Chapter 17

10 16 12
                                    

A E L I A

"SO, may naiisip ka nang puwedeng ipasa para sa company ko?" Gael asked as he sips on his coffee.

Today is Saturday and niyaya ako ni Gael na magkaroon ng informal meeting sa café malapit sa company niya. Wala naman akong ginagawa ngayon sa bahay at ayoko ring magpakita muna kay dad pagkatapos ng unexpected stunt niya kagabi kaya pumayag ako rito ngayon.

"I don't know. Are you planning to make a newspaper ba? Kasi if yes, I'll contribute to the opinion and feature page," I said and then stuffed some dessert on my mouth. Hmm... This cupcake's delicious pala.

"Yeah, I'm planning to make our own newspaper that we can distribute to the people pero I don't have enough funds for that muna. We have some columnists and such pero ang plano ko is small brochures and pamphlets muna containing some latest news and chika. What do you think?" He said.

"So, parang mini-newspaper?" I asked to clarify things up. Ang kumplikado naman ng gusto niya.

"Kinda, pero instead of news articles, mga thoughts, opinions and such ang laman, for entertainment while gaining information purposes lang kumbaga," he explained which made me nod. I see. For entertainment?

"Parang magazines?" I asked dahilan para magliwanag bigla ang mukha niya. Wait, don't tell me, hindi niya naisip ito?

"Oo! Magazines! Pinahirapan ko pa ang sarili ko. Mabuti na lang talaga't pumayag kang pumunta rito ngayon," he ecstatically said which made me frown.

"Magtatayo ka ng company nang walang konkretong plano kung paano mag-uumpisa? No wonder why your father doubts you," I bluntly said which made him roll his eyes.

"Ang pasmado talaga ng bunganga mo kahit kailan," aniya't kumain na lang. Nagkibit-balikat lang ako sa kaniya bago kumain ulit.

"Nga pala, hindi raw makakapunta si Kenzo," turan bigla ni Gael.

"Bakit daw?"

Agad na naningkit ang mga mata ko nang mapansin kong nag-iba ang timpla ng mukha ni Gael pagkatapos kong tanungin kung bakit wala ngayon si Kenzo.

Why? Is there something wrong with my question?

"Aelia, ikaw ba iyan?" He asked with a hint of being amused. Hinawakan niya pa ang noo ko kaya tinapik ko kaagad ang kamay niya.

"What the heck?" I uttered pero nanlalaki pa rin ang mga mata ni Gael, parang manghang-mangha siya sa akin ngayon.

"Aelia, kung nasaan ka man, lumabas ka na," aniya ulit kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong kumunot ang noo dahil sa mga pinagsasasabi niya. Nakahithit ba 'to?

"Anong katarantaduhan nanaman ba iyan, Gael?"

Sabay kaming napalingon ni Gael sa gilid nang biglang may nagsalita, it was Kenzo.

Akala ko ba hindi siya makakapunta?

"Akala ko ba hindi ka makakapunta?" Gael almost exclaimed the moment her saw Kenzo standing next to him.

Same thoughts Gael, same thoughts.

"Akala ko rin eh," he casually answered as he sat next to me. Hindi ako nakagalaw nang bigla niyang kinuha ang tinidor ko't kumuha sa cheesecake na nasa lamesa. Kay Gael na order iyon kaya pati rin si Gael ay hindi na nakakibo dahil sa ginawa ni Kenzo.

After recovering from what had just happened, biglang binato ni Gael ng tissue si Kenzo dahilan para tumawa ang isa.

"Uso magpaalam!" Reklamo niya pero nagkibit-balikat lang si Kenzo't kumuha muli sa cheesecake niya.

Quill (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon