Kabanata 05

59.8K 843 22
                                    

© 2015 KingstonJ
K a b a n a t a - 0 5

Nakaramdam ako ng matinding kaba nang makita ang mga nangungusap na mata ni Tyler Gatchalian. Kung maamo ito kanina, naging matalim na itong nakatitig sa aking kinarooonan. Para bang sumama ang loob niya nang makitang kasama ko ang kaniyang kapatid sa hindi malamang dahilan. Marahil, nadismaya lang siya dahil hindi ko sinunod ang sinabi niya. Na layuan ko ang kapatid niya dahil sasaktan lamang ako nito at iiwang luhaan. Mag iingat naman ako. Hindi siya hahayaang saktan ako tulad nang sinabi niya sa akin noong magkita kaming dalawa.

"T-tyler." Nauutal kong tugon at nag iwas ng tingin upang idapo ito sa itim na sahig kung saan nakikita ang mga repleksyon namin. Bawat segundo, pa angat ng pangat ang nararamdaman kong tensyon. At ang atmospera na payapa kanina ay unti unting nagiging hindi kaaya aya para sa aming tatlo.

"You know each other?" Narinig ko ang ginawang pag atras ng upuan ni Greg upang tumayo. Humakbang siya sa kinaroroonan ko at idinapo ang palad sa aking braso upang akbayan ako. Kakaibang elektrisidad tuloy ang dumaloy patungo sa ibaba ng katawan ko. Lahat na siguro ng balahibo sa katawan ko, nagtindigan nang maramdaman ang mainit niyang palad na nakadapo sa balikat ko. Amoy na amoy ko rin ang mabango niyang samyo na halatang galing sa mamahaling uri ng pabango.

Tumango tango si Tyler at napahulipkip na isinalit salit ang tingin sa aming dalawa. Nagtagal ito sa aking kinaroroonan bago idapo ang tingin sa kamay ng kaniyang kapatid na nakadapo sa aking balikat. Nanlambot tuloy ako sa nangyayari sa kasalukuyan. Pinapaligiran ba naman ako ng dalawan lalaki na nagagwapuhan at tila ba'y ako'y pinag aagawan. Ngunit hindi teleserye ang aking buhay para mangyari nga iyon sa kasalukuyan.

"Yes kuya. I saw her. Papasok at palabas ng office mo." Isang pilyong ngiti ang binitawan ni Tyler ngunit ang mga mata niya ay matalim na nakapukol sa kinaroroonan ng kaniyang kapatid na kanina pang bumubuntong hininga. Siguro naiinis siya sa presensya ng kapatid niya. Ako naman ay kanina pang kinakabahan. Hindi ko alam kung ano ang dahilan. Marahil dahil sa namumuong tensyon sa pagitan ng dalawa. Hindi man lang magsalita, mababakas iyon sa tignin nila sa isa't isa.

"New sex slave huh? Sana mag tagal kuya." Mababakas ang inis na nararamdaman ni Tyler sa tawang tumakas sa bibig niya.

Humigpit naman ang hawak ni Greg sa aking balikat at sa bawat segundong lumilipas, paangat nang pangat ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Ako naman ay nanatiling tahimik ngunit ang puso ko ay kanina pang naghaharumentado kahit iniisip ko pa lamang na maari silang mag away.

"Don't talk to me like that Ty." May pagbabanta sa tono ng pananalita ni Greg at ang mga mata niya ay bahagyang nandilim. "Lalong lalo na kapag andito siya." Pagtatapos ni Greg sa kaniyang pangungusap at kinuyom ang isang kamay. Baka mag away silang dalawa at kung mangyari iyon, hindi ko alam kung paano aawatin ang dalawa! Natatakot ako sa maaring mangyari dahil ako lang naman ang dahilan ng kanilang away.

"Bakit kuya? Are you scared?" Isang nanunuyang ngiti ang muling ipinakita ni Tyler sa kaniyang kapatid. "Natatakot ka bang malaman niya ang lahat ng balak mong gawin?" Pagdudugtong ni Tyler at humakbang ng kaunti sa aming kinaroroonan. Mas lalong umangat tuloy ang kaba na nararamdaman ko sa kasalukuyan.

"Fuck off Ty." Bahagyang nagtaas na ng boses si Greg at humakbang palapit kay Tyler dahilan para tuluyan na niyang kainin ang distansya sa pagitan nila. Ngunit bago pa sila magsapakan, hinawakan ko na ang matipunong braso ni Greg upang hilain siya palayo sa kapatid niya.

Hinawakan ko ang magkabilaang braso ni Greg at tiningala ang mga mata niyang may bahid ng galit na nararamdaman. "Kalma lang Greg. Huwag naman kayong mag away sa harapan ko. Magkapatid kayo." Wika ko at sinalit salit ang tingin kay Greg at Tyler. Kung si Greg ay halos mamula na sa sobrang inis, si Tyler naman ay nanatiling nakangisi at tila ba'y walang tensyon sa pagitan nilang magkapatid.

Taming The Dominant ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon