Kabanata 25

3.9K 98 11
                                    

"Oh my God! je suis si belle ici!" Napatakip na lamang si Imari sa kanyang tenga dahil sa pagtili ng kaibigan nang makita ang mukha nito sa isang magazine, humahanga sa sarili. Napapailing at natatawa naman ang iba niyang tauhan sa nakikitang kasiyahan kay Valeria. Lagi itong ganito sa tuwing nakikita nito ang sarili sa pahayagan, na ikinatutuwa rin niya.

Totoong napakaganda ng kanyang kaibigan. Sa purong dugo ba naman nitong pranses, iwan na lang niya. Nasa nasabing magazine ito nang kuhanan ng artikulo patungkol sa kanya o mas tamang sabihin kay 'Lux'. Dahil nga sa nakatago niyang pagkatao, ito ang nalalagay palagi sa mga interview at photoshoot para sa mga magazine kapag may gusto ilathala ang mga nakukuha niyang tagumpay sa mundo ng sining.

"Yes, you are, Val, so stop screaming and let our ears rest. No one will argue with you how beautiful you are there," aniya, sumimsim sa kanyang kape.

Apat sila nandito ngayon sa kanilang pantry habang ang ilan sa mga tauhan niya ay abala na sa pagtuturo sa ibang mga bata na hawak ng mga 'to.

"Damn!" Nagkatinginan sina Imari at ang dalawa niyang tauhan nang marinig na naman nila ito habang nakanganga at may humahangang tingin nang ilipat ang pahina. "Imari!" pagtili nito sa kanyang pangalan.

"We're just going out, Miss Imari," nakangiwing paalam sa kanya ng dalawa habang bitbit ang mga tinimplang kape. Alam niyang naaalibadbaran na ang mga 'to sa boses ng kaibigan. Sila na lamang dalawa ang naiwan ni Valeria dito sa loob ng pantry.

"Ims, look at this!" Paglapit nito sa kanya't sabay pakita ng larawan ng lalakeng naka-bussiness suit.

Napaawang ang bibig ni Imari sa nakita. She'd be a hypocrite if she didn't admit how attractive his toned body was, with his hard biceps and abs exposed because he was topless and only wearing jeans. Sa sumunod na pahina niyon ay ang larawan nitong naka-three piece suit. Walang itulak kabigin sa katangiang tinataglay nito.

"Shit! Your ex-husband is so freaking hot and gwapo!" kinikilig na pagtili nito.

Valeria knows the story of the three of them. She was shocked at first and couldn't believe it when she told her that and she also apologized for the mistake she made when she said her sister's name to Rouge instead of hers. Hindi naman raw nito inakala na sa panahon na palang iyon ay gusto na siya ni Rouge at magagawa ang mga iyon sa kanila ng kapatid niya. Kahit siya nang malaman ang lahat mula kay Valeria, kung paano raw nito nakikita si Rouge noon na palihim na nakatanaw sa kanya sa malayo, na halos ilang beses nitong ginawa ng sunod-sunod ay hindi rin makapaniwala at naisip na baka stalker niya lang 'to at trip lang nito gawin iyon.

"Shut up, Val. He's not really my husband. Stupide!" panggagaya niya kapag nagsasabi ito ng bobo.

"Whatever! Can I have him, huh? You have Rafael already, so can I?" Kita niya ang pagkislap ng mga mata nito habang sinasabi iyon.

"If you can," aniya sabay alis roon. Kung magagawa naman nito, bakit hindi? Kung tutuusin, wala naman talaga silang relasyon kaya hindi nito kailangan magpaalam sa kanya.

"Yes!" dinig ni Imari na hiyaw nito kahit nakalabas na siya.

"Awe!" daing niya nang maituwid ang tuhod na may sugat. Umupo siya sa sofa sa kanilang visitor's lounge at sinuri ang kanyang tuhod. Sa kabila ng gasa na nakatabon roon ay kita pa rin niya sa paligid niyon ang pangingitim at pamamaga.

"Why are you injured like that by the way, Miss Imari?" may pag-aalalang tanong sa kanya ng receptionist, 'di kalayuan sa kanyang puwesto.

"I got it from the orphanage yesterday," sagot niya.

Yesterday, the medical mission happened at the orphanage that Rafael told her about when they had dinner last week. Masaya siya nang makita uli ang mga bata doon at nakatulong kahit papano. Iyon nga lang ay may hindi inaasahang nangyari. A child was accidentally pushed from the top of the playground slide by her playmate. Imari saw that incident because she was just downstairs playing with other children. Mabilis siyang napatakbo sa kahuhulugan ng bata para lang maabot at masalo, na nagawa niya ngunit kalakip niyon ang pagkakasama ng mga tuhod niya dahil sa uri ng playground mats na ginamit. Tatlong taong gulang pa lang ang batang babae na nahulog, kaya kakaibang takot at pangamba ang naramdaman ni Imari ng sandaling iyon. Masyadong mataas ang kinahulugan para sa edad nito.

I'm The Substitute Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now