Kings of Kanagawa

39 6 3
                                    

"I never heard silence quiet this loud"

sabi sa liriko na pinapakinggan ko habang naglalakad papunta sa gym dahil napag utusan akong mag cover ulit sa basketball team but this time extra special dahil makikilala ko ang coach ng Shohoku at kasama ako sa pupuntahang school ng team.

"Hi Constantine!" sabi ni Kogure-kun sa akin, napahinga ako ng malalim tsaka napakamot ng ulo.

"Kogure-Kun, Constance po hindi Constantine" sabi ko tsaka inayos ang shoulder bag ko kung nasaan ang laptop at camera ko.

halatang napahiya si Kogure-kun dahil namula siya kaya todo na naman ang apology niya sa akin.

"Gomen, Constance!" nahihiyang sabi niya sa akin, ngumiti lang ako sa kaniya tsaka sumagot

"Daijoubu, Kogure-kun" sambit ko sa namumula niyang mukha tsaka mahinang tumawa.

"WOY!" sabi ni Sakuragi na nasa tabi ko na pala kasunod si Rukawa na mukhang annoyed na naman sa presensiya ni Sakuragi.

"nagsasalita ka na namang  bugok ka!" iritang sabi ni Miyagi-kun sa kaniya

"wala kang paki bansot na kulot, sa masaya ako ngayon dahil makikita ko na ang makakalaban natin na sinasabi niyong magaling, tatalunin ko sila isa isa!" sabi ni Sakuragi tsaka tumawa ng tumawa at di inaashan ay nagulat din ako

"Sakuragi-kun!" singhap ko dahil nahampas niya ako sa braso dahil sa kakatawa.

isang malakas na palo ang natanggap ni Sakuragi galing kay Mitsui-kun dahil sa ginawa niya kaya sumbsob siya sa sahig, nagulat din ako maski na ang mga kasama namin maliban kay Rukawa na napaiwas ng tingin siguro'y para pigilan ang nagbabayda niyang tawa.

"BOY GULO!" sigaw niya kay Mitsui-kun , di pa man nakakabawi ay muli siyang sinapak ni ate Ayako at Akagi-kun, sa likod nila ay isang matanda na alam ko na agad na kanilang coach kaya nag bow ako sa kaniya.

dinig ko ang pangaral ni Akagi-kun at ate Ayako sa kaniya ako naman na  katabi si Mitsui-kun ay humarap sa kanilang coach.

"Sensei!" magiliw na sabi ni Mitsui-kun at lumapit sa kaniya maski man ako ay lumapit at nag bow sa kaniyang harap

"hindi mo naman sinabi na may girlfriend ka na pala Mitsui-kun" sabi niya na ikinabigla ko, nilingon ko si Mitsui-kun na namula at tila ba nahiya.

"S-Sensei, hindi ko po siya girlfriend!" pag amin niya habang namumula. tumawa naman ang kausap tsaka bumaling sa akin.

"totoo po ang sabi ni Mitsui-kun, ako po si Constance Donovan, member po ako ng school paper at naatasan po akong sumama sa team dahil basketball po ang inatas sa akin na gawan ng report. it's nice meeting you po Coach Anzai" sabi ko tsaka muling nag bow sa kaniya. maligaya siyang tumawa tsaka naman ako ngumiti sa kaniya.

"HOY TANDA!" dinig kong sabi ni Sakuragi

napamaang at nagulat na lamang ako sa mga sunod niyang ginawa dahil hinila hila niya ang pisngi ni Coach Anzai at pinatalbog talbog ang baba niya.

"GUNGGONG!" sabay na sabi ni Mitsui-kun at Akagi-kun tsaka inupakan na naman si Sakuragi.

nakapagtataka na talagang hindi naaalog ang utak niya kahit pa ilang beses na siyang batukan at bigyan ng bukol ng mga senior niya.

napabuntong hininga na lamang ako bago lumapit sa amin si ate Ayako at yakagin kami ni coach na maglakad na dahil wala na daw siyang panahon pang pangaralan ang iba pang members dahil maski siya ay tinutubuan na ng ugat sa noo.

katabi ko si Rukawa na kulang nalang ay mag head bang dahil dinig na dinig ko ang rock music na pinakikinggan niya mula sa earphone na nakasoot sa tenga niya, sa kabilang banda ko naman ay si Ate Ayako.

The Exchange StudentWhere stories live. Discover now