ALA-ALA

13 1 0
                                    

Pagkauwi galing probinsya, pandalas na tumakbo si Airen patungo sa bahay ng kaniyang kaibigan na si Dominic Mula sa malayo ay natatanaw na niya ang mukha nitong nababalot na ng kalungkutan.

"Niccc! Hello! I miss Youuu!" Sigaw ni Airen. Agad namang napalitan ng ngiti ang mukha ni Dominic nang makita na niya si Airen.

"Bakit ang tagal mo?" sabay nguso, halata sa kaniya ang lungkot dahil sa labis na pangungulila kay Airen.

"Ano ka ba, syempre ang layo kaya doon at saka ang mahalaga, narito na ako kaya smile na ulit." sabay pisil sa pisngi ni Dominic. Sinunod naman ito ni Dominic at ngumiti.

"Marami akong pasalubong, nasa bahay. Ano tara!" umakbay si Airen kay Dominic. "Arayy!" pagdaing ni Dominic. At makikita sa kaniyang balikat ang latay.

"Hala! B-bakit? Anong nangyari diyan Nic? Ang damiii." Pag-aalalang tanong ni Airen.

"Dominic!" Sabay na lumingon ang dalawa sa pinanggalingan ng sigaw na iyon, ito ay mula sa Tatay ni Dominic. Halata sa mukha ng dalawa ang takot dahil may dala itong pamalo.

"Sige na Reren umuwi ka na." Pagtataboy nito kay Airen.

"P-pero sasaktan ka nanaman niya, magsumbong na kasi tayo Nic." sabay hawak sa kamay ni Dominic na parang gusto niyang hilahin ito.

"Hindi na kailangan Reren, kaya ko 'to." Lumapit si Dominic sa kaniyang Tatay habang nakangiti ngunit nanginginig ang mga kamay.

Kahit anong pagtatago gamit ang mga ngiting iyon ay makikita mo pa rin sa kaniya ang takot. Si Airen naman, kahit ayaw pang umalis ay wala namang magawa kundi umuwi at lakasan lamang ang loob para sa kaniyang kaibigan.

Airen's POV

Ayon na lamang ang pinaka huli kong natatandaan matapos ang mga insidenteng naging sanhi ng paghihiwalay namin ni Dominic Matapos ang araw na iyon ay hindi ko na muling nakita si Dominic. Ang tanging hawak ko na lamang hanggang ngayon ay ang mga sulat kamay niyang magkakatulad lamang ng nilalaman.

Huwag kang mawawala Reren. Ikaw lang ang nag-iisa kong kakampi. Ang mga sulat na mula kay Dominic.

"Naks, uso pa pala love letter ngayon ano?" Sambit ng isa sa mga katrabaho ko. Nakita niya kasi ito na aking binabasa.

Napaka chismosa talaga ng mga tao ngayon. Ni hindi na gaanong nirerespeto ang pribadong buhay ng iba.

Pagka-out sa trabaho ay agad akong umalis para magliwaliw.

"Ano ba! Tumingin ka naman kasi sa dinaraanan mo. Laki-laki ng daan oh!" Sigaw ko matapos mapalupagi sa lapag dahil sa pagkakabunggo ng isang lalaki sa akin.

"Sorry Miss"

"Are you okay?" Sabay in-offer ang kamay para alalayan ako sa pagtayo.

Bumilis ang tibok ng aking puso nang marinig ko ang kaniyang boses. Tila ba magkakonekta kami at napakatagal ko na siyang kilala.

"Salamat-

"Ano may balita na ba sa ipinahahanap ko sa iyo?" tanong niya sa kausap niya sa cellphone.

"Excuse me." Pagsingit ko. Ramdam ko talagang may kakaiba sa kaniya na hindi ko maipaliwanag.

"Yes? May kailangan ka pa ba Miss?"

"Ahmm-

"If wala, mauuna na ako." Nagsimula na siyang maglakad.

Hindi pa man siya nakaaalis ng napaka layo ay napasigaw na ako.

"Niccc!" Damang-dama ko ang napakabilis na tibok ng puso ko sa mga oras na ito. Lalo pang naglulundag ang puso ko nang lumingon siya.

PARALELOWhere stories live. Discover now