SA WAKAS

7 0 0
                                    

"Reren?"

Nangilid ang aking mga luha nang marinig mula sa kaniya yon.

"Tama, Reren. Hindi ba?" Tanong nito ngunit wala akong imik. Tumango lamang ako bilang tugon sa kaniya. Tumaas ang tensyon at sa pagkakataong iyon ay hindi ko na napigilan ang aking sarili na tumakbo at yakapin siya.

"I-ikaw nga Dominic." Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Ni hindi mo makikitaan ng kahit anong emosyon ang kaniyang mukha. Bumitaw ako sa pagkakayakap at tumingin sa kaniya ng may pagtataka.

"Hindi ka ba masaya na nakita mo na ako ulit?"

"Of course, Masaya ako kasi finally after how many years." Sabi niya sabay ngumiti ngunit ramdam ko ang malamig na pakikitungo niya sa akin.

"Sorry ang cold ko ba? I'm just tired."

"How are you? I miss you so much."

"Saan ka tumutuloy ngayon? Your Mom?"

Napakarami niyang tanong, halatang ang dami naming mapagkukuwentuhan.

"Hey, I'm asking you. Nanahimik ka ata, may nasabi ba akong mali?" Nakakunot na ang kaniyang noo, ang cute niya pa rin until now.

"Ahm...w-wala na si Mommy. Last year pa, Cancer."

Pinipilit kong hindi umiyak kapag siya na ang napag-uusapan dahil nangako ako kay Mommy na magiging strong ako.

"Oh, I'm sorry to hear that." sabay hawak sa aking kamay.

"It's okay ma-

*kring kring*

Naputol na ang aking sasabihin dahil may tumawag sa kaniya.

"Sorry. I need to go, see you around!" Nagmadali na itong tumakbo at tuluyan nang nakalayo.

Napakarami kong mga katanungan na hanggang ngayon ay gusto kong mabigyan ng kasagutan. Hindi ko man lang naitanong kung saan ko siya pwedeng makita.

Lumipas ang ilang araw, hanggang ngayon ay nagbabakasakali pa rin si Airen na makikita niyang muli si Dominic.

...
"Sa wakas Dad, sa wakas I found her." Sabay ngumisi.

"Sa wakas solong-solo ko na siya." Sabay tayo habang hawak ang isang litrato at makikita roon ang isang batang babae at lalaki.

"Gusto kong makasama si Reren." Nagulat si Dominic sa kaniyang narinig. Ngayon na lamang niya narinig ang tinig na iyon.

Papikit-pikit siya at makikita kung paanong nahimatay at natumba sa kinatatayuan. Agad naman siyang tinulungan ng kaniyang Daddy.







PARALELOМесто, где живут истории. Откройте их для себя