CHAPTER 3

37 2 0
                                    

Nang wala ng masyadong mga tao ang sumasalabat sa kanyang dadaanan, ay nagpatuloy na siyang maglakad upang sundan ang lalaking umalis na wala mang abiso.

Ngunit anong laking gulat niya sa kanyang nakita, na nagpatigil  sa kanyang paglalakad. Siya ay naka tayong parang isang yelong na nigas dahil sa lamig.

Sa dami ng tao ay walang naka pansin sa mga nangyayari, kundi siya lamang. Kutsilyo naka tarak sa ibabang bahagi ng tiyan ng lalaki, habang bahagyang na huhulog ang dugo niya sa sahig mula sa kanyang sugat.

Ang taong gumawa ng krimen ay balot na balot ng kulay itim na tela, kasama na rin ang mukha nito at mga mata lamang nito ang nakikita.

Ang saralin ay tumakbo ng nakapa bilis hanggang sa wala pa mang sampung segundo ay na wala na ito. Kaya naman hindi na bigyan ng pagkakataon ang babae upang suriin ang taong gumawa ng napaka lubhang krimen.

Ang lalaki ay na hulog sa kanyang mga tuhod, kasabay nito ang paghulog ng mga luha ng babae sa kanyang mga matang nag niningning parang mga perlas sa dagat dahil sa lahat ng kanyang mga na sasaksihan. Ilang segundo lamang ang kinailangan niya upang kumuha ng lakas ng loob upang lumapit sa lalaki.

"Lian! Okay ka lang ba?!" Pa iyak niyang tanong sa lalaki habang hinahawakan ang mukha ng lalaki. Nagsimula na din ang pag pansin ng mga bisita sa kasal sa mga nangyayari.

Hindi naka sagot ang lalaki dahil sa sakit ng pagkakasaksak sakanya. Ang babae naman ay hindi nagdalawang isip na punitin ang kanyang bestidang suot-suot na ikinabigla ng lahat ng mga bisita sa kasal.

Ang pinunit niyang tela ay inilagay niya sa paligid ng kutsilyong naka saksak sa lalaki at naglagay ng presyon sa paligid ng kutsilyo upang hindi ma walan ng dugo sa katawan ang lalaki.

Nang magawa na ng babae ito ay tumingin siya agad sa lalaki, sila ay nagkatitigan ngunit na walan ng malay ang lalaki. Ka agad-agad na inilagay ng babae ang kanyang dalawang daliri sa leeg ng lalaki upang alamin ang pulso niya.

Ang babae ay biglaang na taranta ng maramdaman niyang wala na palang pulso ang lalaki. Agad niyang inalis ang kanyang kamay kung saan na saksak ang lalaki.

Inilagay ng babae ang kamay niya sa itaas ng isa niya pang kamay at pyenesto ang mga kamay niya sa gitna ng dibdib ng lalaki.
Sinimulan na niyang gawin ang mga proseso ng CPR.

Inituwid niya ang kanyang mga kamay at nag simula nang maglagay ng puwersa ang kanyang mga kamay sa dibdib ng lalaki.
Ginawa niya ang pag pwersa ng mga terentang beses.

Pagkatapos ay kinurot ng babae ang ilong ng lalaki at nilagay ang kanyang mga labi ka tapat sa mga labi ng lalaki. Ipinag dikit niya ang mga labi nila ng mabigyan niya ng dalawang hininga ang lalaki at muling nagpatuloy sa pag bigay ng pwersa.

Makalipas ang limang minuto inilagay muli ng babae ang kanyang mga daliri sa leeg ng lalaki upang alamin kung mayroon na bang pulso ito o wala pa rin.

Parang na wala ang lahat ng umiipit sa kanyang puso ng malaman na mayroon ng pulso muli ang lalaki. Ngayon ay ma kakahinga na siya muli ng mabuti. Sumabay na rin ang pagdating ng mga tagapaglistas at sila na ang umasikaso sa lalaki.

