CHAPTER 13

5.1K 123 22
                                    

Khione

"Iniisip mo na ba atty. Deybin na may organization kami?"

Pinaiwan ko silang anim Ngayon dito sa classroom Nila dahil kailangan kong maliwanagan.

Gulong gulo pa ako kagabi Kung bakit si Aishiya Ang nagbalik kay Jewel at Hindi Yung babae na isa.

At itong anim na ito Kung anong meron sa kanila Kung bakit ganon Nalang Kung makipagbaril sila sa mga taong sumusunod sakin.

I know nasa tamang age na sila pero bakit ganon nalang sila Kung makilaban?tig-iisa pa sila Ng baril!

"Wala kaming organization atty." Si Freya Naman Ngayon

Kanina ko pa sila sinasamaan Ng tingin dahil di parin sila umaamin Kung sino sila at Kung bakit ganon nalang sila katapang!

"Okay ako na magsasabi jusko Diba Kasi atty. Napansin Namin na may sumusunod sayo kaya sinundan ka Namin tapos nung nagstart na silang nagpaputok dun palang kami nagpaputok" sabi ni Killian

"Kahit papano may mga lisence firearms kami, Kasi Diba di Naman Namin maiiwasan makasalamuha Ng mga masasamang tao pang self defense lang ba" si Eros Naman ngayon

"Iniisip mo na sigurong astig kami no?"

"Hindi" matapang na sagot ko saka ko sila sinamaan ulit Ng tingin na nagpalunok sa kanila.

Si Nymeria pansin ko kanina pa ito tahimik parang Ang lalim Ng iniisip.

"Diko talaga kayo papalabasin kapag Hindi kayo nagsabi sakin Ng totoo, mga siraulo ba kayo? E paano Kung pati kayo idamay Ng mga nakalaban ko?"

"Edi lumaban po kami"

"Ang babata niyo pa naging criminal na kayo sa ginawa niyo alam niyo ba Yun?" Inis nang sigaw ko

Kasi nakapatay na kami Ng mga tao Hindi Naman inosente Ang mga napatay Namin pero Hindi parin magandang tignan para sa kanila na pumapatay na sila Ng tao sa mga gantong age Ang babata pa nila.

I'm a lawyer kapag may mga may balak patayin ako before binabaril ko sila pero Hindi ko sila pinapatay nagawa ko lang Yun kahapon dahil kasama ko sila at ayaw Kong masaktan sila.

Masyadong madami Ang mga humabol sakin kahapon nagpapasalamat lang ako at dumating sila dahil kahit papano naligtas si jewel pero diko parin talaga maintindihan Kung anong meron sa kanila.

Alam ko na may kaya sila sa buhay kaya Nilang mailigtas Ang mga sarili Nila Incase na magkademandahan sila pero iba na Yung pinasok nilang gulo.

"Kailangan niyo Maximum tolerance mga future law enforcer or whatsoever kayo criminology pa Ang kurso niyo"

"Pero sa sitwasyon nun atty. Makakapatay din sila ano kelangan mo pa magpasensya kapag ganon na nasa bingit kana Ng kamatayan?"

"Mamamatay kana nga uunahin mo pa Yung maximum tolerance"

"Paano kapag binato ka nang bato babatuhin mo Ng tinapay e paano kapag Wala kang dalang tinapay bibili kapa sa bakery pagbalik mo Wala na Yung babatuhin mo, Kaya no! lumaban ka!"

Nananakit ulo ko sa mga ito!

"Mga mafia kami siya Yung boss" turo Nila Kay Nymeria na Ngayon ay nakatungo

VOUS ET MOI (You And I)Where stories live. Discover now