MULI

6 0 0
                                    

"Ang nasa harap mo ay si Dominic, hindi ba?" Tanong ni Tito sa akin.

"O-opo." tugon ko.

"Huwag mo akong hawakan! Airen umalis ka na!" Patuloy pa rin siyang nagpupumiglas sa pagkakagapos sa kaniya.

May inilabas si tito na isang pangturok at naging dahilan ng unti-unting pagkawala ng malay ni Dominic. Nagulat man ako ay patuloy pa ring naglalaro sa aking isipan ang bawat kaganapan.

Muling nagkamalay si Dominic, ay hindi. Tama bang tawaging Dominic ang taong ngayo'y iba naman ang awra, hindi gaya kanina? Sino ka na nga ba ngayon?

"It's you. Ako naman talaga ang nauna sa amin ni Dominic. Dapat matagal ko na siyang dinispatsya." Habang sinasabi niya ang mga ito ay pinakakawalan na siya ni Tito Edwin. Bakit? Tama bang hindi siya si Dominic?

Napaatras ako dahil sa ngayon ay hindi ko na kinakaya ang takot na nararamdaman.

"L-lumayo ka!" Tumakbo ako dahil alam kong may hindi magandang mangyayari.

Patuloy lamang ako sa pagtakbo. Ngunit bangin na ngayon ang humaharang sa akin.

"Huwag mo na kasing pagurin ang sarili mo Airen, ayaw mo ba sa akin?"

"Sabagay noon palang palagi nalang Dominic ang naririnig ko."

"Nic" Patuloy siyang lumalapit sa akin.

"Nic, Nic, Niccc! Parati nalang Nic! Duke ang pangalan ko hindi Dominic!"

"Ako naman talaga ang nauna Airen, mas malakas ako kaysa kaniya. Bakit ayaw mo sa akin?"

"Bakit hindi nalang kasi ako?"

Hindi ko na mapigilan ang nangyayari. Ngayon ay mas lumalapit pa siya sa akin.

"Sige subukan mo!, Subukan mong lumapit. Tatalon ako! Oo tatalon ako Duke."

Hindi ko man gustong tumalon ngunit nanlalaban ang nasa utak ko. Kung tatalon ako, matitigil na nga ba ang ganito?

"Huwag Reren! Huwag mo akong iiwan." Nagbago ang tono ng kaniyang boses.

"Nicc?"

"N-nic ikaw ba yan?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak sa bawat kaganapan. Hindi ko alam kung mniniwala ba ako sa nasa harap ko.

"Halika na." Iniabot nito ang kaniyang kamay.

"Ikaw na ba talaga yan Nic?" Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

Marahil mas mabuting...

"Rerennnn!!" Rinig ko pa ang pagsigaw ngunit hindi ko na alam sino sa kanilang dalawa.

Dominic's POV

Nan'lumo ako sa nangyari. Hindi ko man lang siya nailigtas. Napakawalang kwenta ko.

"P-papa!"

Nagulat ako nang itulak ako ng aking tatay. Ni hindi ko man lang naramdaman ang kaniyang presensya.

Wala, wala na tapos na ang paghihirap.

"Talaga bang aalis na kayo? Puwede bang sumama nalang ako?"

"Babalik naman ako huwag kang mag-alala Nic."

"Hindi naman ako mawawala. Kapag mangyari man yun, hahanapin mo ako ha?"

"Oo pangako, hahanapin kita. Kahit pa nga sa kabilang-buhay pa yan e."

"Loko ka, mabubuhay tayo na magkasama. Matagal yon. Matagal tayong magsasama. Pangako?"

"Pangako."

PARALELOWhere stories live. Discover now