Ang babae ay tumabi na upang bigyan ng daan ang mga tagapaglistas at ang lahat ng mga bisita sa kasal ay ka agad-agad na ibinababa ang kanilang mga gadget at pumalakpak sa ginawang paglitas ng babae sa lalaki.

Dumating na din ang mga kaibigan ng babae. Niyakap siya ni Catalina habang si Sara naman ay tinatapik ang kanyang likod upang luwagan ang kanyang na raramdaman.

"Okay ka lang ba, ha? Hindi ka ba na saktan?" Pag aalalang tanong ni Catalina sakanya.

Hindi siya naka sagot sa mga tanong ni Catalina at umiyak lamang sa balikat niya habang sila ay nagyayakapan.

"Why are you crying?" Pa iyak na sabi ni Catalina sakanya na apektado na sa pag iyak ng babae.

"Feel ko-... kasi na ako may kasalan." Putol niyang pagpapaliwag dahil sa kanyang pag iyak. Dahil na raramdaman niya na kung sana ay ka agad na sinundan niya ang lalaki ay hindi sana nangyari ang masamang pangyayari kanina lamang.

"Wala kang kasalanan, okay? Its not your fault." Sinabi ni Sara upang hindi na niya sisihin  sa kanyang sarili ang mga bagay na nangyaring hindi naman niya ginawa.

Dumating na rin ang mga pulis at imbestigador upang mag imbestiga nang madala na sa hospital ang lalaki. Hindi muna rin pina alis ang lahat ng dumalo sa kasal dahil sila ay kailangan sa pag imbestiga.

Ang lahat ay isa isang kina usap ng imbestigador tungkol sa kanilang mga testimonya, hanggang sa dumating na sa panghuling magbibigay ng testimonya nito.

"Anong pangalan mo, Miss?" Tanong ng imbestigador sakanya.

"Jane po." Inosenteng sagot niya sa imbestigador habang pinaglalaroan ang kanyang mga daliri.

"Ah, so ikaw yung nagligtas sa biktima?" Muling tanong ng imbestigador. Bilang sagot ay siya lamang ay tumango.

"May na pansin ka bang taong kahina-hinala?" Tanong ng imbestigador habang hinihintay muli ang kanyang pag sagot ng maisulat na niya ito sa kanyang kuwaderno.

"Kasama ko po kasi yung biktima bago siya sinaksak. Tapos po na pansin ko po na parang may tinitignan po siya, pero hindi ko po siya ka agad na sundan kasi po medyo madami pong mga tao nun." Kwento niya sa imbestigador.

"Nung narating ko na po yung pinuntahan niya, dun ko po nakita yung sumaksak po sakanya. Pero hindi ko po nakita mukha niya kasi balot na balot po siya and yung mata niya lang po nakikita." Ipinagpatuloy niya habang may tumutulo na mga luha sa kanyang mga mata dahil sa pag alala sa mga pangyayari kanina lamang.

"Yun lang po nalalaman ko, sir." Sinabi niya habang pinupunasan ang kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata.

"Salamat, Miss! Pwede ka na umalis." Pagpapasalamat ng imbestigador. Tumango lamang ang babae at umalis na rin.

Pagka alis niya ay hinanap niya ka agad ang kanyang mga kaibigan. Natagpuan niya sila naghihintay sakanya sa labas ng bahay ng mga bagong kasal.

"Kamusta? Okay lang ba yung pag investigate sayo?" Pag aalalang tanong ni Sara sakanya. Tumango lamang siya.

Hindi na sila muling nagtanong pa at pumasok na sa kanilang sasakyan upang umuwi na ng maka pagpahinga na sila sa lahat ng mga nangyari sa araw na ito.

Nang maka alis na sila, biglang mayroong taong balot na balot ang lumabas sa may sulok.

"Magbabayad ka babae sa paglistas sa taong sumira sa plano ko." Nakakatakot na babala ng taong hindi batid ng kung sino man ang pagkakakilanlan niya.

The Love in BarcelonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon