CHAPTER 4

7.5K 185 12
                                    

Khione

"walang kupas Attorney ang galing mo pa din umasinta" si Carl siya Ang laging nag-aassist sakin dito

Andito ako Ngayon sa Armory Firing range isa ito sa pinakasikat at pinakamahal na firing range dito sa Lugar Namin.

Matagal na akong pumupunta dito since college maganda Kasi Ang lugar Nila dito.

Meron silang indoor and outdoor firing range. Sa outdoor ako lagi dahil mas maganda parin sakin open Ang lugar.

Mga mamayamang tao Ang karaniwang nagpupunta dito mas madami pang mga foreigner.

Maganda Ang panahon Ngayon kaya naisipan Kong pumunta dito Ngayon.

Matagal nadin nung di ako nakapunta dito dahil busy na ako masyado sa buhay.

"Ngunit bakit di pa din ako Ang pinakamagaling?" Taas kilay na sabi ko dahil lagi niyang sinasabi na pangalawa ako sa magaling!

"Dahil mas magaling padin Ang may Ari netong range Atty." Tumatawa niyang saad

Lagi ako dito nun pero diko pa nakikita Yung sinasabi niyang may-ari neto!

Malakas Ang putukan sa kabila dun sa open ground na parang may mga nakatayong lata at papatumbahin mo parang may mga pader pader Doon na kunwari kalaban mo mga lata.

Maglalakad ka Doon at kapag may nakita kang lata babarilin mo.

Maganda mag ganon lalo na kung binabalak mong pumasok sa army para masanay ka din.

Kung paano magtago sa kalaban! Para siyang survival na dapat mabaril mo lahat Ng lata hanggang sa mahanap mo Ang daan palabas.

Parang abandon building din Yun may mga nagkocontrol sa mga lata Kung kelan sila magpapakita.

Sunod sunod Ang putukan dun iisang baril lang Ang maririnig pero parang gigil at Galit na Galit Ang gumagamit.

"O I think someone is angry now" sabi ni Carl sa tabi ko.

"who is the reason for her anger now?" Nagulat ako sa babae na pagalit na sumigaw sa tabi ko she's beautiful parang mas ahead siya sakin Ng 2 years. Magandang babae siya at matangkad din namumula Ang mukha Niya dahil nagagalit din siya Ngayon!

What the hell is happening?

"Ma'am ayaw Niya papigil" nababalisa Ng Saad Ng isang lalaki pinagpapawisan siya.

"Sino Ang gumalit sa kanya?" Sigaw Niya ulit

"Ma'am di Namin alam pumunta siya dito Ng nagagalit hinugot Niya nalang Yung shot gun at pumunta Doon mas nagalit siya lalo nung walang kumontrol sa mga lata"

"why did you leave that place? you should also be watching over it. so that when a customer wants to go there .you are ready"  Galit na Naman Saad Niya.

I think she's the owner?na mas magaling umasinta kesa sakin?

Madaming tao Ang nagsitakbuhan sa gawi Namin pawis na pawis sila at parang takot na takot!

And there I saw this girl na Galit na Galit Ang pagmumukha she's holding a Theodore Roosevelt's fox side-by-side shotgun. I gulped that's one of the most expensive shotgun.

Galit na Galit siya na sumugod sa mga grupo Ng taong tumakbo papunta sa gawi Namin kanina nagtago sila sa likod Ng magandang babae na katabi ko pati si Carl nagtago sa likod ko.

"get out of my way now" umugong Ang lakas na pagsigaw Niya dito samin Ngayon.

Dinaanan Niya Ang silhouette paper targets dahil sa likod nun siya Galing.
Sa likod Kasi ng target may mataas dun na parang bundok para di makatama sa kabila.

VOUS ET MOI (You And I)Where stories live. Discover now