuso ang upuang nasa harapan niya. Kaya napipilitan namang umupo si Margarita.

"Ano namang tungkol doon? At anong pumasok sa isip mo at nakipagkita ka sa akin ulit?" tanong ni Margarita habang nakataas ang isang kilay nito.

"Napag-isipan ko lang ho na lugi pala ako kung lalayuan ko ang anak mo nang wala man lang akong nakukuha mula sa inyo. Let's make a deal. Kaya naisipan ko 'to, give me 10 million kung gusto mong layuan ko si Marchaus." matapang na saad ni Kalliea na animo'y wala itong kinakatakutan.

"Ah?! Huh?! What? Ang kapal mo naman."

"Ayaw niyo? Di don't, madali lang naman akong kausap. At isa pa, lugi naman ako kasi ten million lang hihingiin ko dapat 50 million eh para di na talaga ako magpapakita sa inyo." paliwanag pa nito.

"Anong gagawin mo sa pera?" curious na tanong ni Margarita.

"Bibili ho ng house and lot and brand new cars?" patanong na sagot ni Kalliea. "Biro lang ho, sikreto ko na lang baka gayahin mo." dagdag pa nito kaya halos mabasag na ang basong hawak ni Margarita dahil sa inis nito.

"Fine, I will double the 50 million. Huwag na huwag ka ng bumalik at magpakita pa sa amin." pagsang-ayon nito kaya ngumisi si Kalliea.

"Deal." wika ni Kalliea at nakipag-kamay pa sa ginang.

Nauna naman itong tumayo saka lumabas ng coffee shop. Ang totoo ay hindi niya rin alam ang gagawin sa perang hiningi niya, siguro ang display sa bank account niyang zero balance.

Wala naman siyang balak bumili na bahay at lupa o kung ano pa man, siguro ay magaganap niyo ito balang-araw pero hindi para sa sarili niya.

Pagkauwing-pagkauwi niya wala pa roon ang Asawa at si Kallaine kaya mabilis niya ring niligpit ang mga gamit niya at di man lang nag-iwan ng kahit kaunting bakas. Siguro mas mabuting ito ang gagawin niya.

Nang masiguradong ayos na ang lahat ay kaagad din siyang umalis, mabuti na lang talaga at kakaunti lang ang gamit niya sa bahay ni Mayor.

Natigilan ito sa paglalakad nang biglang bumuhos ang ulan. "Tsk, tsk! Ang tanga mo Kalliea, lalayas-layas ka tapos di mo alam saan pupunta." sermon niya sa sarili.

"May 100 million ka nga di naman sa'yo. Kawawa ka naman." Dagdag pa niya at sinipa-sipa ang batong nakita niya sa kanyang sinsisilongan.

"Sana kapag natila na yung ulan, magiging ayos ang lahat." bulong niya habang masusing pinagmamasdan bawat patak ng ulan.

Di niya ininda ang nararamdamang lamig. At naisipan nitong magpatuloy pa rin sa paglalakad kahit sobrang lakas ng ulan. Wala siyang mapupuntahan, alam niya yun sa sarili niya.

Hindi siya pwedeng umuwi sa bahay ng Lolo niya at di rin siya pwedeng pumunta sa bahay ng mga kaibigan niya. Natigil siya sa paglalakad nang may humintong sasakyan malapit sa kanya.

"Sakay na!" saad ng driver at sa pagkakaalalala niya si Lei iyon. Hindi niya ito pinansin at akmang magpapatuloy na sa paglalakad. Ngunit sinusundan pa rin siya nito kaya siya na ang nag adjust at sumakay rin sa bandang huli.

"Bakit ka ba nagpapaulan?" tanong ni Lei pagkarating nila sa bahay nito.

"Pakialam mo ba?" tanong niya pabalik dito.

"Sabi ko nga wala." naiiling na saad ni Lei at tumango-tango pa. "Uuwi ka ba ngayon? Ihahatid kita sa inyo?" tanong pa ni Lei ngunit 'di siya nito sinagot. Umiling na lang binata at nagtungo sa kwarto nito.

Muli namang lumabas si Lei dala ang isang puting towel.

"Uuwi akong batangas bukas. Baka gusto mo ng umuwi?" hindi pa rin sumagot si Kalliea at nanatiling tulala. "Ayos ka lang?"

"Batangas? Pwede ba akong sumama?" biglang tanong ni Kalliea na ikinagulat ni Lei.

"Huh? I mean, ano namang gagawin mo roon?" naguguluhang tanong ni Lei.

"Oo o hindi lang ang isagot mo huwag mong sagutin ng tanong yung tanong ko." Ani ni Kalliea at halatang wala ito sa mood.

"Pwede naman, ah. Naalala ko I bought two tickets, maswerte ka." nakangiting saad ni Lei sa kanya.

"Thanks." maikling sagot ni Kalliea.

"Tomorrow 5am yung flight natin, ayos lang ba sa'yo?" napa buntong-hininga si Kalliea bago sumagot.

"Yes, mas mabuti yun. Gisingin mo na lang ako kapag aalis na." saad niya at walang hiya-hiyang humiga sa sofa.

"Hindi ka magpapalit ng damit? Para kang basang-sisiw sa itsura mo ngayon." sabi ni Lei at nagpipigil ng tawa.

"Just shut up. I don't need your opinion." iritadong sagot ni Kalliea kaya naiiling na iniwan siya ni Lei sa sofa.

"Nakikitulog na nga lang ang sungit pa. Tsk, tsk, pasalamat ka lang talaga kasi pogi ako." bulong nito sa sarili.

Kinabukasan, gaya nang napag-usapan nila ay nakaalis na sila ng Mindanao. Alas otso nang umaga naman sila nakarating ng batangas.

"Saan ka pupunta ngayon?" tanong ni Lei sa kanya.

"Hindi ko alam. Hindi ako taga-rito. Wala akong kamag-anak dito, siguro maghahanap nang trabaho? Tapos babayaran na lang kita sa utang kong plane ticket." aniya.

"Wag ka na mag hanap. May i-ooffer ako sa'yo." suhestyon ni Lei.

"Matino ba 'yan? Pass kapag dealer ng shabu." diritsang saad ni Kalliea kaya natawa si Lei. "Huwag mo nga akong tawanan. Anong trabaho ba yan?"

"Pretend to be my sister." saad ni Lei kaya biglang natigilan si Kalliea.

"Huh? Baliw ka ba?" natatawang tanong niya rito.

"I'm not. That's the reason kung bakit ako pumunta sa mindanao ay para hanapin ang kapatid ko. My Mom is looking for her, lumalala na yung sakit ni Mama and she badly wants to see my Ate." paliwanag ni Lei.

"Pero you shouldn't lie to her." saad ni Kalliea.

"Please, nakikiusap ako. Ito na lang ang nakikita kong paraan, nawawalan na ako ng pag-asang makita si Ate." nakikiusap na saad ni Lei at halos lumuhod na sa harapan ni Kalliea.

Napa buntong-hininga naman ang dalaga. "Sige, gagawin ko. Magkano yung monthly fee? At ilang taon ka na ba?"

"50k a week and I'm 20 years old." halos malaglag ang panga ni Kalliea nang marinig ang mga sagot ni Lei.

"Are you kidding me?" natatawang tanong nito.

"No, totoo yun. Anyway, my name is Lei Mikael Silvano." pakilala nito.

Unedited.

VEFS#01: Mayor Niyo Ang Asawa Ko (Completed)Where stories live. Discover now