Chapter 24

12.3K 970 62
                                    

Chapter 24: Mind Link

I initially thought that our plan would go smoothly just like what we have expected. Tavion was already in control of the monsters and Caleb with his amazing acting skills was outside, making a performance that he was the one controlling the monsters to capture Anna.

Sa sandaling makuha na namin si Anna sa loob at sumunod na sa kanya si Caleb, hindi iisipin ng mga tagapagbantay na Attero na may mga kasamahan pa si Caleb sa loob. They would think that the only victim in this situation was Anna, na lingid sa kanilang mga kaalaman na kasabwat pala. And having Anna inside the old ruin, means that they failed to rescue their fellow Attero. In that way, hindi sila magtatawag pa ng iba pang Attero, they would keep it a secret and forget about Anna.

We shouldn't take too much attention. Iyon naman talaga ang siyang plano namin. We couldn't just risk of getting caught, dahil alam naming may higit pang kapanyarihan ang mundong ito kaysa sa amin.

"I am the King of the Monsters! Come here my bride!" anunsyo ni Caleb habang hinihila ng mga halimaw papasok ng pinto si Anna na kunwari'y nanlalaban.

Kapwa naroon na kina Caleb at Anna ang atensyon namin ni Tavion, malapit na silang maghawak nang biglang tila may sumabog na liwanag sa aming harapan.

Nagawa ko pang harangan ng braso ang aking mga mata dahil sa tindi ng liwanag.

"W-What's going on?" tanong sa akin ni Tavion.

Hindi ako nakasagot sa kanya at pilit ko na lang tinanaw ang nangyayari sa labas. Ang siyang unang nakita ko ay anino ng isang pamilyar na pigura sa gitna ng puting usok, ang paglapag ng kanyang mga paa na nakalutang sa ere, ang paghawi niya sa kanyang buhok na bahagyang sumasayad sa kanyang balikat, ang galaw ng kanyang mahabang hikaw, at ang kasuotan niyang nakapatong lang sa balikat.

"A-Anong ginagawa niya rito?" tanong ko na lamang.

The elegant, handsome, and villainous, Howl Paladein De Voss just made an entrance in front of our performance. He formally bowed like a prince in the middle of our catastrophic war.

"Let me end this event, ladies and gentlemen."

Saglit lang nagulat ang lahat sa atensyon ni Howl, dahil mabilis din nakabawi ang mga Attero. "Catch the traitor! Howl Paladein De Voss!"

Nagkibit-balikat lang siya bago niya inangat ang kanyang kanang kamay na nagpatilapon sa mga kalaban. Hindi niya man lang pinansin sina Caleb at Anna sa labas dahil diretso na siyang pumasok sa loob.

Maging kami ni Tavion ay nakatitig lang sa kanya nang lampasan niya kaming dalawa, but Caleb didn't let it slide. Iritado siyang pumasok sa loob na kunot na kunot ang noo.

Nasa likuran na kaming lahat ni Howl habang siya ay nanatiling nakatalikod sa amin. Akala ko ay insulto ang siyang ibubungad niya sa amin, pero natulala na lang kami sa Howl na nasa harapan namin.

He suddenly went on his knees, with his shaking shoulders. "S-She's gone. . . she's gone."

If Anna and I could still look at Howl's miserable state, Tavion and Caleb diverted their eyes away from him. Inaasahan ko na rin na galit ang isasalubong ng magpinsan na Gazellian, after all, we tried to make our plan works, pero ngayon na nasa loob na rin si Howl, siguradong mas marami pang Attero ang magbabantay sa amin sa labas. And that made our situation complicated.

Hindi na kami nagsalita at nagtangkang lumapit kay Howl. We gave him space.

Lumayo na muna kami sa kanya, but we could still hear his pain, lalo na sa paulit-ulit niyang pagmumura at pagsuntok sa sahig. I had few encounters with him, and I never thought that I'd witness his vulnerability.

Map of the Blazing Hearth (Gazellian Series #8)Where stories live. Discover now