CHAPTER 33

9 3 0
                                    

"Here are the keys for the apartment." Mayasang sabi ng medyo matandang babae sa babae at nagbigay ng mga susi.

"Sige po, thank you!" Nagpasalamat ang babae sa matandang babae at umalis na rin ang matandang babae.

Ginamit ng babae ang isa sa mga susi na ibinigay sakanya ng matan, ang babae at binukas ang pintuan sa kanyang harapan. Pumasok na ang babae sa loob dala nag kanyang maleta.

Pagkapasok sa may silid ay bumungad ka agad sa babae ang isang maliit na kusina sa may kanan at sa harapan nito ay isang maliit na lamesa na mayroong dalawang upuan.

Sa tabi naman ng maliit na kusina ay isang pinto para sa banyo. Sa may bandang likuran naman sa may kaliwa ay isa muling pinto kung saan bubungad sa iyo ay isang sopa at sa harapan ng sopa ay isang kama.

Sa tabi ng kama sa may kanan ay isang aparador, habang ang harapan at gilid ng kama ay na papalibutan ng isang malaking salaming pinto para sa balkonahe.

"This would be good for the both of us baby." Naka ngiting sabi ng babae, habang hinihimas ang kanyang tyan.

Nang mapasok na ng babae ang silid ay initabi na niya muna ang kanyang maleta sa may gilid at na pagdesisyonan na buksan muna ang telebisyon sa may harapan ng kama, habang napa upo naman siya sa may kama.

Bumungad sakanya ay isang babaeng nagpapahayag na mayroong taong na wawala at kapag siya ay na hanap ay mayroong pa premyong malaki ang halaga ng pera.

Ililipat na sana ng babae sa ibang palabas ito nang makita niya ang kanyang litrato sa may telebisyon at napa sarkastikong ngiti na lamang siya.

"Sabi ko sayo wag mo ko hanapin eh." Medyo iyak na sabi ng babae, habang tinititigan ang telebisyon.

Pinatay na lamang ng babae ang telebisyon. Nagpakalayo siya upang kalimutan na muna ang mga ma sasakit na alala at dahil sa kanyang na pa nood sa may telebisyon ay mas lalo lamang sumasakit ang kanyang pakiramdam.

Napa higa na lamang ang babae sa may kama at hindi na namalayan na naka tulog na pala siya, dahil na rin hanggang ngayon ay hindi pa rin siya natutulog.

▪︎▪︎▪︎

"Napa kalat ko na every where that we are finding her." Sinabi ni Liam kay Lian.

"You should at least get some rest." Alalang sabi ni Liam kay Lian na ngayon ay mukhang wala pang pahinga hanggang ngayon.

"Don't worry about me. I have to go, may meeting pa ako." Matamlay na sabi ni Lian kay Liam at lumabas na ng kanyang opisina. Napa butong hininga na lamang si Liam sa ikinilos ni Lian.

"Bat ka kasi biglang umalis na lang, Jane. If you can just see how he worries about you more than his self, babalik ka kaya?" Malungkot na sabi ni Liam na tila mayroong kinakausap kahit wala naman talagang taong na tira sa may opisina kundi siya.

Lumipas ang isang linggo na ang babae ay tumitira na mag isa. Ni kahit kanino ay walang siya pinag sabi kung na saan man siya. Ni sino man ay kanyang kinausap. Tuwing lumalabas siya ay kung ano-ano ang kanyang sinusuot upang hindi lamang makita ang kanyang mukha.

Habang ang lalaki naman ay walang ginawa kundi ay ang gawin ang lahat upang mahanap niya kung na saan man ang babae, ngunit hindi niya masyadong maibigay ang lahat dahil patong-patong ang kanyang trabaho.

Kaya naman umuuwi siya na parating pagod na pagod. Kahit na mayroong mga pagkakataon na tila ay wala siya sa kanyang sarili ay na ibinibigay niya pa rin ang kanyang makakaya upang hindi nito maipektuhan ang kanyang trabaho.

"Come in." Walang ekspresyong sinabi ng lalaki nang mayroon siyang narinig na kumatok sa pintuan ng kanyang opisina.

Hindi ka agad na kita ng lalaki ang kung sino man ang pumasok dala ng mayroon siyang ginagawa sa kanyang kompyuter. Dahil sa kanyang ginagawa ay hindi na niya na pansin na mayroon na palang tao sa kanyang likuran.

Nang mayroong yumakap mula sa kanyang likuran ay doon lamang niya hiniwalay ang kanyang pansin mula sa kanyang kompyuter. Tinanggal ng lalaki ang mga braso na naka pulupot sa kanyang leeg at medyo malakas na itinapon ito sa ere.

"What do you think you are just doing right now, Jarinna!?" Medyo galit na tanong ng lalaki kay Jarinna nang maka tayo na siya at maka harap na niya si Jarinna.

"Hindi ba pwede na ako naman ang mahalin mo!?" Pa sigaw na tanong ni Jarinna sa lalaki.

"You know very well that I am married." Seryosong sabi ng lalaki kay Jarinna.

"There you are again with the marriage. You don't have to keep repeating it to me, because I know it very well from the start. Akala ko after I posted that video, you will finally reveal to the whole world that it was just a fake marriage. Akala ko ba mahal ka niya, pero na saan na siya ngayon? Even you yourself do not even know where your wife is." Sagot ni Jarinna sa sinabi ng lalaki.

"So ikaw pala yung taong yun?" Walang kahit anong gulat ang ipinakita ng lalaki sa kanyang mukha kahit na nalaman na niya ang taong muntik nang sumira sa kanilang buhay.

"Well, I guess I have to congratulate you for doing almost a great job in ruining ours lives." Sarkastikong sabi ng lalaki at napa palakpak pa nga ito.

"I guess I have to keep repeating myself to you para talagang pumasok na yan sa utak mo. You can keep ruining us, but in the end of the day, you are the one that will lose here." Seryosong sabi ng lalaki kay Jarinna.

"Kahit na she is not physically here, kaya mo na akong agawin!? Do you even know what's the true meaning of love!? Please, bigyan mo naman ng respeto yang sarili mo." Seryoso pa ring sabi ng lalaki kay Jarinna.

Kinuha na ng lalaki ang kanyang kompyuter at lumabas ng opisina niya. Napa upo naman si Jarinna sa may sahig, habang lumalabas na ang mga luha na kanina niya pa pinipigilan na lumabas.

Ganoon na kaya kababa ang kailangan nating ilagay ang ating mga sarili upang makuha natin ang ating nais?

The Love in BarcelonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon