Tatlo

138 11 3
                                    

VEE'S POV

Tinuloy ko pa rin ang pagpunta kahit sinabi niyang hindi. Matigas ulo ko eh haha


After chatting him, dumaan muna ako sa mall to buy pizza and chicken para sa kaniya and para sa team niya na rin


Tumingin tingin rin ako ng iba pa para sana ibigay sa kaniya until I saw a cute bracelet. A couple bracelet to be exact.


"Umiilaw po yan kapag may naka miss sa inyong dalawa ng kasintahan niyo Sir" - sabi ng babae sakin


Kinilig naman ako bigla. Parang gusto ko tong e try to!


"Sige po ate kunin ko na yan" - sabi ko


Lahat ng tao sa gym nakatingin sakin habang naglalakad ako. Syempre, may pagkain akong dala, left and right pa kaya tawag pansin talaga.


Pero di ko na sila pinansin, patuloy lang ako sa paglalakad at pumunta sana sa locker nila Wise. Sabi kasi niya noon doon sila naka tambay kapag nagpapahinga.


Basketball player kasi si Wise and malapit na yung laban nila sa ibang school kaya medyo busy siya sa practice.


Habang binabaybay ang likod ng stage nakasalubong ko yung ka team niya na kapatid ng isa kong senior na si Leon.


"Nasa cr pa si Wise ate Vee! Wow dami namang pagkain!" - sabi niyang nakangiti


"Dalhin mo na don para sa inyo yan. Alam kong gutom na rin kayo" - sabi kong natatawa


"Salamat po ate Vee, dumiritso kalang tas pakaliwa andon yung cr" - sabi niya


"Sige thank you!" - ako


Kinuha ko sa sling bag ko yung regalo na gusto kong ibigay sa kaniya at binuksan ang box na lagayan nito.


"Sana magustuhan niya." - sabi ko na nakangiti at naglakad na sa direksyong itinuro kanina.


Sa labas lang ako naghintay habang tiningnan ang regalo ko. When I heard voices agad-agad ko itong sinara at nag-ayos.


"Oy pare! Bilisan mo baka maubos ang pizza at chicken! " - sabi ng lalaki


"Sino ba may birthday?"- tanong ni Wise


"Binigay daw ng jowa mo! Basa-basa rin sa gc"- sabi nito


"Si Trexie?"- tanong ni Wise


Ahh. Si Trexie naman talaga girlfriend niya diba?


"Sana all may iba pa"- kantiyaw kay Wise ng kausap


"Tanungin ko nga kung sino" - sabi ng lalaki


"Oy gago pare si Vee daw! Ikaw ha"- tukso ng lalaki kay Wise


"Andito siya!?"- tanong ni Wise


Bakit parang galit ka na andito ako? Ayaw mo ba ako dito?


"Kayo ba ni Vee pre?"- tanong ng lalaki kay Wise


"Walang kami pre. Friends lang kami non!"- deny ni Wise


Wala ba tayo? Akala ko kasi tayo eh. Wala pala.


"Ahh kala ko bakla ka na pre hahaha" - panunukso ng lalaki dito


"Gago! Di ah!"- tanggi ni Wise


Nagsimula ng maglaglagan ang luha sa mga mata ko. Ang tanging gusto ko lang sa mga oras na to ay tumakbo palayo! Palayo sa kaniya T_T


"Pero pre seryoso, tanggap kita kahit ano kapa. Ang payo ko lang sayo wag kang manakit pre, pagsisisihan mo rin yan sa bandang huli" - dagdag nito


Sa tingin ko, I heard enough.


Binuksan at tiningnan ko ulit yung regalo ko para sa kaniya.


Gets ko na ngayon kung bakit ayaw niya akong papuntahin. O kahit ipakilala man lang sa mga kaibigan niya. Kaya din siguro sa dorm lang kami lagi nag da-date para walang may makakita.


Sinarado ko na ang box at walang ingay na umalis sa lugar na yon.


Minahal mo ba ako Wise? Kasi ako mahal na mahal kita...


I saw a trash bin nearby at tinapon ang regalo ko sana sa kaniya.


Ayokong magalit sayo dahil naging sobrang masaya ako sa piling mo. Naiintindihan na kita ngayon kung bakit patago lang tayo. Choice ko din naman kaya nangyari to eh.


Ang tanging kasalanan mo lang sakin ay ang di pagsabi ng totoo. Masakit man na marinig mismo sayo yung mga salitang yon, patatawarin pa rin kita dahil mahal kita. Diba sabi ko noon okay lang sakin yung lahat-lahat na nangyayari as long as nasa akin ka. Pero this time na alam ko ng di mo ako mahal. Pinapalaya na kita Wise. Masaya na ako kung saan ka sasaya. :)

RoomieWhere stories live. Discover now