V

292 10 0
                                    


V

Sumama si Kalliea para tumulong sa pamimigay ng relief goods kay Mayor sa kabilang baranggay.

Habang namimigay ng relief goods ay may biglang lumapit na babae kay Mayor, hindi ito nakakapagsalita kaya siya'y nag hand gestures.

"Anong sabi niya?" tanong ni Mayor. Alam kasi nitong nakakaintindi ang dalaga at isa rin yun sa mga dahilan kung bakit siya pinasama ni Mayor.

"Ang sama daw ng ugali mo tapos ang pangit pangit mo pa raw." pamimilosopo ng dalaga dahil sa inis. Hindi niya maintindihan bakit naiinis siya sa sinabi ng babaeng yun na may gusto kay Mayor.

Napailing na lang si Marchaus at ngumisi. "Are you jealous?"

"Kapal mo naman!" inis na bulyaw ni Kalliea.

"Bakit ang layo ng pagkakatranslate mo sa sinabi niya?" muling tanong ni Marchaus.

"Nakakaintindi ka naman pala. Tss!" Kaagad na iniwas ni Kalliea ang tingin sa mapupungay na mga mata ni Marchaus.

Bakit nga ba siya magseselos? Hindi niya nga gusto ang binata at isa pa, hinding-hindi niya gugustohin na magkagusto sa kanya.

"So, you're jealous." panunukso ni Marchaus kaya mas lalong binilisan ni Kalliea ang paglalakad dahil sa inis.

Sunod naman nilang pinuntahan ay ang public school sa kanilang bayan dahil may event na gaganapin doon at guest si Mayor.

"Ayos lang ba sayo na sumama?" tanong ni Marchaus habang nasa van silang dalawa. Tumango naman ang dalaga.

Naiinis na siya sa kasama dahil kanina pa nito inuulit-ulit ang tanong.

"Ayos ka lang ba?" Napapikit na lamang ito nang magtanong muli ang Asawa.

"Opo, Kuya!" aniya kaya iginaya ni Mayor ang tingin sa labas ng bintana pagkatapos ay nanahimik. Napansin naman iyon ni Kalliea kaya siya ay nagtaka ngunit sa kataasan ng pride nito ay natiis nitong hindi magtanong.

"If you're tired, just stay here... I'll go there by myself, and if you need something just send me a text." saad ni Marchaus na magkasalubong ang kilay.

Bumaba na rin ito dahil nakarating na sila sa venue. Gusto sanang tanungin ni Kalliea kung ayos lang ito pero pinilit niya ang sariling manahimik dahil baka may masabi pa ang binata na hindi maganda.

Ilang oras na ang lumipas hindi pa rin bumabalik si Marchaus kaya nag desisyon siyang mag ikot muna sa loob ng campus. Pagkalabas pa lang ng sasakyan ay sobrang daming tao na ang bumungad sa kanya lalo na sa gym ng school.

Sa sobrang pagkainip ay di na nito napansin kung saan saan na siya nakarating at nang marealize yun ay natampal niya ang kanyang noo. Mabilis kaagad itong naglakad pabalik sa kinaroroonan ng van dahil baka bumalik na run si Mayor at tama nga siya. Salubong pa rin ang kilay nito at hindi na maipinta ang kanyang mukha.

"Hurry up!" utos nito kaya minadali ni Kalliea ang kilos dahil sobrang lamig na ng pagkakasabi ni Mayor. "Where did you go?" tanong pa nito sa kanya.

"Naglibot lang." pabalang na sagot nito.

"Tsk. Naglibot lang daw, sobrang tagal naman bumalik!" parang bata na bulong ni Mayor. Kahit na mahina yun ay rinig na rinig ni Kalliea.

"Problema mo?" Tanong ni Kalliea pero hindi siya pinansin ni Mayor at umiwas ito ng tingin sa kanya. "Parang bata!" asik ni Kalliea. Mabuti na lang hindi sila naririnig o nakikita ng kanilang driver.

