Chapter 2

14 0 0
                                    

Cloud's Pov

"Cloud!! Pwede ka na umuwi!!" sigaw ni aling pasing.

"Sige po!" saad ko at agad pumunta sa locker room at kinuha ang gamit ko "Alis na po ako salamat"

"Wait!! HOY ULAP!" napatingin ako sa sumigaw at nakita ko si Seph na may dala dalang apple.

"Oh bakit?" agad kong tanong sakanya ng makalapit siya.

Bigla niyang iniabot sa akin ang plastik ng apple " Oh eto pinapabigay ni mama sainyo" saad nito.

Kinuha ko naman ang plastik at nag pasalamat "Pakisabi kay tita salamat ha, salamat din sayo! Alis na pala ako" saad ko at agad siyang tinalikuran.

Ahaaayyy finally pwede na ako makauwi dahil tapos na ang trabaho ko napag isipan ko na dumaan muna sa palengke at may bibilhin pa ako.

Lalakadin ko na lang para maka tipid sa pamasahe.

Habang nag lalakad ako pansin ko andaming tao ngayon sa palengke hindi katulad nung nakaraang araw ang onti lang panigurado akong siksikan toh.

Anlansa talaga ng amoy dito kahit kelan sumasakit sikmura ko, hindi kasi ako sanay sa mga malalansang amoy feel ko nasusuka ako pag ganon.

Agad ko naman hinanap ang bilihan ng kangkong at iba pang ingredients sabi kasi ni nana mag sisinigang daw kami ngayon! Yey favorite ko yun eh.

Pag katapos ko bumili ay agad na ako nag lakad pauwi binilisan ko na ang pag lalakad ko kasi padilim na at baka makidnap pa ako.

Andaming tae sa dinadanaan ko hindi kasi nililinis eh tas ung ibang tae naman halatang naapakan paniguradong hindi tumitingin sa dinadaanan ung mga nakaapak HAHAHA.

Pagkatapos ng ilang minutong pag lalakad ay nakauwi na din ako.

"Nana!!" sigaw ko at agad na tumakbo para salubungin ang yakap nya " Nana eto na ung mga ingredients ng sinigang" nakangiti kong saad.

"Aba nak nag abala ka pa hah sana ang tata mo na lang ang bumili baka napagod ka pa mag lakad" naka ngiting saan ni nana habang hinahaplos ang buhok ko.

"Ayos lang nana kahit mag lakad ako hindi naman malayo ang palengke dito nana" saad ko at inilapag ang plastik na may laman na ingredients "Tyaka mama etoh oh apples" saad ko at ipinakita ang supot ng apples.

"Oh san iyan galing?" tanong niya sa akin.

"Binigay po sa akin ni Seph kanina galing daw kay tita pinapabigay satin" saad ko "Halika na mama tulungan kita, jan na ako sa hugasan"

"Hay naku ang anak ko lumalaki na oh" saad ni nana at hinalikan ako "Ilang buwan na lang anak at mag eighteen ka na" nakangiting saad ni nana.

"Oonga po nana malapit na ako mag eighteen" nakangiti kong saad habang hinuhugasan ang pinggan.

"Lumalaki ka na talaga nak, hindi rin halata na seventeen ka pa lang" saad ni nana habang nag wawalis.

Oo totoo sinabi ni nana hindi halata na seventeen ako kasi matured din pag mumukha ko pero sabi ni mama normal lang daw yon kasi dalaga na ako.

"Andito na ako darling" napalingon ako ng biglang pumasok si tata galing trabaho at hinalikan si nana sa noo at bumaling sa akin "Hi maganda kong anak" saad ni tata at niyakap ako.

"Hello tata kamusta? Nakapag apply ka po ba tata?" tanong ko nag aapply kasi si tata kasi tinanggal siya sa trabaho ng amo nya na walang rason manlang.

"Oonga darling nakapag apply ka ba?" tanong ni nana " Kung hindi ka nakapag apply tutulungan kita mag trabaho muna ako habang nag hahanap ka"

"Wag na darling natanggap ako dun sa company na pinag applyan ko" nakangiting saad ni tata na ikinasaya ko "Natanggap ako sa Company ng pamilyang Grant"

"Talaga ba darling? Balita ko mayaman daw ang pamilyang Grant madami silang company sa iba't ibang bahagi ng asya" saad ni nana at namangha ako.

Woww grabe anyaman pala ng pamilya na yon

"Wow, pwede ba ako sumama dun tata?" tanong ko gusto ko makapunta dun exiting.

"Ewan ko pa nak pero pwede ko itanong sa boss ko kung pwede pero hindi muna ngayon kakasimula pa lang ng trabaho ko" saad ni tata habang hinihimas himas ang ulo ko.

"Sige po tata"

Andito na ako sa kwarto kasi tapos na ang mga lahat ng gagawin namin tapos na din kami kumain.

At heto ako nasa kama naka upo habang tulala sa kisame na madaming naiisip. Nagulat ako ng biglang umulan agad naman ako tumingin sa bintana oonga umuulan.

Agad naman ako nag tago sa kumot Maganda mag breakdown ngayon umuulan.

Iniisip ko pa din kung nasaan na ang mga kapatid ko at ang tunay kong ama gusto ko sila makita. Agad kong kinuha ang isang box sa drawer na nag lalaman ng mga picture ko at may picture din ang mga kapatid ko at ang tunay kong ama.

Medyo malabo ang picture pero mapag tyatyagaan na.

"Kelan ko ba kayo makikita"

Thank you for reading

 (Salazar Series#1) His obsession Where stories live. Discover now