Chapter Eight: Family

568 23 5
                                    

NAGISING si Charley dahil sa maiingay na mga taong nag-uusap sa kanyang tabi. Dinala siya ni Train sa Hospital para masuri nang mabuti ang kanyang lagay. At dahil nag-aalala din siya sa lalaki at sa anak nito, na baka ma-chismis uli ang mga ito ay si Yaya Mayang na lang ang ipinakiusap niyang magbantay sa kanya—na nagpaalam sa kanya kanina na uumuwi lang saglit sa bahay para kumuha ng iba niyang mga gamit.

Mag-iisang araw pa lang siya sa hospital at may nakakabit pa sa kanyang swero, ngunit maayos na ang kanyang paghinga. Ang sabi ng Doctor ay bukas pa siya madi-discharge.

Nagulat siya nang mabalingan niya ang dalawang taong nag-iingay sa kanyang tabi—ang Kuya Don niya at si Sher, na noon ay kausap ang Doctor na sumuri sa kanya kanina. Ayon sa sinabi ng Doctor sa kanya ay nakulangan lang daw siya ng hangin sa katawan, pero maaayos na ang lagay niya. Salamat sa ginagawang first aid ni Train sa kanya.

"K-Kuya? Sher?" sambit niya, na mabilis ikinalingon ng mga ito—at sa gulat ng mga ito ay saglit na napatulala ang mga ito habang nakatitig sa kanya—kitang-kita niya ang guilt sa mga mata ng mga ito, sa ginawa ng mga ito sa kanya. Dahan-dahan siyang umupo sa kanyang kama, nagpaalam naman ang agad ang Doctor sa dalawa, mayamaya ay lumapit na din ang mga ito sa kanya.

"Patawarin mo kaming dalawa, Charley!" magkasabay na wika ng dalawa, saka mabilis na lumuhod ang mga ito sa harapan niya—sising-sisi talaga ang histura ng mga ito noon at halos umiyak na rin ang mga ito. "Hindi naman talaga namin gustong ibenta ang bahay e, pero 'yon na lang kasi ang tanging paraan para mabayaran namin ang malaking pagkakautang ko sa loan shark na pinaghiraman ko ng pera." Sabi ng Kuya, saka nito kinuskos ang dalawang palad. "Sorry na talaga."

"Ito kasing Kuya mo," napahikbi si Sher na mabilis na pinatahan ng Kuya niya dahil bawal daw itong ma-stress at magdamdam. "Naisipan niyang mag-casino dahil sa kagustuhan niyang mapalaki ang capital niya para sa pina-plano naming pagpapatayo ng restaurant dahil malapit na kaming magka-baby, ang kaso natalo siya ng malaki. Hanggang sa nakilala niya loan shark na pingahiraman niya ng pera, pero natalo uli siya ng mas malaki pang halaga at ang huling paraang alam niya ay ibenta ang condo namin at ang bahay niyo." Pagtatapat ni Sher.

"Patawarin mo ako Charley, hindi ko man lang naisip na sobra kang masasaktan—ang buong akala ko kasi ay kaya mo na ang lahat since napaka-independent mong kapatid at lahat nagagawan mo ng paraan. Naalala mo no'ng kolehiyo tayo? Ikaw ang nagpamulat sa akin na kailangan natin kumita ng sarili nating pera sa pamamagitan ng pagpa-partime nang hindi alam ni Mommy—habang ikaw nag-iipon ng pera, ako naman nilulustay ko ang mga sahod ko sa mga walang kwentang bagay. Habang ikaw hindi ginagalaw ang perang inilaan ni Mommy at Daddy sa 'yo sa bangko, ako naman kung saan-saang negosyo ko na ginamit pero wala pa rin permanente. Ang dami kong pagsisisi at napagtanto sa buhay, habang nakatira sa isang maliit na apartment na nirerentahan namin ngayon—na mahalaga talaga ang may pananaw sa buhay at maging independent. Sana mapatawad mo kami—lalo na ako, masyado akong naging selfish dahil tanging si Sher at ang magiging baby na lang kasi namin ang nasa isip ko." Naiiling na sabi nito, saka nito inabot ang kanyang isang kamay at pinisil 'yon. "Sorry."

Napabuga siya ng hangin at lihim na napailing. Gustuhin man niyang pagalitan ang mga ito ngayon dahil sa ginawa ng mga ito sa kanya—ngunit nanaig pa rin ang awa at pagiging kapatid niya dito. Palibhasa ay mahilig nitong sarilinin ang problema nito, hindi tuloy niya ito natulungan.

"Bakit hindi ka na lang humingi ng tulong sa akin, Kuya? Bakit kayo nagtago sa akin ni Sher at bakit hindi mo sinasabing magkaka-baby na kayo—" biglang nanlaki ang kanyang mga mata sa napagtanto niya. "Magkaka-baby na kayo?" pag-uulit niya na mabilis tinaguan ng dalawa. Sa gulat niya ay hindi siya agad nakapagsalita.

"Gaya ng sinabi ko, naging selfish ako at pamilya ko lang ang inisip ko no'n, kaya ko nagawa 'yon at nagpunta kami sa ibang bayan para doon manatili—para makaiwas sa paghahanap mo, pero alam din naman na darating ang oras na katulad nito. At nang mapanood namin sa TV na buhat-buhat ka ni Train papunta dito sa Hopsital ay mabilis kaming napasugod, nag-alala ako nang husto at inuusig na ako ng konsensya ko na halos gabi-gabi ay ikaw na galit na galit ang lagi kong napapanaginipan. Noon pa man ay gusto na talaga kitang puntahan para humingi ng tawad, kaso wala pa akong sapat na lakas ng loob na humarap sa 'yo."

Strange Thing Called LOVE #Wattys2016Where stories live. Discover now