Walang imikan silang umuwi sa bahay. Pumanhik si Kalliea sa kanyang kwarto at ganoon rin si Mayor.

Biglang tumunog ang sikmura ni Kalliea dahil hindi ito kumain ng tanghalian, alas sais na ng hapon kaya lumabas ito ng kwarto para kumain. Pagkarating ng kusina ay naroon si Mayor.

"Kumain ka na, alam kong hindi ka nag tanghalian kanina kaya pinagluto kita." saad ni Mayor.

"Bakit?" tanong ng dalaga dahil hindi ito makapaniwalang may ganoong ugali rin pala si Mayor.

"Ayoko lang na magkasakit ka." Anito habang ginigisa ang sibuyas at bawang.

"Ayaw mo pala akong magkasakit, eh yung kanina? Bakit salubong ang kilay mo?" Nang-aasar na tanong ni Kalliea.

"Forget it." Sagot ni Mayor.

"Sabi mo eh, kunwari na lang din maniniwala ako." Napalunok si Mayor dahil sa sinabi ng dalaga.

Hindi na maintindihan ni Mayor ang sarili, dahil sa tuwing lumalapit ang dalaga ay palakas nang palakas ang tibok ng puso niya at ayaw niya ring nawawala ito sa kanyang paningin.

Siguro nag-aalala lang siya sa dalaga dahil sa asawa niya na ito at responsibilidad niya na rin kung may masamang mangyari rito.

"Yorme, pinapasabi pala ni manang pinapapunta raw tayo ni Mama sa bahay niya." turan ni Kalliea habang kumakain sila.

"Mama?" nagtatakang tanong ni Mayor dahil wala naman ang Mama ni Kalliea sa pagkakaalam niya.

"Mama mo, alangan namang mama ko." natawa na lang si Mayor dahil sa sama ng tingin ni Kalliea sa kanya. Naiisip niya na lang na pinaglihi ito sa sama ng loob.

Gustong-gusto niya talaga na nakikitang naaasar ang dalaga dahil para sa kanya mas gumaganda ito lalo.

"Tinitingin-tingin mo riyan?" Naiilang na tanong ni Kalliea.

"Gumaganda ka kapag naiinis." saad ni Mayor kaya biglang natiklop si Kalliea.

"Bolero. Akala mo naman ako lang sinabihan mo ng ganyan, tsk!" sagot nito upang di hindi mapansin ni Mayor na nakaramdam ito kaunting pagkatuwa.

Alam na alam talaga ni Mayor kung paano magpakilig ng dalaga, siyempre ganun siya sa kanyang Ina. Hindi nakuha ni Mayor ang ugali ng ama pero yung talino naman ay kuhang-kuha nito pati ang awra, ang ugali naman niya naman ay namana sa Ina.

"Dalawa lang naman ang babaeng sinabihan ko ng maganda." paliwanag ni Mayor.

"Kita mo na,"

"Ikaw at si Mama lang. Patapos mo nga akong mag salita, palibhasa kayong mga babae puro kayo tamang hinala pero mali naman." Ani ni Mayor kaya ngumisi si Kalliea.

"Kayo naman kasing mga lalaki hindi kayo kontento sa isa, gusto niyo lima."

"Bakit? Ilang lalaki na ba ang naging kasintahan mo at nasasabi mo yan?" Nakataas ang kilay na tanong ni Mayor.

"Wala." Sagot ni Kalliea at nakagat ang ibabang labi. Humagalpak naman sa tawa si Mayor dahil sa narinig. "Tss. Wala namang nakakatawa." bulong nito dahil sa inis.

"So, ako pala ang una?" tanong ni Mayor. "At asawa pa."

"Ang kapal mo naman, hindi kita type." Aniya saka tumayo na sa kinauupuan.

Naiinis talaga siya sa pagmumukha ng binata, hindi naman sa pangit ito kundi naiinis lang talaga siya.

"Ako na maghuhugas ng pinagkainan." Sabi ni Mayor.

Unedited.

VEFS#01: Mayor Niyo Ang Asawa Ko (Completed)Where stories live. Discover now