Chapter 25

892 24 0
                                    

SLYTHERIN POV

"ARE YOU REALLY SURE ABOUT this?" Ashley asked.

Sinabi ko kasi sa kanya na aalis ako, alam na niya ang dahilan. I want to move on freely. 'Yung wala ng iniisip pa, gusto ko munang mag-isa. Out of Manila vibes.

Ayoko naman sanang magsinungaling sa kanya kaya sinabi ko ang rason. Sabi naman niya sa hacienda nila ako muna, sa Davao. Mas better kung may pagka-abalahan daw ako para mas mapabilis ang pag move on ko. I guess she's right kaya umo-Oo ako.

Tubuhan ang hacienda na pinamamahalaan ng care taker nila roon. Since wala daw magma-manage dahil puro busy ang angkan nila, isang care taker ang nag-alaga muna at namahala so since nando'n ako…I'll be the one in charge para tulungan sila.

I guess mag-eenjoy ako. Province life. Tahimik, walang maingay at masarap na hangin malayo sa siyudad. Malayo daw talaga iyon sa bayan kaya mukhang mahina ang signal at hindi uso ang gadgets.

"Yeah…it's better than here. And thank you for letting me stay at your clan's hacienda," I said.

"Tsk! Ano ka ba?! Walang magma-manage roon kaya habang nagmomove on ka e better na may pagka-abalahan ka din."

"May signal ba dun?"

"Bihira lang. Swerte mo kung makasagap ka, pero I promise…masaya doon. Hindi kasi kita masamahan dahil uuwi ako ng Amsterdam…you know na nag-promise ako kay Gael," nakangiti na may halong panghihinayang sa sinabi niya.

"Hoy gaga! Nangako ka sa bata kaya umuwi ka!" puna ko.

"Alam ko! Mamimiss lang kita. Pero kung may signal ka e tawagan mo ako ah!"

"Oo na!"

"Pangako mo 'yan ah! Lagot ka sa akin kapag!" aniya.

Ngumiti ako at tinulungan siya sa mga bagahe niya. Mamaya na ang alis niya at sasabay na ako, mamaya na din ang flight ako kaya sabay na kami.

"Hoy, kakasabi mo lang na bihira ang signal kaya bihira siguro kitang ma-update," sabi ko.

"Ah basta gawan mo ng paraan!"

"Ikaw na ang gumawa kapag may oras ka,"

"Well, fine ako na ang gagawa! Pero mag-iingat ka pa din doon. Nagsabi na ako sa kanila na darating ka kaya panigurado nahanda na nila ang buong hacienda sa pagdating mo."

"Oa ka!"

"Namimiss na kaagad kita!"

Muntik ko na talagang ibato sa kanya ang maleta pasalamat siya at nakatakbo siya.

Sabay kaming pumunta sa airport dahil iisa lang naman ang airport na patutunguhan namin.

Naghintay kami hanggang sa lumapag na ang eroplano niya.

"Hey, mauna na ako."

I just nodded and smiled at her. "I'll be fine here."

"Mamimiss kita…"

"I'll missed you too,"

Lumapit ako sa pwesto niya at niyakap siya. Siya lang ang nakakaalam na sa Davao ang punta ko, alam ng lahat sa America ang tungo ko. Mas mabuti ng walang nakakaalam kesa sa issue pa nila ang pag-alis ko.

Kinuha niya ang mga maleta niya at kumaway sa akin habang papalayo. This is my new life again. Pero sa pagkakataong ito, itatama ko na ang lahat.

After I heard the admins announcement, kaagad ko ng hinila ang mga bagahe ko.

Sa window side ang upuan ko at luckily wala akong kasama. Kinuha ko na lang ang headphones at nagpatugtog.

Memories flashbacks to my head. Hindi ko naman inaasahan na napanaginipan ko iyon.

It has already been forgotten. But my brain cells still remember it. Gusto kong mawala sa sistema ko ang mga iyon. What's behind my past remains my past. Ayoko nang paulit-ulit na masaktan. Kailangan kong ibangon ang sarili ko, overcome my doubts, fear and being an independent woman again.

"Excuse me Ma'am,"

Napatingin ako sa kanya. Inalis ko muna ang headphones at inentairtain siya.

"Do you need anything?"

Ngumiti muna ako bago s'ya sinagot. Nag-order ako ng kape at isang croissant.

"Okay ma'am, wala na po ba kayong additional?"

I shook my head. "Okay ma'am,"

I waited for minutes hanggang sa nakita ko na ang order ko sa malayo.

"Ma'am, here's your croissant and espresso coffee…"

Inilapag niya sa mesa ko iyon ng biglang bumaliktad ang sikmura ko sa amoy ng kape.

Kaagad akong tumakbo paloob sa CR, medyo nahihilo ako sa amoy ng espresso. Halos nasuka ko na yata ang lahat ng nakain ko kanina, ramdam ko ang pag-baliktad ng sikmura kong muli kaya muli akong dumuwal.

Kumuha ako ng tissues at ipinunas sa bibig ko. Bat ganun? Ang strange.

What the hell is happening? I just ordered it and what's happening to me?

Itinukod ko ang magkabilang kamay ko sa kabado habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin.

Bakit ako nasuka sa kape e parati naman akong nagkakape? I always drink coffee pero ngayon lang nangyari iyon, it was may favorite coffee. Espresso coffee is my favorite pero bakit natatakam ang sikmura ko sa hot chocolate. I've never tried that drink before.

Nagulantang ako ng  pumasok sa loob ng CR ang isang medyo matanda sa akin ng kaunti, she's wearing a dress. Wrap dress. Medyo malaki ang tiyan niya feeling ko four months na ang tiyan niya. Nagretouch lang siya saka lumabas. Tatanungin ko sana kaso baka isipin niya na feeling close na naman ako.  Ang ganda talaga ng mga buntis kapag. Blooming.

Sa hindi inaasahan napahawak ako sa tyan ko. Naalala ko after may nangyari samin hindi ako nakainom ng pills. Nakalimutan ko na din dahil sa sunod-sunod na problema na hinarap namin.

Two months na ding delayed ang period ko. Hindi pa ito nangyayari sakin, always advance ang period ko. Never failed 'yan pero ngayon bakit two months na wala pa din ang dalaw ko?

Bakit parang pakiramdam ko may nagbago sa akin? Minsan moody, minsan parati akong bagot. May times pa na ang gusto ko lang gawin ay matulog or kumain ng cravings ko.

Never kong naranasan ito noon. Mga bagay na bago lang sakin. I'm wondering kung okay pa ba ito? Tama pa ba ito? Am I sick? Mamamatay na ba ako?

Overthinking eats me. Natatakot ako na baka ano na ito. I want to move on first.

Tinitigan ko ang aking sarili sa salamin. Am I sick or just—

Nahampas ko ang lababo at my tears fell down. Tumulo ang mga luha ko sa hindi ko inaasahan.

Why am I feeling this shit? Bakit?

Oh god damn!

"Am I carrying your child, Tristan?" I whisperly asked myself.

© RYSHN

Before and After (Madrigal Series)✓Where stories live. Discover now