Chapter 12

9 16 11
                                    

A E L I A

"AELIA!"

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may dumamba sa likod ko. As far as I remember, I don't have any friends, so, sinong hampas lupa ang naglakas loob na sumabit sa akin?

I immediately rolled my eyes when I saw Kenzo smiling at me like an idiot habang nakaakbay sa akin.

Nandito kami ngayon sa harap ng company 'daw' ni Gael. Today is Sunday kaya wala kaming klase that's why we decided to visit our soon to be workplace.

It's been days since I battled with myself— as well as with my father, whether I'll accept their offer or not. And here I am, binabaan ang pride at ready na magtrabaho.

I hate to admit it but tama nga si dad, I must not waste this opportunity. Though, I also need to accept the fact na there's a new reason for him to pressure me more, maliban lang sa studies.

And I guess, it's fine with me. Gaya nga ng sabi niya, hindi niya akong pinalaking duwag. Maybe, I just need his pressure for me to drag Charlotte down, which is dapat, dati ko pa ginawa.

"Ang lalim ng iniisip natin ah?" Nagulat nanaman ako nang magsalita sa tabi ko si Kenzo. Kanina pa siya ah?

"What?" I asked with a hint of being annoyed pero he just laughed at me that's why I rolled my eyes at him and then sat down at the bench nearby.

Napansin ko lang, mas nagiging maingay at carefree na si Kenzo kaysa noong Senior High School pa lang kami, siguro kailangan niya talagang magseryoso noon kasi malaking responsibilidad ang pagiging Editor-In-Chief, hindi puwedeng pachill-chill lang.

Pero ano ba ang pakialam ko sa mga galaw niya?

Wala.

Bakit ko ba pinapansin? Mas lalo tuloy akong naiirita.

"Ang tagal mo naman, uuwi na kami... Ano? Ayaw nga namin pumasok nang wala ka rito, ang kulit mo naman."

Napatingin ako kay Kenzo na may kausap ngayon sa phone habang nakasandal sa poste. Feel ko, si Gael kausap niya. Halata rin naman.

"What? Bro, malapit nang mamuti mata ni Aelia. Gusto mo bang—"

"Ano nanaman ba iyan?" Bigla kong naiusal matapos marinig ang pangalan ko. Gulat namang napatingin sa akin si Kenzo't bahagyang natawa. Umiwas naman ako ng tingin sa kaniya, bigla akong nakaramdam ng hiya and gaya ng nakasanayan, nainis nanaman ako.

Routine ko na rin ata ang mairita lagi kahit sa maliliit na bagay. Ay ewan! Kung ano-ano na naiisip ko, baka tama nga si Kenzo na malapit nang mamuti mga mata ko.

Gael is literally wasting my time. If hindi lang dahil sa mga sinabi ni dad, baka kanina pa ako umuwi.

"On the way na raw siya," napatingin ako kay Kenzo nang bigla siyang umupo sa tabi ko't nagsalita. Mukhang katatapos lang din nilang mag-usap ni Kenzo.

"Mabuti," maikli kong tugon. I heard him chuckle nanaman kaya kumunot bigla ang noo ko. Mukha ba akong clown para lagi niya akong pagtawanan? Kanina pa siya ah?

"What?" He asked, innocently when he noticed my frown. Inismiran ko na lang siya't itinuon ang atensyon sa phone ko.

"Cute," he whispered pero sapat na para marinig ko. Bigla akong natigil sa sinabi niya. What the heck?

"Sorry, natagalan. Nahirapan akong makasakay, traffic. Maling desisyon atang hindi ko ginamit ang sasakyan ko— huh? Aelia, bakit namumula ka? May sakit ka ba?" Gael suddenly touched my forehead with his palm to check my temperature pero agad kong tinapik ang kamay niya.

Naramdaman kong mas uminit pa ang pisngi ko dahil sa ginawa ni Gael. Ano ba ito? Dahil siguro sa init, o naiinis lang ako sa kanilang dalawa ni Kenzo to the point na malapit nang umusok ang ilong ko.

