10- Sick-Pain-Feelings

70 5 1
                                    

LIZA'S POV..


Nagising ako na katabi mga anak ko. Chineck ko sila isa isa, tulog pa naman.

"Ma'am!??" saad ni manang. "Madam Louise!??" Dagdag pa nya.

"Ano ba yun manang, natutulog pa mga anak ko, lower your voice naman." Sabi ko naman. Habang naka kunot pa noo ko at nag rerecognize ng paningin ko.

"Si sir Bonget po naka handusay sa labas sabi ng mga bantay." Sabi ulit ni manang. Ikinagulat ko naman, na nagpamulat sa mga mata ko , at halo halong emosyon yung bumalot sa akin.

"Ano?!! Kelan pa? Nasan sya?" Sabi ko naman, hindi ko alam kung magagalit ba ako or maaawa sa katarantaduhan nya na talagang pinanindigan nya na di sya umalis sa harapan ng bahay namin. "Ano manang saan?" I said again. 

But she looks worried about him. "Ano nga manang?" Tanong ko ulit, kasi parang nag freeze sya ng ilang segundo.

"Madam, inaapoy po ng lagnat si sir Bonget , nandun sya sa guest room, pina dala ni sir Manolet." Saad nito. 

'Nahihibang ka na ba Bonget? Ano na naman ba ito?'  I said in my thoughts

"Ano? Bakit daw ba kasi nasa labas sya ng bahay? at ano ba talaga ang nangyari sa kanya?" Tanong ko kunwari. Pero yung pag aalala, ay hindi mawala wala sa akin. 

"Madam, ang sabi po ng ibang kabayan natin na kapitbahay natin, may kasama syang lalaki na pumunta, I mean bumalik kagabi, tapos yung lalaking kasama nya eh, pina alis nya. Tapos ngayon kina umagahan ay, nadatnan ng mga bantay na walang malay si sir at inaapoy ng lagnat."

'Bonget talaga bang lalo mo akong pinapahirapan? Ang sakit mo na, ang sakit sakit. Yung pain tumatagos sa natitira kong feelings sa'yo, pero yung feelings ko para sa iyo ay lumalaban pa rin. Kasi alam ko na mahal mo ako, at alam mo na mahal din kita. Kaya Hon/Love/Mahal ko/Pangga wag mo naman na ako pahirapan, para sa mga bata at sa pamilyang bubuoin pa natin. Kung darating man yung panahon na iyon.'  

"Ganun sige , paki bantayan muna mga bata , ako na bahala sa kanya." I commanded her.

"Sige po madam." She said. " Tapos po madam, walang ibang bukang bibig si sir kundi ikaw at mga bata. Binabanggit ka nya. Tapos di ko gets, wag mo daw ipagkakait sa kanya yung mga anak nyo." She added.

"Nako manang normal na sa kanya yun kasi tinuring nyang mga anak yung mga bata, hayaan mo na mga pinagsasabi nun. Wala lang sa wisyo yun." Pero napaisip ako bakit mga anak nya? Ang weird.

"Sige po madam, ako na po bahala sa kanila."Sabi na lang nya, at tumabi sa mga anak ko.

Lumabas agad ako ng kwarto at nag tungo sa guest room. Nasa may pinto pa lang ako, rinig ko na ang tinig nya.

"Liza? Honey, I'm so sorry . Mahal na mahal kita, patawarin mo ako." Di ko na lang muna pinapansin yung sinabi nya. 

'Oo Bong mahal din kita, higit pa sa sapat.'  Pumasok na ako sa guest room, nagtungo muna ako sa rest room para kumuha ng plangganita. Tapos nag punta sa pantry para kunin yung electric kettle, para makapag pakulo ng tubig at ibuhos sa kanya dahil sa katarantaduhan nya. Emz, para mapunasan sya jusko kayo ha. Hindi ako criminal no, ano lang sadista lang emz. Kumuha din ako ng maliit ng towel , pati na rin extrang T-shirt,at shorts , hindi pa gamit yan. Lumapit na ako sa kanya para mapunasan na sya.

"Bong? umayos ka muna ng higa, pupunsan kita tapos, iche-check ko temperature mo. Para maka kain ka at maka inom ng gamot." Sabi ko naman.

"Hmm? Ayoko , kung hindi ka si Liza lumabas ka." He said.  Tumayo muna ako para icheck pinapakulo ko, and para kumuha ng mangkok , plato at kutsara. Pati na rin oatmeal, para may laman yung tiyan ni Bongbong. Lumabas na ako ng pantry , nakita ko naman na nag vomit si Bonget.

STRANGERS TO LOVERSWhere stories live. Discover now