BLUE: Chapter 2

11 0 0
                                    

BLUE

"Kailangan mong magpakasal kay Giovanni..ito lang ang naisip naming pinakamabilis na paraan." hindi ako nakagalaw sa gulat.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong napatulala sa kawalan kahit na nagdidiskusyon sila sa harap ko tungkol sa buhay ko...buhay namin.

I took a deep breath and stood up. Nagulat sila sa ginawa ko, dahilan para mapatigil sila sa pag-uusap.

Tinapunan ko silang lahat ng tingin. Si Olymhphia ay hawak ni Haze ngayon, pulang pula ang mukha sa galit. Maging si Lola ay sinusubukan ding pigilan si Olymhphia, halatang naiiyak na. Alam kong hindi nila nais na mangyari ito. But the current situation is what forcing us to do this.

Arranged marriage is the most cliché scenes in novels and movies. As a reader, I've always hated that kind of plot. The leads usually ends up breaking each other.

Ni minsan ay hindi ko naisip na mangyayari saakin ito. Saamin.

Lumingon ako sa Heneral, malungkot at mamomroblema rin ang ekspresyon ng pamilya.

"Maari ko po ba akong umalis muna? Magpapahangin lang po ako sa labas." tumango ang Heneral. Hindi na ako nagpaalam sa iba. I am aware that its rude to leave everyone just like that but I was hurting. So I left, ayokong baka may itanong pa sila o sabihin saakin dahil baka sumabog ako. I know how it feels to be hurt, I don't want anyone to feel that.

Bumalik ako sa rock formations, malalim na pala ang gabi. Napatagal din ang usapan. Dahil nasa tabing dagat kami ay linilipad ng malakas na hangin ang palda ng puting bistida ko at ang wavy kong buhok na nakalugay lang.

Inipit ko na lamang ang buhok ko at hinawakan ang palda ko para kahit papano ay hindi malakas ang paglipad.

Naramdaman kong may nakasunod saakin. His scent was familiar but if scent is the basis, I would not know who the person is. But my Lolo taught me how to know if someone is following me, so despite his silent steps. I knew Giovanni is following me.

Pagkarating ko sa rock formation ay nakapag buntong hininga na naman ako habang nakatingin sa taas ng formation

Paano ako makakaakyat dito kung tinatangay ng hangin ang suot ko at may lalaking nakasunod saakin?

"Do you need my help?" tanong nya, alam kong alam nyang alam kong nakasunod sya

Tumango ako

He took a step closer then held my waist to pull me up. Nang makaupo ako ay nagpasalamat ako sa kanya. Tanging tango lang ang sagot nya.

I took a deep breath again.

Ilang beses na ba akong nagpunta rito para magpahangin at nagbuntong hininga sa araw na ito? Pinigilan kong mainis sa sarili sa naisip ko. Hindi ko akalain na magiging ganito kagulo ang pagluluksa ng pamilya namin.

Lumingon ako kay Giovanni na kasalukuyan palang nakatingin saakin. I gave him a weak smile,

"Kumusta ka?" Ibinuka nya ang bibig nya para sumagot but he ended up closing it again, looked away, and not answering at all.

"Pasensya na, hindi ko na dapat tinanong iyon.." mahina kong sambit, inangat ko ang tingin ko sa langit.

The moon is not visible today, the dark clouds are covering it. It looked like the sky was mourning with us.

"H-hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko...kung hihindi ako sa kasal, mapapahamak kami. Madadamay pa kayo. Kung papayag naman ako...you'll just waste your life with me. Madadamay pa rin kayo" napayuko ako sa kahihiyan

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 17, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

COLOR SERIES #1: BlueWhere stories live. Discover now