"Hala, lalong namula," puna nanaman ni Gael, bakas ang pag-aalala sa mukha niya samantalang hindi man lang ako tinatapunan ng pansin ni Kenzo, pero halatang nagpipigil siya ng tawa habang naka-iwas ng tingin.

These two are getting on my nerves na. Why did I even sign up for this?

"Tara na nga! Nasasayang oras ko," sabi ko sa kanila't tumayo na. Hindi ko na sila tinignan pa't dumiretso na sa maliit na building na gagawing company daw ni Gael.

Nang makapasok ako sa loob, hindi ko maiwasang mamangha sa loob ng company niya, there are small cubicles with printers and computers, I guess, these are the offices of the employees tapos may rooms sa bandang dulo, hindi ko alam kung ano iyon. May kaunti nang mga employees na nagtatrabaho kahit na recently pa lang siya nag-open and kami ang bagong recruit.

I admire him even though I hate him. Kahit na sabihin nating tinulungan siya ng mommy niya sa ilang funds nito, hindi maitatangging galing din ito sa sarili niyang pagsisikap. He won't be confident enough of his own business if he can't handle simple things like funding at the very start pa lang.

"Sorry, maliit pa lang but, this will grow soon, I promise," sabi ni Gael nang mapansin niyang pinagmamasdan lang namin ni Kenzo ang paligid.

"No, Gael. Para sa isang starting company, masiyado nang malaki ang progress nitong sa iyo. I can't wait to work with you," Kenzo said. Tumingin naman sa akin si Gael kaya tipid lang akong ngumiti sa kaniya't tumango. Ayokong magsalita ng mga flowery words sa kaniya gaya ng ginawa ni Kenzo, baka lumaki lang ang kaniyang ulo.

"So, gusto niyo ba i-tour ko muna kayo o orient?" Gael asked.

"Orient us first so that we will be somehow familiar sa mga places, offices, etcetera, dito," I casually said na sinang-ayunan naman ni Kenzo. Ngumiti naman sa amin si Gael bago kami inaya sa isang maliit na room, mukha siyang conference room dahil sa tables and chairs na nandoon and may projector sa gitna.

"Hello, good afternoon guys, I'm Gael Caddington, C.E.O. of this company whose goal is to serve the nation with the use of our pens," pag-uumpisa niya.

Mukhang maling desisyon atang nagpa-orient muna kami. I forgot na maraming patalastas palagi si Gael.

"The two of you are our new recruits. I'm planning to put you, Miss Rosenheim at the opinion section, you'll be with the columnists and feature writers," aniya muli kaya tumango na lang ako sa kaniya.

Inaantok na ako sa presentation niya, puro lang naman mga do's and don'ts pinapakita niya ngayon and kung paano ang kalakaran sa pagpasa't pagpapapublish ng articles. May isang mamamahala raw doon and iyon ay si Kenzo since may experience na raw siya sa pag-manage ng mga articles.

Biniro pa nga siya ni Kenzo kanina, kung noon daw, siya ang head at nag-o-orient, ngayon naman daw, si Gael na, which made me chuckle at some point. The irony nga naman.

"Paano pag-aaral natin?" Pagbibiro nanaman ni Kenzo nang mapunta na sa schedule ng trabaho ang orientation ni Gael.

"Don't worry, hindi naman kailangang laging nandito tayo sa office. We can meet at our university's library or cafeterias to discuss important matters. Besides, hindi lang naman mga articles ang kailangan natin dito, we publish books, short stories, and so on. This is a publishing house, after all," he said. So, it means, any time, we can fulfill our responsibilities as a student and a writer, kami na bahala ang mag-balance.

Hmm... I'm starting to like my decision already. It may sound weird but, thank you dad for forcing me to write again and join Gael's goal in life.


***
:)

Quill (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon