Chapter 36

10.3K 846 88
                                    

Dedicated to: Czerina Legaspi

Chapter 36 Together

"And then I guess, I am quite different because I am into a wild white werewolf who's good into her bites. . ."

Napalingon na ako kay Tavion na wala na sa akin ang atensyon.

"You're okay now? You're not jealous anymore?"

He snorted inside my mind.

"Who says I am jealous? That stupid vampire just has some foul pheromone. You weren't attracted to him, it was just a spell. He's a fake. I am sure. He might have drunk or even took a bath in the fountain of youth to make himself like that."

Pinigilan ko na lang ang sarili kong hindi matawa sa sinabing iyon ni Tavion. I heard a lot of comments about Rosh's presence of being unreal, pero mukhang sineryoso ni Tavion ang ibig sabihin niyon.

Akala ko ay magtatagal pa ang labanan pero nang higit na mapansin ni Rezef na mas lamang na kami sa kanila, agad na iyong nag-anunsyo ng pag-atras. Though, we weren't expecting that it was the end of everything. Dahil nasisigurado kaming babalik sila.

Ngayon ay naniningkit na iyong mga mata ni Tavion kay Rosh dahil nasisiguro ko na nababasa na niya ang isipan ko sa tuwing napapatitig ako kay Rosh.

"I was expecting another dragon wizard or maybe a goddess?" dagdag ni Tavion.

"Is he a relative? Pareho kayo ng kulay ng buhok. Weird," nakangiwi na si Rosh habang pinagmamasdan sina Caleb at Tavion.

"What is wrong with this idiot? He's been noticing our—"

"Appearances, iyon lang ang mahalaga sa kanya. He's vain," iritadong sabi ni Caleb.

Hindi ko na sinundan pa ang usapan nila dahil inilabas ko na ang mapa. We need to find a better and safe place inside, kung mayroon pa.

Nakapagpalit na rin naman ako ng anyo sa tulong ni Anna. Kaya nakasunod na silang lahat sa akin habang hawak ko ang aking mapa.

I knew right at that moment that we were all wishing for a place that wouldn't welcome us to another enemy, lalo na't lahat kami ay napalaban na kanina. Kaya nang sandaling salubungin kami ng lumang aklatan, kapwa kami napahinga nang maluwag.

Nang makapasok na kami roon ay naghiwa-hiwalay na kami. Caleb followed Anna, and Tavion stayed beside me. Habang sina Howl at Rosh ay tila nagkaroon ng sariling mga mundo.

"Aren't you going to give us your little talk, bagong salta?" panimula ni Howl.

Lahat kami ay nakatitig kay Rosh na nakatalikod sa amin habang inaabala ang sarili sa mga aklat sa harapan niya.

"Why don't you introduce yourself first? Sa totoo lang ay dalawa lang ang pamilyar sa aking mga mata sa mga oras na ito," tipid niyang tinapunan ng tingin ako at si Caleb.

"I am Tavion, also a vampire," agad na sagot ni Tavion.

"Never heard of any grayish haired vampire aside from Caleb."

"He's my cousin. He's a Gazellian," sagot ni Caleb.

"Oh? What a twist. A vampire living outside Nemetio Spiran."

"It's not new to you. You're familiar with my father's brother," sagot ni Caleb.

"Tiffon's son. Siya na ang sagot sa malaking problema ni Dastan. You can be the next king of Parsua Sartorias," he said casually.

"I'm not a Gazellian," sagot ni Tavion.

Caleb rolled his eyes. "Come on, are we going to talk about this again?"

Map of the Blazing Hearth (Gazellian Series #8)Where stories live. Discover now