Chapter 14

13.9K 358 12
                                    

Hunks Series 3
My Lovely Stranger
"Nathaniel"
By...emzalbino




Maagang gumising si Kathryn dahil sa pag aakalang hindi pa nakabalik mula sa Cavite si manang Azon. Naligo na siya at nag short lang at t shirt saka lumabas na ng kanyang kwarto ng maayos nito ang sarili. Pagkabukas niya ng pinto ng kanyang kwarto ay napatingin siya sa katapat na pinto ng kanyang kwarto na kwarto ni Nathaniel, biglang parang may kabang bumundol sa kanyang dibdib at naalala niya bigla ang mga sandali nila kagabi. Ang mga titig ni Nathaniel na kayhirap at hindi maipaliwanag kung galit o hindi ngunit kapag nakikipagtitigan naman siya ay biglang kumakabog ang kanyang dibdib dahil pakiramdam niya ay may ibig pakahulugan ang mga tingin na iyon ni Nathaniel.




"Kathryn tigilan mo iyan , wag na wag kang maaapektuhan dahil iiyak kalang at hindi magkakatotoo ang iniisip mo!" parang tangang sermon nito sa sarili at mu,i niyang sinulyapan ang nakapinid na kwarto ng binata saka deretsong nagtungo sa kusina at nagulat ito ng naroroon na si manang Azon.




"Hello manang Azon magandang umaga po" masyang bati ni Kathryn sa matanda.



"Maganda ka pa sa umaga Kathryn" birong sagot ni manang Azon.




"Ha ha ha kayo talaga manang Azon!"......tatawa tawang wika ni Kathryn........"Kadarating niyo lang po?" maya maya ay tanong ni Kathryn habang nagto toast ng tinapay.




"Oo iha, dapat sana kagabi pa ako lumuwas ngunit nakaabot ang isa ko pang kapatid na galing pa sa kanilang probinsiya kaya ipinasya ko ng magmadaling araw ang uwi para maka bonding ko naman sila" sagot na pahayag ni manang Azon.




"Ah ganoon po ba? Buti pa kayo at may mga kamag anakan na nakaka bonding" malungkot na sabi ni Kathryn at saka gumawa ito ng kape para sa kanila ni manang Azon.


"Hay naku Kathryn ganyan talaga ang buhay, minsan ay hindi pantay pantay ang lahat ng nilalang sa ibabaw ng daigdig. May mga nakakalamang at may mga nagdurusa, may iniiwan at may dumarating din naman kaya wag na wag kang maiinip dahil balang araw ay darating din ang taong magpupuno ng saya sa malungkot mong buhay" nakangiting saad ni Manang Azon kay Kathryn.




"Siguro nga po" tanging sagot ni Kathryn at saka inilapag nito ang kape sa ibabaw ng mesa at saka kinuha nito ang toasted bread at nilagyan lang niya ng toppings na peanut butter at nutella chocolate saka nilantakan na niya ang pagkain.


.....

Matapos makapag breakfast si Kathryn ay nagsimula na siyang maglinis ng bahay at si manang Azon naman ay sa kusina at inihanda narin niya ang mga labahan sa washing machine.


Mag aalas siyete y media ay lumabas ang mag asawang Helena at Ferdinand na nakabihis na.



"Good morning po tita, tito kay aga naman ninyong aalis, magsisimba po ba kayo?" ani Kathryn sa mag asawa.




"Yes iha, gusto mo bang sumama?" sagot ni Ferdinand kay Kathryn.




"Opo sana para makapagsimba naman ako" ani Kathryn.




"But iha, i heard na niyaya ka kahapon ni Keith right?" singit ni Helena sa dalawa.




"Eh iyon po ang sabi niya pero baka naman po nagbibiro lang po iyon" muling wika ni Kathryn.




"Nope iha i know Keith, pag sinabi niya ay ginagawa nito" turan ni Helena......" You see!" ani Helena ng makarinig ng ugong ng kotse na huminto sa tapat ng gate at mula sa kotse ay lumabas si Keith na kay gwapo nito sa suot na maong na kupasin at naka t shirt ng fitted na kulay gray.



HUNKS SERIES 3...My Lovely Stranger...NATHANIEL....by...emzalbinoWhere stories live. Discover now