Anim

106 10 2
                                    

Parang tinusok ng ilang libong karayom ang puso ni Vee sa nakita. Pero bago pa siya maka-alis sa lugar na yun, nagkatitigan muna sila ni Wise and he saw how Wise push Trexie away and run towards him pero tumakbo na rin siya.


"Vee!"


"Wait! It's not what you think it is!" - yan ang sabi ni Wise habang habol si Vee pero hindi siya nito pinapansin.


"Vee! Hear me out please!" - sabay hablot sa kamay nito ng maabutan niya


"Tama na Wise! Please lang!" - hagulgol na sabi nito habang binabawi ang kamay mula dito.


Pinagtitinginan na sila ng mga tao sa daan pero walang paki-alam si Wise. All he want is that magka-ayos sila ni Vee. Mapasakaniya ulit si Vee.


"It's really not what you think it is!"


"Then what!?"


"Bigla niya akong hinalikan and I never liked it! Nagulat ako sa ginawa niya kaya di ko agad siya natulak!" - paliwanag nito


"Okay! If yun talaga ang nangyari. Pero Wise ayoko na, tigil na natin to please lang!" - hagulgol na saad ni Vee


"Vee naman..."


"Please Wise, ayoko na masaktan. Ang sakit sakit na! Paulit-ulit nalang. Palagi nalang ganito ganyan. This relationship was never been easy."


"I know hindi naging madali sayo Vee and I'm really really sorry for that. Pero can you please give me one last chance? Promise, wala ng tagu-an and all the shits na nagawa ko." -pagmamaka-awa ni Wise habang may namumuong luha sa mga mata nito.


"Your promises are meant to be broken Wise. And siguro hanggang dito nalang talaga tayo. Sinaktan mo na ako ng ilang ulit at hindi yun maiiwasang mangyari sa susunod. Mahal kita pero nakakapagod na. "


"Please Vee.. I'm sorry.. I'm really sorry..." -hagulgol na sabi ni Wise habang niyayakap si Vee


Hindi maiwasang yumakap na rin si Vee, but for him, it is a farewell hug.


Ilang minuto pa ang makalipas ay bumitaw na ng yakap si Vee and slowly walk away without saying any word.


Wise just stared at Vee's back. Napaupo siya sa gilid ng daan at humagulgol. Nagsisisi siya sa lahat ng ginawa niya at kung pwede lang na bumalik siya sa nakaraan ay hindi na niya gagawin ulit iyon.


After that night, araw-araw ng umiinom si Wise at walang oras na hindi niya naiisip si Vee.


Tahimik na sinubaybayan niya lahat ng nangyayari sa buhay nito. Nakamasid lang siya sa malayo dahil wala na siyang lakas ng loob na lapitan pa ito. At ang masakit pa ay nakikita niya itong masaya na sa iba. Natatakot siyang guluhin ito at baka mawala ulit ang ngiting gusto niyang makita kahit nasa malayo lang siya.

RoomieWhere stories live. Discover now