Melting

38 7 6
                                    

presko ang hangin na nanggagaling sa labas ng gym, makulimlim din indikasyong uulan at mukhang may kalakasan dahil napakaitim ng ulap.

humalumbaba ako tsaka huminga ng malalim at pinanood ang players na mag drills

i heaved a deep sigh when the rain heavily drop. mabibigat ang patak ng ulan at mukhang masakit ang tama nito sa balat kapag lalabas ka.

"gather up!" sigaw ni Akagi-kun sa kanila. kinuha ko ang camera ko para kunan sila muli ng litrato, makalipas ang halos ilang shot ay itinabi ko na ang camera ko. lumalakas na rin lalo ang ulan sa labas

"ang lakas ng ulan" bulalas ni Ate Ayako na nakatingin sa bintana sa labas.

kitang kita ang hampas ng hangin sa mga puno at ang mala usok na itsura ng ulan sa labas

"uuwi na ba tayo?" sabi ni Hanamichi na nakasuksok ang dalawang kamay sa loob ng jresey shorts niya.

"tanga ka ba? kita mong umuulan" sagot naman ni Miyagi-kun

"nagtatanong lang ako!" singhal niya rito.

"bobo talaga" sagot ni Rukawa habang umiinom ng tubig niya

"anong sabi mo sampid!?" singhal ni Hanamichi na handa na namang makipag rambulan kay Rukawa. napahampas na lang ako sa noo ko tsaka sininop ang mga gamit ko.

"mukhang maya maya pa tayo makakauwi" sabi ni Akagi-kun na nakaupo sa bench at may hawak na bottled water

"hai, malakas ang paparating na ulan" sabi ni Kogure-kun

"Oo kasing lakas ng topak nitong gung gong na 'to" sagot ni Rukawa tsaka tinuro si Hanamichi na inaawat ni Mitsui-kun at Miyagi-kun

natawa naman ako bago umiling iling na lamang sa kalokohan nila

hindi pa naman sila nakakapag linis kaya kinuha ko ang isang bola pumosisyon ako sa free throw line at sinubukang tirahin ang bola pero kumapos ako

"nyahahaha hindi umabot!" sabi ni Hanamichi sa akin kaya imbis na sa ring ko itama ang bola ay tinama ko sa mukha niya, ayun bumulagta siya kaya pinagtawanan na naman siya ni Miyagi-kun at Mistui-kun habang si Rukawa naman ay nagpipigil ng tawa.

"ingay mo" sabi ko tsaka tinira muli ang bola tsaka pumasok

"aba magaling ka pala mag basketball" sabi ni Ate Ayako

"hindi naman po, sadyang natuto lang ako nung elementary pa 'ko" sabi ko sa kaniya tsaka pumitik ulit at pumasok

"buti pa si Constance magaling sa free throw di gaya ng isa dyan" sabi ni Rukawa na direktang tinitignan si Sakuragi na hinahaplos ang pisngi niyang tinamaan ko ng bola

"Sabi mo!" singhal niya kay Rukawa, inisnob naman niya ito tsaka tumira din ng bola sa three point shot area.

"naks, maalam ka pala ha" sabi ni Mitsui-kun sa akin tsaka tumabi sa akin sa free throw line

"medyo lang" sabi ko sa kaniya tsaka ibinato ang bola kay Sakuragi na maagap niya sinalo at tinira pero syempre dahil dakila ang kagunggungan niya ayon kay Rukawa ay hindi pumasok ang bola

"tanga talaga" sabi ni Mitsui-kun na nakasapo sa noo niya. mahina na lamang akong natawa dahil doon 

matapos ang ulan ay nagkaniya kaniya na kami ng uwi. agad na dumating ako sa train station soot ang uniporme ko at ang knitted cardigan ay sumakay ako sa loob ng train. agad na naghanap ako ng mauupuan pero wala ng bakante kung kaya naman naghanap ako.

sa di kalayuan ay napansin ko ang grupo ng mga lalaki na nakasoot ng casual clothes. mga matatangkad sila base sa obserbasyon ko at dahil walang bakante ay tumayo na lamang ako at humawak sa bakal ng train tsaka ito umandar. 

The Exchange StudentNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