Chapter 4

1 0 0
                                    

Cloud's pov

Kinabukasan

Binuksan ko ang aking mata at nakita ko si San Pedro! Charot.

Agad agad akong tumayo at pumunta sa Cr para maligo! Juskow huhu 7am na pala, start kasi ng klase namin at 8am! Need ko na mag madali bwisit.

Pagkatapos ko naman maligo ay agad akong nag suot ng uniform kasi 7:50 na huhu, medjo makulimlim at malamig ang panahon ngayon kasi tag ulan. Kumuha lang ako ng sweater sa durabox ko at sinuot ito bago bumaba.

Pag kababa ko nakita ko dito si nana na nilalagay ang agahan namin sa lamesa at si tata naman na nanonood ng tv.

"Nana, tata hindi nalang ako muna mag aagahan, sa school nalang kasi malalate ako!" Sabi ko sakanila ng nag mamadali. Inabutan naman ako ni nana ng tumbler at baunan at Ng pera

"O sya ingat sa pag alis anak" sabi ni nana at nag bye na ako sakanila.

Agad agad naman akong nag para ng traysikel, haynako kung hindi lang ako nalate magising panigurado nag lalakad lang ako ngayon. Tsk mas gusto ko kasing mag lakad para makatipid.

School

Andito na ako sa harap ng school namin, buti nalang naka abot pa Ako. Agad agad naman akong tumakbo papunta sa classroom ko at baka malate pa ako jusko naman oh.

Pag kapasok ko sa classroom namin ay agad naman akong umupo at hinintay ang first subject teacher namin.

By the way grade 12 student na pala ako hehe! Daming gastusin pero kakayanin para sa kinabukasan ko! Kung hindi makapag tapos mag hahanap nalang ng sugar daddy at afam juskowww!!! Joke lang.

After class

Half day lang kami ngayon since may mga meeting ata lahat ng teachers kaya pinauwi kami agad ng maaga. Agad naman akong umuwi para makagawa na agad ng homework namin at nang matapos na agad para Wala na akong gagawin mamaya since may part time job pa ako bukod sa kalinderya ni aling pasing. Ung isa kong part time job is sa 7/11.

Nag tratrabaho ako don tuwin wala akong pasok sa kalinderya at wala akong gagawin syempre! Alangan naman na sayangin ko ang oras ko sa mga walang kwentang bagay no!.

Agad akong pumunta sa staff only one room para mag palit Ng uniform, alangan naman na mag trabaho ako habang naka pang student na uniform duhh.

Agad agad naman akong pumunta sa counter para simulan na ang shift ko. 1:44 pm na ngayon at matatapos ang shift ko ng mga around 6:30 - 7:40. Naka depende sya kung gaano kadami ung customer hehe.

Nag bukas lang ako ng phone para tignan ung messenger ko.

Nag bago na naman sila ng name sa gc? Mga siraulo talaga

Mga alagad ng juice

Iska baho bilat :
Hoy Cloud! Sama ka gagala kami?

Mia maganda:
Hoy oonga sama ka ulap, tagal na natin
di nakagala together 🥹

Seph magubat:
Ayaw niyan sumama kasi ampapangit niyo daw!! HAHAHAHAHA

Erly mahal na mahal ka:
Tumahimik ka jan tanga

Seph magubat:
🫡

Venice ulap:
Mga tarantado talaga, sa sabado na!
Basta libre niyo😆

Erly mahal na mahal ka:
Oona Naman! Buraot talaga!!

Agad ko namange inoff ang phone ko Kasi may costumer na pumasok.

"Magandang hapon Po!" Pag bati ko sa mga costumer, agad akong tumingin at nag salubong Ang dalawa kong kilay ng Makita ko ulit sila!! Sila ung mga lalaki sa kalinderya kahapon! At may apat silang bagong kasama.

Nakita kong nakatingin sakin ung mga lalaki kaya tinaasan ko sila ng kilay.

Tsk! Ngayon lang siguro sila nakakakita ng diyosang katulad ko! Hihi" isip ko

Agad agad naman silang nag sikuha ng mga bibilhin nila, Mukha silang mga mamayayaman. Matangkad, pogi, mukhang aircon humor, mukhang k-pop idols!, matangos na ilong! Shet naman talaga swerte ng mga magiging gf nila.

Ngunit biglang pumasok ang Isa kong katrabaho, sya si Trina. Ang bff ko sa trabaho na toh! Mukha lang siyang madilta hehehe pero super kulit at bait niya.

"Ulapp!! I'm hereeee! Sorry kung late!" Sigaw naman ni Trina at tumakbo sakin, agad ko namang tinakpan ang tenga ko, gagi kahiya huhu.

"hoy! Hinaan mo naman boses mo may costumers!" Sabi ko sakanya ng mahinang boses

"Sorry na! Eto naman eh masyadong naiirita agad! Sayang beauty mo sissy ko!" Sabi niya at tumaas ulit at tumayo sa tabi ko habang nag ce-cellphone.

Bigla namang pumunta sa counter ang isa sakanila

"Hey can I ask something?" Tanong niya samin, agad agad namang sumagot si Trina. Jusko tong babaeng toh talaga

"yes na yes naman sir! Ikaw pa!" Sabi niya habang kinikilig

"Do you have soju for sale? Because there is no more in the refrigerator" Sabi niya

"ay Hala! Oonga pala jusko ulap! Nakalimutan natin mag lagay!" Sabi niya sakin habang inaalog alog Ako, oa talaga

"Um sir sorry po, kukuha nalang po kami sa stock room" Sabi ko sakanya at pumasok sa stock room at kinuha ang box na puno ng soju. "tangina ang bigat, parang malalaglag matres ko"  saad ko sa isipan ko

Si Trina naman ay nag a-assist sa mga costumers ngayon habang Ako naman ay papunta don sa part kung san ung mga lalaki.

"Sir eto na po ung mga soju! Sorry po kung nag hintay kayo" paumanhin ko sakanila habang buhat buhat ang box. Agad namang kinuha yon nung lalaking may hiwa sa kilay

"No, it's okay. I'll just lift it because it's heavy and you shouldn't be the one to lift it" Sabi niya. Napansin ko din na seryosong nakatingin sakin ung bago nilang apat na Kasama na para bang sinusuri ang buong pagkatao ko.

"Ay okay lang Po! Ilang soju Po ba bibilin niyo?" Tanong ko sakanila

"We will buy them all" Sabi nung lalaki, eto ung lalaking tinawag akonge Sili nung isang araw eh.

"luh seryoso ka sir?" Tanong ko sakanya habang nakataas ang kilay

"Wait wait, can I ask what's ur name miss?" Sabi nung Isa sa bago nilang Kasama

"Venice Cloud Po" sabi ko

Thank you for reading!

~ hahaha so guys sorry for the very slow update huhuhu, super busy kasi ako sa school:< But I'll promise na mag u-update every week! Love u all my readers!

~ hehehe so guys I'm not good at writing stories ha, trip ko lang talaga ganurn. Tyaka these past few days parang gusto ko bumalik sa watty at mag write uli hehe, I'm hoping na dumami ung bumasa ng story ko para ganahan naman ako! (Eme lang pero sanaaa)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 (Salazar Series#1) His obsession Where stories live. Discover now