Kabanata 4

4.4K 120 1
                                    

Manila, Philippines

"Rouge, can I go with you, please?" salubong ni Imari dito pagkalabas pa lang ng banyo.

She ignored his naked body with only a white towel wrapped around his waist. No matter how beautiful and well-shaped his muscles are, she will not be affected because he is her sister's husband. Ang mahalaga lang sa kanya ngayo'y ang makalaya siya sa sitwasyong kinasasadlakan. Ilang araw na siyang nakakulong dito sa penthouse nito. Gustuhin man niyang lumabas, ngunit mahigpit na nakabantay sa kanya ang dalawang tauhan nito sa labas ng pinto. Tanging panonood ng t.v at pagbabasa ng libro lang ang ginagawa niya sa buong maghapon. Mabuti na lamang at ang opisina nito dito ay may mini-library. Sa araw-araw na lumilipas, naghihintay lamang si Imari na gumabi, matutulog, at kinabukasan ay iyon ulit ang gagawin. Habang si Rouge ay abala sa mga negosyo nito. Aalis ng maaga't uuwi na ng late ng gabi.

Maagap niyang kinuha ang puting long-sleeved polo nito na maayos na nakasabit sa isa sa mga closet at ibinigay rito. Ni hindi man lang siya tiningnan nito't basta inabot sa kamay niya ang polo.

"No. You stay here, Amari," walang ganang sagot nito, nagbubutones.

How long will she be locked up? Did he do the same to Amari that's why her sister left? Asawa siya nito 'di ba, kaya bakit ganito ang trato nito sa kanya?

"Do I really have no freedom here?" naisatinig na lamang niya dahil sa pagkadismaya sa sinabi nito.

Doon siya nito tiningnan na para bang nang-aarok. "The last time I gave you freedom, what did you do?"

She looked away from him. She was speechless and didn't know what to say. Nahihirapan siya. Hindi niya alam kung paano niya sisimulan o gagampanan ang iniwan ng kanyang kapatid. Wala siyang ideya sa kung paano ito sa asawa nito. Kung ano ang mga nangyari nu'ng panahon na magkasama pa ang mga 'to. Kung anong klaseng relasyon bilang mag-asawa mayroon mga 'to. Ang dami niyang gustong malaman, ngunit hindi niya alam kung kanino siya magtatanong. Hindi rin naman puwede sa kanyang ama dahil paniguradong magagalit lamang ito sa kanya at baka kung ano pa ang sasabihin na hindi kaaya-aya.

Imari just stared at the man in front of her. If physical appearance is the only basis for liking someone, she is sure that the man in front of her is more than enough for what all women are looking for. Abala ito sa pag-aayos ng sarili nito, kaya nagkaroon siya ng pagkakataon para mapag-aralan ang kabuuan nito. Walang kapintas-pintas sa hitsura, pangangatawan, at kabuun nito. He is also tall, he seems to be six feet three inches in height. Mayaman din, kaya nga lang medyo hindi maayos ang pag-uugali nito na siyang nagbigay sa kanya ng pagkadigusto rito. At sa palaging suot nito na two-pieces suit, mas nangibabaw lamang ang taglay nitong kakisigan.

"Have I passed your standards, Amari?" No.

Imari shook her head with a disappointed face and left him there in the walk-in closet before leaving their room. Wala din naman siyang mapapala. Mukhang isa na namang araw ang papalipasin niya dito sa loob ng penthouse. Nagugutom na siya. Sa mga nakaraang araw, pansin niya kay Rouge na lagi itong nag-oorder ng pagkain sa labas. At hindi niya nagugustuhan iyon. Hindi naman sa maarte o mapili siya, kaya lang ay hindi naman kasi healthy ang ginagawa nito. Hindi iyon ang nakasanayan niya. Kapag nasa Paris naman siya at nanatili ng ilang araw o linggo doon para bisitahin ang shop niya'y nagluluto talaga siya. Kumakain lang siya sa labas kapag nag-aya sa kanya ang kaibigan niya o may mga art exhibit siyang dinadaluhan.

Narinig ni Imari ang pagtunog ng doorbell. Akmang maglalakad siya patungong pintuan nang maunahan siya ni Rouge.

"Let me," agap nito't tinungo ang pintuan.

Sumilip siya at ang tauhan nitong si Joric iyon at may ibinigay na paper bag na may tatak na pangalan at logo ng isang restaurant. Ito ang palagi nitong pinag-oorderan ng pagkain tuwing umaga at hindi rin naman niya maipagkakaila na masarap ang mga luto doon.

I'm The Substitute Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now