Chapter 8

837 20 4
                                    

SLYTHERIN POV

"MAY CCTV BA SA PINANGYARIHAN NG ambush?"

"May CCTV cameras sa area," sagot ni Gem.

"Nakuha niyo ba?"

Tumango sila at inopen ang laptop na connected sa TV.

Nagplay ang isang video clip, a CCTV footage. Unang kita ko lang sa pagharang nila sa sasakyan ng parents ni Annie ay parang may mali.

Naglakad ako palapit sa TV at mas pinagmasdan ng maigi ang footage.

"Stop!"

Napatingin silang lahat ng magsalita ako. Pinause nila sa banda kung saan binabaril na nila ang sasakyan.

Napansin ko ang isang lalaki, medyo malapit siya sa CCTV kaya medyo hagip ang mukha niya.

"Izoom mo,"

"Huh?" Nagtataka silang nakatingin sa akin.

"Zoom mo," itinuro ko ang parte kung saan gusto kong malapitan na makita ang pause pic. "Ito, pamilyar ang mukha niya."

Nagulat ako ng mazoom niya ang video. May tattoo na ahas sa kanang braso ang lalaki. Nakita ko na ang tattoo na ito dati. Hindi ganun kaklaro ang mukha niya pero ang ahas niyang tattoo ay pamilyar.

"Ash,"

"Hm?"

"Mas matagal ka na sa La Costa Navis 'di ba?"

"Oo, bakit?"

"May kilala ka bang lalaking may tattoo sa  braso?"

Nanahimik siya at sandaling nag-isip.

"Madami sila… si Drake, si Tristan 'saka si Kuya Lucas tas 'yong mga kaibigan niya,"

Si Drake? Ang alam ko na  ang tattoo sa braso ni Tristan ay isang scorpion snake. Kay Kuya Lucas naman sa kamay iyon, tatlong bituin. Si Drake, hindi ko pa nakikita ang tattoo niya.

"Anong itsura ng tattoo ni Drake? Saan banda?"

"May tattoo siyang Horned Serpent sa kaliwang braso tas isang hindi ko maintindihan na salita na nakaukit sa kanang braso niya," sagot nito.

"Halika dito,"

Lumapit siya at tinitigan ako. "Ngayon?"

"Nakita ko na dati sa La Costa Navis ang snake tattoo na iyan," sagot ko sabay turo sa zoomed image.

Napakunot ang noo niya ng makita ang tinutukoy ko. Lumapit pa siya at hinawakan ng isang daliri niya ang screen.

"This guy is familiar," she said.

"Alam ko, nakita ko na dati ang tattoo na ahas sa La Costa Navis, hindi ko lang matandaan kung sino pero nakita ko na ang tattoo na ito,"

She bit her lips and licked it, "Play the video," she said.

Pinagpatuloy namin na pinanood ang video hanggang sa mapansin ko ang pagtakbo ng lalaking kanina lang pinag-usapan namin.

"Wala siyang ginawang masama?" Nagtataka si Ash na kinuha ang folders.

"Kailangan nating mahanap ang lalaking iyan, siya lang ang makakaturo at makakapagsabi kung ano ang nangyari sa ambush.

"Simulan na natin ang paghahanap," si Ash.

Kaagad kaming walang sinayang na oras. Kinuha ko ang laptop at muling pinanood ang video.

Hindi ko na alam kung ilang beses kong napanood pero sa huling beses kung pagplay sa video napansin ko ang paglapit ng isang hindi ko matukoy kung lalaki o babae dahil hindi clear ang kuha pero parang kumatok yata siya sa kotse nila.

Before and After (Madrigal Series)✓Where stories live. Discover now