04

17 1 0
                                    


FOUR

"First"

Ako nalang naiwan dito, sumabay na kasi si loraigne kay addi. Napag isipan ko rin na 'wag nalang akong pumasok ngayong araw. Wala namang pakialam ang mga teacher dito kung pumasok ka o hindi.

Gusto ko mag shift sa criminology, mukhang masaya ang ginagawa nila. Pero hindi naman ako papayagan. Pero siguro naman kaya kong pakiusapan si daddy tungkol don?..

Baka naman sa pagkakataong 'to, payagan niya ang anak niya sa gusto niya. Nakakasawa rin naman kasi itago no!, Hanggang ngayon ang alam lang nila ay lleigne ang pangalan ko. Pero hindi Camilla. Simula rin nang malaman ko ang lihim na pinagkaka abalahan ni daddy ay nahilig na ako sa mga baril.

Kinuha ko ang bag ko at papunta na sa exit ng school, tinap ko ang I'd ko at pagkatapos ay nilagay ko na sa bulsa. I took my phone to see if I could book a grab. I was busy on my phone when I went outside, and I didn't see the person walking in front of me. I bumped into him!, Nalaglag ang phone ko at agad ko naman iyong pinulot.

Nang makuha ko na ay nabunggo ko ulit yung lalaki, I didn't notice that he was arranging his paper on his arms. Siguro Kasi ay nagulo dahil nabangga ko siya.

"I'm sorry.." based on his uniform he is an engineer.

"No, it's okay." ngumiti siya ng tipid at nagamamadali narin na umalis.

Tinanaw ko ang lalaki na naglalakad papalayo habang naglalakad. Para kasing nakita ko na siya noon, kasama ata ni addi?.. Ibinalik ko ang paningin sa harapan at sinubukan ulit na mag book ng grab. Nang okay na ay dito na muna ako sa tapat ng school mag a-antay. Hindi naman masiyadong mainit dahil napapaligiran Ito ng puno at pwede pa mag bike dito sa labas.

My eyes suddenly drifted to the black sports car. That was my dream car! But I know my dad. He is always strict with me; probably he won't allow me to have that.

Naningkit ang mga mata ko nang bumaba ang driver non, and wow he's a man! He's tall and has a perfect body. And all I can say is He is so damn attractive.

I saw how the other girls looked at him. Well kahit ako, mapapatingin talaga sa direksyon niya. Ano kayang course niya?, At anong edad?..

"Excuse me!, Hey!" I look at the girl who's running to the guy.

"Can I.. i.. uhmm-- are you going to roscelle party tonight?.." nasa malayo ako pero naririnig ko ang boses ng babae. Siguro ay sinadya niya 'yon dahil maraming nanonood sakanila.

"Why are you asking?.. I don't even know you." my eyes widened, I didn't expect him to be so harsh!

Fine!, Cancel siya sa pagiging crush ko. Kung ako yung babae baka umiiyak na ako ngayon.

Hindi ko nalang sila tinignan at muling tinignan ang cellphone—malapit na ang driver kaya makakaalis narin ako.

Muli kong tinignan ang cellphone ko ay nandito na raw ang driver, napatingin ako sa kakapasok lang na sasakyan. Puting SUV, agad kong itinaas ang kamay ko. At patakbong lumapit doon. bumaba ang bintana ng sasakyan.

"Kayo po yung nag book, ma'am?.."

"Yes po." Doon ako sa backseat naupo at nagsuot ng seatbelt. Pupunta muna ako ng art museum at maglilibot doon, nakaka relax din kasi pumunta sa ganong lugar. Ito narin ang chance ko na maging gala. Hindi talaga ako masiyadong magaling pagdating sa mga lugar lalo na pag ako lang mag-isa. 

The Beautiful Me Where stories live. Discover now