Finale...

22.5K 568 42
                                    

Hunks Series 3
My Lovely Stranger
"Nathaniel"
By...emzalbino

Nagising si Kathryn sa hindi makapaniwalang sitwasyon dahil nakapiring ang kanyang mga mata at ang pakiramdam niya'y nasa himpapawid siya na para bang lumulutang siya.

Tangka niyang aalisin sana ang nakapiring sa kanyang mga mata ng biglang may pumigil sa kanyang mga kamay.

"Please don't ever do that dahil wala naman mangyayaring masama saiyo eh kaya makiayon kana lang sa nangyayari" anang baritonong boses na parang nasa tabi lang niya ngunit dala ng kanyang takot at pag aalala dahil parang pamilyar sa kanya ang boses na iyon ay agad niyang hinablot iyon at nanlaki ang kanyang mga mata ng mapagsino ang kanyang nasa tabi.

"Keith!" hindi makapaniwalang turan ni Kathryn.

"Yes, it's me Kathy" nakangiting tugon ni Keith na katabi lang nito ang dalaga.

"Shannon!" muling tigagal na wika ni Kathryn ng makita nito sa harap ng helicopter na siyang nagpapalipad at dahil sa sobra nitong tensiyon ng mga sandaling iyon......"Anong gagawin ninyo sa akin huh! Ibaba ninyo ako rito! Ibaba ninyo ako rito dahil hinihintay na ako ni Nath! Parang awa na ninyo pakawalan ninyo ako!" sumisigaw habang ang mga luha nito ay nag uunahan at mabuti nalang dahil water proof ang make up niya kaya hindi nagkalat sa kanyang mukha.

Pasimple namang napapangiti ang dalawang lalaki habang si Kathryn ay halos himatayin nA sa niyerbiyos.

"Just relax Kathy and in a few more minutes a lalapag narin tayo" kalmanteng wika ni Keith na si Shannon ay pangiti ngiti lang.

"Bakit mo nagawa sa akin ito Keith? Diba nag usap na tayo na magiging okay na magkaibigan tayo? Pero bakit mo nagawa akong dukutin?" lumuluhang saad ni Kathryn at ng pagkalipas ng ilang segundo ay muling piniringan ni Keith ang kanyang mga mata na kahit na nagpupumiglas ito ay walang nagawa kundi ang umiyak na lamang.


Ilang sandali pa ay naramdaman ni Kathryn na parang tumigil na ang helicopter at hawak ng dalawang lalaki ang magkabila niyang mga kamay.


Inalalayan naman siyang bumaba ng kanyang mga kasama sa pagbaba at paglalakad nito.

"Keith, nagmamakaawa ako saiyo. Please pakawalan mo na ako dahil uuwi na ako at hinihintay na ako ni Nath. May pupuntahan pa kaming party kaya alam kong nag aalala na siya" nagsusumamong wika ni Kathryn habang patuloy lang ito sa paglalakad .


Maya maya ay naramdaman ni Kathryn na dinala siya sa isang lugar na hindi niya maipaliwanag kung anong lugar iyon dahil napakatahimik.

"Keith, anong lugar itong pinagdalhan mo sa akin huh? Saan na ako naroroon? Ano ba talaga ang gagawin mo sa akin ha Keith?" sunod sunod na tanong ni Kathryn na noon ay nanlalamig na sa niyerbiyos ang buong katawan niya ngunit wala siyang marinig na anong sagot mula kay Keith. Kinapa kapa niya ang paligid upang alamin kung nasaan ang katabi niya ngunit wala siyang makapa. Patuloy lang siya sa ginagawa ng bigla ay mayroon din siyang nakapa ngunit nagtaka siya dahil parang ibang amoy na ng pabango ang kanyang naaamoy na parang pamilyar sa kanya ang amoy na iyon.

Kakapain sana niyang muli ang may ari ng amoy na iyon ng biglang may humalik sa kanyang mga labi na padampi lang naman.


"Keith, ano bang palabas ito huh! Please pauwiin mo na ako at kanina pa naghihintay sa akin si Nath! Kanina pa iyon nag aalala at alam kong hinahanap na niya ako, Keith parang awa mo na hu hu hu!" sigaw ni Kathryn na mas lalo pang napaiyak ito at maglulupasay na sana siya sa may sahig ng biglang pigilan siya ng inaakala niyang si Keith.


"Take it easy sweetie, you'll be safe in my arms" bulong ng lalaking nasa tabi ni Kathryn at ng marinig ni Kathryn ang boses na iyon ay agad niyang inalis ang piring nito at nanlalaki ang kanyang mga mata ng.

HUNKS SERIES 3...My Lovely Stranger...NATHANIEL....by...emzalbinoDove le storie prendono vita. Scoprilo ora