Dalawa

120 12 3
                                    

Lumipas na ang isang buwan simula ng umalis si Vee sa dorm. Nilaan niya ang kaniyang buong atensyon sa kaniyang pag-aaral at paggala kasama ang barkada. Gusto niyang magpaka-busy sa araw-araw na ginawa ng Diyos para hindi sumagip sa isip niya si Wise.


Si Wise naman ay nangungulila kay Vee sa loob ng isang buwan. Palagi niya itong naiisip at na realize niyang marami na pala itong nagawa para sa kaniya. Gusto niyang lapitan ito at kausapin pero hindi niya pa rin alam kung ano ang sasabihin. Kaya pinag mamasdan niya nalang ito sa malayo.


Nalilito din siya sa kaniyang nararamdaman. Oo, mahal niya si Trexie simula pa lang pero bakit ganon? Bakit si Vee na ang hinahanap niya ngayon? Pero ayaw niya namang mawala si Trexie sa buhay niya at mas lalo naman si Vee!


Napabuntong hininga nalang si Wise habang kinakamot ang ulo niya.


Naging busy ang dalawa sa araw ng Intramurals sa kanilang school kaya nagkaroon sila ng oras para huwag muna isipin ang kanilang personal matters. Pero dahil mapaglaro ang tadhana ay pinagtagpo silang muli.


Habang inaayos nila Vee ang canopy, di nila inaasahan na matatangay ito ng hangin kaya tumama ang isang tubo sa noo ni Vee. Nag panic ang kaniyang mga kaklase dahil may dugo ng lumalabas sa noo niya kaya dinala siya nito sa health booth.


At dahil si Wise ay nag-aaral ng medisina at na assign siya sa health booth kaya nagkita sila.


Nagulat si Wise ng makita niya si Vee pero nanaig ang kaniyang pag-aalala sa duguang noo nito. Agad niyang kinuha ang kanilang first aide kit at sinimulang gamutin ito.


Napapapikit si Vee sa bawat pagdampi ng kamay ni Wise sa kaniyang noo. Na miss niya ito ng sobra pero winaglit agad niya ang isiping iyon.


"Thank you." - sabi ni Vee at tumayo na


Akmang hahakbang na sana siya ng pigilin siya ng mga salita nito.


"Na miss kita Vee." - sabi ni Wise


Tiningnan niya lang muna ito at tinalikuran. Ayaw niyang tumagal at baka pumayag agad siya sa mga gusto nito.


Pagkatapos ng mga events sa nakaraang dalawang araw ay meron silang Mascarade Ball sa gabi.


Nagsisimula na ang party ng dumating si Wise kasama ang girlfriend niya at umupo sila sa table ng mga kaibigan nito. 


His just there, listening sa mga kaartehan nila. Pero ng mainip na siya ay nagpaalam siya kay Trexie na pupunta muna siya ng comfort room.


"So, kamusta naman kayo ni Wise?" - tanong ng isang kaibigan ni Trexie


"We're good naman. Bakit?" - sagot niya


"Wala naman just asking lang." - sagot nito


RoomieWhere stories live. Discover now