Kabanata 04

59K 911 5
                                    

© 2015 KingstonJ

K a b a n a t a - 0 4

Para bang tinakasan ako ng dugo nang mapag alamang tumatawag si Greg Natan Gatchalian. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang kaniyang tawag dahil labis na kaba ang aking nararamdaman. Samu't saring mga katanungan din ang namumuo sa aking isipan. Gagalawin na ba niya ako? Muling uutusan na paligayahin siya kaniyang opisina o kwarto? Ni isa hindi ko masagutan. Ni isa wala akong mahagilap na kasagutan. Siguro nga oras na para makinig sa sinabi ng kaniyang kapatid na si Tyler Gatchalian. Na kailangan ko nang layuan ang kapatid niya dahil maari ako nitong saktan.

Kahit nangangamba, pinili ko itong sagutin nang maka ilan tawag na siya. Kinakabahan ko namang inilapat ang aking cellphone palapit nang aking tainga dahilan para marinig ko ang ginawa niyang pag buntong hininga. Para bang naiinis siya dahil umabot ng ilang minuto bago ko sagutin ang tawag niya.

"Remember the rules? Fourth, always answer my call when I need you."

Nakakatakot ang tonong binitawan niya. Para bang isang sigaw niya lamang sa akin, napapasunod niya agad ang aking katawan at isipan. May kung ano sa kaniya na hindi ko magawang tanggihan. Ito ba ay dahil mas makapangyarihan at ako'y isang simpleng tao lang naman na hindi kayang pantayan ang kaniyang yaman?

"Sorry." Nahihiya kong tugon at nagkunwaring inaantok. "Ano po ba ang kailangan niyo sir. I mean. Greg? Importante po ba ito? Kailangan niyo po ba ako ngayon?" Katanungan ko at pinagmasdan ang aking repleksyon sa salamin ng aking kwarto. Mababakas sa mukha ko ang kaba nararamdaman ko. Kahit wala si Greg sa harapan o tabi ko, damang dama ko ang kakaibang atmospera, nang marinig ko lamang ang boses niyang mapanghibok.

Narinig ko muli ang ginawa niyang pag buga ng hangin. "Yes Veronica. Are you available tomorrow?" Kaniyang katanungan sa isang banayad na tono. Naramdaman ko naman tuloy ang malakas na kabog sa loob ng dibdib ko.

Agad akong naghanap ng paraan upang hindi matuloy ang balak niyang gawin sa akin kinabukasan. Kung ano man iyon, dapat itong hindi mangyari. Huli na ang mga pangyayari sa kaniyang opisina. Ayoko nang masundan pa ang lahat ng ito at gusto ko nang makapag hanap ng matinong trabaho. Hindi yung ganito! Pakiramdam ko, ang sama sama kong anak dahil nagsisinungaling ako sa magulang ko.

"H-hindi ko po alam. T-text na lang p-po kita kapag available po ako bukas." Kandautal utal ako nang ako'y magsalita.

"You sound so nervous." Kaniyang puna sa tono ng aking pananalita. "May problema ba? Do you find me intimidating? Huh?" May panunuyang tono na mababakas sa kaniyang pananalita. Mas lalong bumilis ang kabog ng aking dibdib at pakiramdam ko naririnig ko ang pag pintig nito sa aking tainga. Tila ba'y nababasa niya ang isipan dahil nalaman niya ang tunay kong nararamdaman sa kaniya! Oo. Natatakot ako sa kaniya. Guwapo naman siya, nakaka akit, ngunit sa tuwing naalala ko ang mga sinabi ng kaniyang kapatid sa akin, hindi ko maiwasang ang nararamdaman kong takot sa'king dibdib.

Umiling iling ako kahit alam kong hindi naman niya ito nakikita. "Hindi po. Sige po. Ibababa ko na po ito. Marami pa po akong gagawin. Bye." Hindi ko na hinintay ang mga sasabihin niya, agad ko na itong ibinaba at nagpakawala ng isang mabigat na buntong hininga. Shit. Sa tuwing naalala ko ang mga ginawa niya sa akin, hindi ko to maiwasang hanap hanapin. Nababaliw na ata ako! Kung ano man tong namumuo sa dibdib ko, dapat matanggal na agad ito bago pa mangyari ang kinatatakutan ko.

Maaga akong nagising kinabukasan, pagkagaling ko sa paaralang aking pinapasukan upang magpaalam na aalis na ako sa trabaho, agad akong tumungo sa mga iba't ibang lugar upang maghanap uli ng mapapasukan. Mainit ang sinag ng araw at sunod sunod na ang mga patak ng pawis sa aking noo pababa ng aking mukha. Ang ilang hibla ng aking buhok ay nakadikit na sa pawisan kong balat. Napaka init! Idagdag pa ang mga usok ng kotse na humahalo sa nalalanghap kong hangin.

Taming The Dominant ( Completed )Où les histoires vivent. Découvrez maintenant