CHAPTER 39

16 2 1
                                    

"I need to head to work na. May flight pa ako pa puntang Dubai. Kaya by tomorrow na ako makaka uwi, but don't worry. Merong taong pumupunta sa apartment ko everyday to clean the house and I have ask her naman na samahan ka niya until tomorrow para hindi ka mag isa. Got to go, bye." Nagmamadaling sabi ni Luna sa babae nang makita niya ito sa may kusina na umi inom ng tubig.

Sa pagmamadali ni Luna ay hindi man lamang na bigyan ng pagkakataon ang babae na maka sagot sa kanyang mga sinabi. Napag desisyonan na lamang ng babae na magluto na lamang ng kanyang pang almusal.

Nang ma tapos na ang babae na maka pag luto ay inilapag na rin niya ito sa may lamesa. Uupo na sana ang babae upang maka kain na siya nang mayroon biglang nagbukas ng pintuan.

"Kayo po ba yung maglilinis?" Tanong ng babae nang makita niya na mayroong medyo matandang babae ang pumasok mula sa may pintuan.

"Opo. Sabi po ni Ma'am Luna na kayo daw po yung kaibigan niya?" Sagot ng matanda sa babae.

"Tuloy po kayo." Naka ngiting sabi ng babae sa matanda nang maka lapit na siya sa matanda.

"Ako po pala si Jane." Masayang sabi ng babae sa matanda.

"Alma po." Naka ngiting sagot ng matanda sa babae at ngumiti lamang ang babae sa matanda.

"Mag almusal muna po kayo." Pagaalok ng babae sa matanda, habang ang kanyang mga kamay ay dumirekta sa mga pagkain na kanyang iniluto na naka lapag sa may lamesa.

"Kumain na po ako. Sige po, magsisimula na po akong maglinis." Sinabi ng matanda at naka ngiting tumango na lamang ang babae sa matanda.

Umupo na ang babae sa may lamesa upang magsimula ng kumain, habang ang matanda naman ay tumungo sa may ikalawang palapag ng bahay upang doon muna magsimula na maglinis.

"Aling Alma, maiwan ko na muna po kayo dito. May pupuntahan lang po ako." Pagpapaalam ng babae sa matanda, hawak ang kanyang bag habang bumababa sa may hagdan nang makita niya ang matanda na naglilinis pa rin.

"Mag iingat po kayo." Sagot naman ng matanda sa babae at ngumiti lamang muli ang babae sa matanda.

Lumabas na rin ang babae sa bahay ni Luna at nagsimula ng maglakad. Napadpad naman siya sa harap ng isang restawran.

Pumasok siya sa loob ng restawran at lumapit ka agad sa una niyang na kita na weyter na nagtratrabaho sa may restawran.

"Pwede pa po ba na mag apply para po sa part time waiter?" Naka ngiting tanong ng babae sa weyter.

"By tomorrow you can start working." Naka ngiting sabi ng isang lalaki na naka suot ng uniporme ng isang punong tagapagluto.

"Maraming salamat po." Pagpapasalamat ng babae sa punong tagapagluto.

Ka agad namang lumabas ang babae sa may restawran at napag desyisyonan ng babae na dahil bukas pa lamang siya magsisimula na magtrabaho sa may restwaran at wala rin namang siya gagawin ay bisitahin na lamang niya ang lalaki sa may ospital.

Hindi tulad ng dati ay ngayon ay hindi na masyadong na aapektuhan ang babae tuwing na kikita niya ang lalaki.

Sa pagkakataon na ito ay na tanggal na ang tubo na naka pasok sa may bunganga ng lalaki, ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring malay ang lalaki at naka hilata pa rin sa may kama na parang mapayapang na tutulog.

"Yesterday I have met Luna. I am so happy na at least meron na akong maka kasama na tumira ngayon since I can't always be by your side kasi hindi pa pwede." Naka ngiting sabi ng babae sa lalaki at uma asa na sana na
ririnig ng lalaki ang kanyang mga sinasabi.

"I also got a job today. Ayaw ko naman kasing maging pa bigat kay Luna at kaya ko pa naman. I'll stop na lang siguro pag medyo malaki na tyan ko." Naka ngiting nagpatuloy ang babae sa pag kwento ng mga na ganap sa kanyang buhay sa lalaki.

"It has been 2 days ever since the acident had happen and hindi ka pa gising. Miss na miss ka na namin ni baby." Pangungulilang sabi ng babae sa lalaki.

Napa hawak ang babae sa kamay ng lalaki at niyuko ang kanyang ulo dahil medyo nagdadamdam na naman siya dahil sa labis na pangungulila sa lalaki.

Ilang minuto lamang ay medyo gumaan na ang paki ramdam ng babae. Kailangan na ring umalis ng babae dahil hindi maaring magtagal ang kung sino man na pumasok sa silid ng lalaki.

Bibitawan na sana ng babae ang kamay ng lalaki nang biglaan niyang na ramdaman na parang hinigpitan ng lalaki ang paghawak niya sa kamay ng babae.

Ka agad na mayroong pinindot ang babae sa may itaas ng kama ng lalaki at ilang segundo lamang ay mayroong mga nars, pati na rin doktor ang pumasok sa may silid.

"Doc, gumalaw yung kamay niya." Sabi ng babae sa doktor, habang ang kanyang ekspresyon na hindi maintindihan.

"Labas na muna po kayo." Sabi ng isang nars at ka agad namang sinunod ng babae ang nars.

Nasa may estado pa siya ng pagkabigla, kaya naman ay hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang maramdaman.

Gumana kaya ang kanyang pagka usap sa lalaki?

Malapit na kayang magising ang lalaki?

Kung ano anong mga tanong ang pumapasok sa kanyang ulo dahil ito ay napaka gandang senyas na maari nang magising ang lalaki.

"Mrs. Zamora?" Tawag ng doktor sa babae.

Ka agad naman lumapit ang babae sa doktor nang lumabas na ito mula sa silid ng lalaki pati na rin ang mga nars at umalis na rin sila, iniwan ang doktor.

"Because of a small brain activity, he was able to move his hand. But we still have to wait until he can finally wake up on his own. Let's hope he will continue to recover fast from the his unconsciousness." Pagpapaalam ng doktor sa babae ang tungkol sa kalagayan ng lalaki.

"Thank you, doc!" Nagpasalamat ang babae sa doktor ka agad rin naman umalis ang doktor.

Tinitigan ng babae ang lalaki sa may salaming bintana, habang naka ngiti.

"Baby, malapit nang ma gising daday mo. Naka ngiting sabi ng babae, habang hinihimas ang kanyang tyan.

The Love in BarcelonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon