Chapter Ten: May forever!

1.1K 43 7
                                    

"DAHIL sa ipinakitang totoong pag-ibig at tapat na puso ni Hunter para kay Dayanne, bumalik ang dalaga sa tabi ng binata—naputol ang sumpang iginawad ng isang mangkukulam sa dalaga—na pagsapit ng ika-18th birthday nito ay maglalaho ito sa mundo—tanging ang wagas na pag-ibig lang pala ang katapat ng masamang sumpa na 'yon. Napayakap ang dalawa sa isa't isa. Wala nang sinuman ang makakapaghiwalay sa kanila. Great love conquers all. The end."

Napabuga ng hangin si Charley sabay inat nang katawan. Nakakamiss din palang maingay ang kapaligiran niya. Ironic, pero dati gustong-gusto niya sa isang lugar na tahimik at siya lang ang naroon, pero nag-iba na yata ang ihip ng hangin sa kanya.

Sa ngayon kasi ay mag-isa lang siya sa bahay; si Andie ay isinama nang totoong Mommy nito na mag-out of the country, ayaw nito nang una dahil hindi nito kilala ang babae at hindi siya kasama, pero dahil na rin sa convincing power ni Train para makilala nito ang ina at sa pagsama ni Yaya Mayang, sa huli ay sumama na rin ang bata.

Si Train naman ay may out of town taping para sa bagong teleserye nito at halos mag-aapat na araw na. Lately ay naging sunod-sunod ang nagiging projects ni Train, dahil yata 'yon sa matapang na pag-amin nito na isa na itong Ama—na mas lalong nakadagdag sa appeal nito sa mga taga-suporta nito.

Mabuti na lang at natigil na din ang pangba-bash na ginagawa ng mga tagasuporta ni Train sa kanya nang malaman ng mga ito ang buong katotohanan. Muli siyang napabuga ng hangin. Dapat masaya siya dahil tiyak na matutuwa na ang mga readers niya sa wattpad dahil maayos na ang pagwawakas ng story niya, kaya lang parang hindi niya magawang sumaya.

Para kasing laging may humahawak sa kaligayahan niya—'yon ay ang kaaalaman na malapit nang mabuo pamilya ni Train—na lahat ay umaayon sa tadhana! Hindi niya magawang magtanong sa current relationship status ni Train, dahil para na rin niyang pinapatakan ng kalamansi ang sarili niyang sugat—masakit!

Hindi man niya alam kung papaano nga ba nagkahiwalay ang mga ito no'ng una, siguro naman ay deserve din ng mga ito na maipagpatuloy ang naudlot na pag-iibigan, lalo pa at kailangan ni Andie ng mga magulang, dahil lumalaki at nagkaakisip na ito. At kahit mahal pa man niya si Train at mahihirapan talaga siyang kalimutan ito, kailangan niyang ipaubaya ito sa totoong Mommy ng bata, para sa ikabubuti ng pamilya ng mga ito.

At kapag nagkataon na mabuo na ang pamilya ng mga ito, isa lang ang ibig sabihin niyon—kailangan na niyang lisanin ang kinakalihan niyang bahay. Masakit umalis sa bahay na 'yon, pero para sa sugatan niyang puso na ayaw na niyang i-torture, kailagan na niyang umalis doon.

Napabuga siya ng hangin. Kung kaya lang sana niyang kalimutan ang masakit na nararamdaman niya, kaya lang sa tuwing ginagawa niya 'yon, mas lalong nagsusumiksik sa kanya ang lahat. Ironic, pero dati utak goldfish siya. At kung kailan dapat siyang makalimot ay mas lalo siyang nagiging maalalahanin.

At kung sakali man ay makikitira muna siya sa apartment ng Kuya at hipag niya habang naghahanap pa siya ng bagong bahay na malilipatan. For the nth time, napabuga muli siya ng hangin. Pakiramdam niya ay stress na stress siya—and for the first time, hindi dahil sa sinusulat o sa pamilya niya, kundi sa love life niya. Yes, love life. Hindi pala talaga birong ma-in love; feels like heaven but hurts like hell, really! Nagulat siya nang biglang tumunog ang phone na nasa tabi niya—si Jin ang tumatawag!

Kinukumusta siya nito at ang kanyang pagsusulat ng nobela. Naalala kasi nito na naudlot ang pagpapakilala nito sa kanya sa Daddy at iba pang movie writers noon, kaya kung gusto pa daw niyang sumama dito para makipagkilala sa mga ito, willing pa din daw itong samahan siya.

He's a great man, indeed. Kaya suwerte ang babaeng magugustuha nito! Naitanong niya minsan sa binata kung bakit napakabait nito sa kanya at ang naging kasagutan nito ay dahil nakikita daw nito ang Mommy nito sa kanya—cute at funny, dahil writer-slash-publisher ang Mommy nito.

Strange Thing Called LOVE #Wattys2016Kde žijí příběhy. Začni objevovat