Prologue

47 2 0
                                    

"PAAAA!! TAMA NA PO! HUHUHU" Sigaw ng isang bata habang umiiyak.

"PUNYETA KANG BATA KA! WALA KA NG GINAWANG TAMA!!" sigaw ng stepfather nito habang hinahampas sya ng isang kahoy "DIBA SABI KO IBIGAY MO SA AKIN UNG PERA? BAT MO IBINILI SA WALANG KWENTANG PAGKAIN NA YAN!? HA?"

"P-pa g-gutom n-na kasi ako" humihikbi at uutal utal na saad ng batang babae habang hawak ang braso nyang hinampas ng kanyang ama.

"WALA AKONG PAKE KUNG MAMATAY KA SA GUTOM! KELANGAN KO NG PERA! WALA NA AKO PANSUGAL!!!!" malakas na sigaw ng stepfather nito at kinaladkad ito papuntang basement nila.

"P-pa"

"Eto ang parusa mo ngayon dito ka matutulog! Hindi ka kakain punyeta kang bata ka!" sigaw ng stepfather nya. Agad naman lumabas ang ama nito sa kwarto at bumalik sa kanyang ginagawa.

Sya si Venice Cloud Cruz. Nakatira siya sa bahay ng stepfather nya kasama ang ina niya. Lagi siyang inaabuso at sinasaktan ng kanyang stepfather, ina nya at ng tita niya. Hindi maganda ang trato ng mga ito sakanya.

Labing limang taon na si Cloud at sampung taon na din siya naninirahan sa impyernong bahay na ito.

Ang kanyang tunay na ama ay hindi niya nakilala dahil ng isinilang siya sa mundong ito ay hindi nya ito nakita o nakilala manlang.

Dumagdag pa itong kapatid nito sa ina. Pabigat laging pinapasa ang kanyang kasalanan dito kaya lagi itong pinag bubuhatan ng kamay ng kanyang stepfather at ina nya.

Hindi naging maganda ang buhay ni Cloud. Nakakapag aral pa din siya kahit papaano. Two years na lang at makakapag tapos na siya ng elementary.

Kahit ganon ang sitwasyon niya hindi siya tumigil sa pag aaral.

"Huhuhu b-bakit ganto? A-ano bang ginawa ko kay papa at mama bat ganto sila?" humihikbing tanong nya sa sarili nito at iniinda ang sakit na nadarama nya sa natamo nyang sugat at pasa "G-gutom na ako" huling sinabi nito bago sya lamunin ng dilim.

Kinaumagahan ay nagising na ang ito na mugto ang mata at may naririnig na ungol sa labas.

"OHHHH Robert sige pa AHHHH" malakas na ungol ng kanyang tita Katie "OHHH ROBERTO"

Si Tita Katie ay kapatid ni mama na siyang kabit ni papa. Walang kaalam alam si mama dito. Sa tuwing aalis si mama para mag trabaho ay laging pumupunta dito si Tita.

Agad naman akong lumabas at nakita ko si tita at papa na nag aano basta.

Ng maramdaman nilang dalawa ang presensya ko ay agad silang lumingon sa akin.

"P-pa, t-tita"

Landi ni tita.

"Oh roberto andito na pala yung anak mong walang kwenta ano na gagawin nyo jan ni Mari?" saad ni Tita habang nag bibihis.

"Nag usap kami kagabi ni Mari at napag usapan namin na itakwil na lang yang babaeng yan" saad ng stepfather nito.

"P-pa wag" pag kasabi nito ay agad pumasok ang ina nito na kakauwi lamang galing trabaho.

"Oh ang aga mo naman dito Katie" saad ng ina nito.

"Ahh nakibisita lang makiki chismis kung tuloy ba ang pag takwil nyo dito sa anak nyong walang kwenta" saad ni tita habang nakangisi.

Bakit nila toh ginagawa sa akin?

Gusto ko na agad umiyak sa harap nila pero pinipigilan ko lamang.

"Ah oo" saad ng ina at bumaling sa batang babae " Hoy bata! Simula ngayon mag hanap ka na ng titirhan mo dahil itatakwil ka na namin ng ama mo! Wala ka namang kwenta sa buhay namin! Sana pala ay ipinalaglag na lang kitang punyemas ka!" sigaw ng ina niya dito.

"B-bakit? g-ginawa k-ko naman a-ang l-lahat p-para maging m-mabuting a-anak" humihikbing saad nito.

"Tse! Wala ka namang kwenta! Parehas lang kayong mag kakapatid!!' sigaw ng stepfather nito.

Kapatid? Bat wala akong alam?.

"A-anong kapatid?"

"Oh Mari hindi pa ba alam neto na may nakakatanda syang kapatid?" maarteng saad ni Tita Kati at napa ngisi ito ng umiling ang kanyang kapatid" Awww kawawa naman eto ako na mag sasabi may nakakatanda kang kapatid apat sila Kambal sila dalawang pares"

"A-asan p-po sila?" tanong ko

"ABA! malay ko wala naman ako pake sainyo pamangkin ko lang naman kayo piste!!" sigaw nito.

"Itinakwil ko na sila katulad ng gagawin namin sayo ng ama mo!" sigaw ng ina nito na halatang galit na galit sakanya.

"B-bakit m-mo p-po i-to ginagawa s-sa akin?" uutal utal na saad ng batang babae "M-may n-nagawa p-po b-ba a-akong masama?" humihikbing saad nito.

"Ayaw sayo ni mama at papa kasi wala ka namang kwenta dito" ani ng isang boses na pumukaw ng atensyon nya. Si Juan ang nakababata kong kapatid. Siya ang paborito nila mama at papa kahit sya ang mali ginagawa nilang tama.

"Oh andito na pala ang pogi kong anak" nakangiting sabi ng ina nya at niyakap si Juan at pinugpog ng halik.

Yuck anong pogi eh ampangit nga nyan wala pa sa kalahati ng kagandahan ko sabi ng bata sa isip nito.

"OH IKAW!" sigaw ng ama nito "Balutin mo na ang mga damit mo ng makalayas ka na sa pamamahay ko" dagdag pa nito at bumuga ng sigarilyo.

Agad naman itong pumasok sa kwarto at nag impake na ng gamit. Dinala din nya lahat ang importanteng bagay katulad ng birth certificate  at madami pang iba. Kinuha nya din ang wallet nyang tinago nya ng ilang taon.

Sa wallet na iyon ay may lamang pera, nag ipon siya para may pang gastos siya kung sakaling gutumin sya.

Pag katapos nito mag impake ay agad siyang lumabas. Tumutulo pa ang ilang butil ng luha sakanyang magandang mata.

Ng sya ay makalabas na sa impyernong tahanan na iyon ay tinignan nya ito ng buo.

"Bye impyernong tahanan sana hindi ka pa bumigay bulok bulok ka na eh" bulong nito sa sarili. Pati ung mga nakatira jan na umabuso sakin ay bulok din.

Ngayong nakaalis na siya sa impyernong bahay na iyon ay kailangan niyang mag hanap ng matutuluyan niya. Gusto rin niyang mahanap ang kanyang mga kapatid at tunay na ama niya.

Thankyou for reading!

 (Salazar Series#1) His obsession Where stories live. Discover now