03

8 1 0
                                    

THREE


Kinuha ko ang notebook at yellow pad saka   itinapon iyon sa loob ng bag pagkatapos ay sinara ko na ang zipper.

"Inaantay kana sa baba!, Dalian mo!.." nagmamadali kong kinuha ang medyas ko at sinuot iyon.

"Sinabi ko naman sayo, H'wag kanang mag puyat!.. mabuti sana kung hindi traffic eh!.."  inayos ko na ang sapatos ko at itinali ang sintas non. Dumiretso ako sa salamin at tinignan ang damit na suot.

"Ano ba!, Camilla! Nakikinig ka ba?.." pagkatapos niyang sabihin 'yon ay isang malakas na katok ang ginawa niya sa pintuan ko.

Nagmamadali kong kinuha ang bag ko at isinabit iyon sa balikat. Binuksan ko ang pinto at agad na napaaray dahil hinuli ni manang ang tainga ko.

"Aray po!.."

"Kanina pa ako nagsasalita diyan!, Hindi ka man lang sumagot!.." napahawak ako sa kamay niyang nasa tainga ko.

"Nag ayos po ako ng gamit nay!.." binitawan niya ang tainga ko at agad naman akong napahawak doon.

"Bumaba kana!, Hindi ka nanaman mag a-almusal!.. nagluto pa naman ako, Pano Kasi puro ka puyat!, Papasok ka nang walang laman ang sikmura mo! Mabuti ba yang Gawain?!" mabilis akong bumaba ng hagdan dahil hinahabol niya ako ng mga sermon niya!

"At mamaya, Gabi ka nanaman uuwi! Subukan mong umuwi ng lasing at isusumbong na talaga kita sa daddy mo!.."

"Nay, hindi na nga po eh!.." mabilis akong pumunta ng lamesa at kumuha ng isang pirasong tinapay.

"Pagkatapos ng klase umuwi ka agad, dito ka kumain ng hapunan!.. sinasabi ko sayo Camilla!, 'wag mo akong galitin!.."

"Opo nay!.." patakbo akong lumabas at sumakay ng kotse, tinapon ko lang ang bag ko sa katabing upuan, sumakay naman na ang driver ng makita ako.

Dahil late na ako sa first sub hindi nalang ako papasok, sa third subject nalang ako magpapakita. Close ko naman ang guard don.

"Kuya, dito nalang." Nasa tapat na kami ng national bookstore, ayos narin na dito muna ako tumambay.

"Ma'am, nasa likod pa po ang school niyo eh."

"Ayos na yan Kuya, may bibilhin din Kasi ako."

"Mapapagalitan po ako ma'am, saka may national bookstore naman po sa loob ng school niyo." sumimangot ako at tumango nalang.

Culinary ang kinuha ko pero ang totoo tamad talaga ako magluto, hilig ko naman kaya lang para sa'kin basic lang 'to. Mas gusto ko iyong bakbakan.

Nakapasok na kami ng Arden kaya kinuha ko na ang bag ko sa katabing upuan.

"Nandito na po tayo ma'am." Binuksan ko ang pinto at kumaway nalang sa driver at tumakbo papasok,  dumiretso ako sa students lounge. May Aircon dito at malambot pa ang upuan, pwede Karin gumawa ng mga homework dito.

Inilagay ko ang bag ko sa lamesa at humiga sa sofa pero napatigil din ng makita si loraigne at Addi, nag shift na si addi ng course at napunta medical field. Ito namang si sam nag stay parin sa archi.

The Beautiful Me Where stories live. Discover now