Butterfly Clip

41 8 3
                                    

frustrated pa rin ako habang nagsusulat sa notebook ko at tahimik na nakaupo sa loob ng library dahil hindi ko na nahanap kung nasaan ang paborito kong clip.

matapos kong maisulat sa notebook ko ang pinagagawang translation ng isa sa mga teachers ko ay lumabas na rin ako ng library tsaka dumiretso na sa school paper room.

"Hi Con!" sabi ni Hikari kaya ngumiti at bumati ulit ako pabalik sa kaniya.

abala ang lahat sa kani kanilang laptop kaya naman naupo na ako sa upuan ko at inabala din ang sarili ko.

matapos ang dalawang oras na di ko namamalayang ako na lang na naman ang naiwan sa room kaya naman napagdesisyonan ko na ring umuwi.

maingay pa sa gym indikasyong nag pa practice pa ang basketball team.

hindi agad ako dumiretso sa train station dahil nagugutom ako, nag c-crave ako ng ramen.

dinala ako ng mga paa ko sa isang ramen restaurant, pagpasok ko ay nahagip agad ng mga mata ko ang mga lalaking nakasabay ko sa train noon. kagaya ng dati ay nakasoot muli sila ng green na jacket.

mukhang napansin ako ng isa sa kanila kaya sabay sabay silang napatingin sa akin.

hindi ko naman iyon pinansin, nagdiretso lang ako sa bakanteng upuan at naghintay na lapitan ako ng isang waiter. inorder ko agad ang cravings ko tsaka naghintay.

dinig na dinig ko ang ingay mula sa lamesa ng mga lalaking naka green pero mas pinili ko na lamang na mag scan sa cellphone ko.

Pagdating ng order ko ay kaagad akong kumain dahil nagugutom na rin ako, ramdam ko ang tumatagos na titig ng kung sino man sa akin pero hindi ko iyon pinansin dahil nagugutom na talaga ako.

matapos kumain ay napagpasyahan ko na ring umalis, habang pabalik sa train station ay nararamdaman ko ang pagsunod ng mga lalaki sa akin.

"Miss" dinig kong sabi ng isang boses kaya nilingon ko ang likuran ko.

pagkakita ko kung sino ang nasa likod ko'y hindi na ako nagtaka pa.

matangkad siya, kung ihahambing sa height ko at abot dibdib lang niya ako nakasoot siya ng salamin pero hindi iyon naging sagabal para mas madepina ang mukha niya, bagsak ang itim niyang buhok di kagaya ng dalawang lalaki na nasa likuran niya.

"yes" kiming sagot ko, hindi interesado sa kung ano man ang nais niyang sabihin.

"sa tingin ko nahulog mo to last time" sabi niya tsaka inilahad ang palad.

bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita ang hawak niya, it's my favorite butterfly clip!

"woah! thank you!" ngiting sabi ko tsaka tinanggap ang clip na hawak niya.

"i think nahulog mo yan bago ka bumaba ng train at wala rin naman kaming idea kung ano ang pangalan mo aside from the fact na sa Shohoku ka nag aaral dahil sa uniform mo" wika niya habang ako ay amaze na amaze pa rin dahil naibalik niya ang clip ko.

"thank you, by the way I'm Constance Donovan, and you are?" sabi ko tsaka naglahad ng kamay.

inilahad din niya ang malaki niyang palad sa aking kamay tsaka ngumiti.

"Toru Hanagata, and these are my friends. Kenji Fujima and Kazushi Hasegawa" sabi niya tsaka itinuro ang dalawa pang kasama

"it's nice to meet you Miss Donovan" magalang na wika ng lalakIng brown ang buhok na baby face na tinawag ni Toru kanina na Kenji.

"hi!" ngiting sabi lang ni Kazushi sa akin.

"oh, just call me Constance, Miss Donovan is too formal" wika ko sa lalaki na siyang ikinangiti niya.

The Exchange StudentWhere stories live. Discover now