Chapter 8

13.2K 315 7
                                    

Hunks Series 3
My Lovely Stranger
"Nathaniel"
By...emzalbino

Walang nagawa ang pagmamatigas ni Nathaniel ng pagkaisahan siya ng kanyang mga magulang tungkol kay Kathryn. Kung siya lang ang masusunod ay ayaw na ayaw talaga niyang may ibang babaeng nakatira sa kanilang bahay dahil pakiramdam niya ay muling bumabalik ang sakit at kirot na dulot ng pagkawala ng dati niyang nobya na pumanaw.

Pabagsak na naupo siya sa kanyang kama. Sunod sunod na buntong hininga ang kanyang pinakawalan ng biglang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto at pumasok ang kanyang daddy Ferdinand..

"Iho, we understand what do you feel pero anak kailangan nung tao ng matutuluyan, kailangan niya ng taong makakaintindi sa kanyang pinagdadaanang krisis sa buhay. Bakit hindi natin siya bigyan ng pagkakataon? Bakit natin hindi natin siya tulungang makabangon o kahit ang tanging maitutulong lang natin ay patirahin siya dito sa bahay? Anak kung sakaling ikaw ang nasa sitwasyon niya? What do you feel if we were treat you like the way you do to her? Anak it's time to let you her, how many years that passed by already at hanggang ngayon ay parang hindi mo pa yata kayang makakita ng ibang babae dito sa bahay? Anak wag mong ikulong ang iyong sarili sa kahapong nilamon na ng ilang dekada, pabayaan mo na si Digna.Hayaan mo na siyang manahimik sa kanyang kinaroroonan at alam kong masaya siya pag nakita ka niya g naka move on na sa kanyang pagkawala" malungkot na pahayag ni Ferdinand sa anak nito.

"Daddy nag mo move on na naman ako ah" agap na sagot ni Nathaniel.

"Then just let her stay here" saad naman ni Ferdinand na ang tinutukoy ay si Kathryn.

"May magagawa ba ako eh pinagkaisahan na ninyo ako ni mommy" himutok ni Nathaniel sa ama.

"Hindi ka namin pinagkakaisahan anak, we were just doing this to protect this poor girl" sagot naman ni Ferdinand.

"I've nothing to say about it dad, i'd shared my thoughts already kaya kung ano ang pasya ninyo ay kayo nalang po ang bahala, and please dad i want to take a rest now dahil may pasok pa ako bukas" saad ni Nathaniel sa ama nito.

"Okay thanks anak at sana ay magkasundo kayo ni Kathryn one of this day, and you may rest now" wika naman ni Ferdinand at iniwan na nito ang anak na nakabusangot ang mukha.

Alam ni Ferdinand na napipilitan lang ang kanyang panganay na anak ngunit sadyang iginalang nito ang pasya nilang mag asawa kaya wala na itong nagawa pa ng sabihin nila ang kanilang pinal na desisyon.

...

Kinabukasan ay maagang nagising si Nathaniel dahil kailangan niyang makapasok ng maaga sa opisina. Matapos niyang maayos ang sarili at mga gamit ay nagmamadaling nagtungo ng kusina upang kumain ng agahan.

Walang tao sa kusina ngunit nakahanda na ang pagkain at maging ang mga pinggan at lahat ng kanyang kailangan at maging ang kanyang umuusok na kape.

"Hmm it's smell different today huh" wika ni Nathaniel sa kanyang pagkaing nakahanda roon at tahimik na naupo sa harap ng mesa....."Wow! i like this coffee" muling wika nito at inilang lagok lang niya ang kapeng nasa coffee mug at ang sunny side up egg, toast bread at bacon ay nagmamadali niyang inubos dahil kakapusin na siya bg oras sa pagpasok sa opisina.

Papalabas na sana si Nathaniel sa may kusina ng makasalubong nito ang kanilang katulong na si manang Azon...

"Good morning manang Azon, thanks for the very nice breakfast! nakangiting turan nito sa kanilang kasambahay.

"Salamat iho pero hindi ako ang nagluto at naghanda ng agahan mo ngayon" nakangiting sagot naman ng katulong.

"Then who? takang tanong ni Nathaniel dahil dati naman ay si manang Azon ang gumagawa nito.

HUNKS SERIES 3...My Lovely Stranger...NATHANIEL....by...emzalbinoWhere stories live. Discover now