Chapter 23

186 11 0
                                    

TAEYEON'S POV

Lunch break na. Pero malungkot absent na naman kase si Tiffany e. Simula nung birthday niya di pa siya napasok. Ano kayang nangyari dun? Hay. Mapuntahan na lang siya mamaya sa bahay nila.

Mag-isa akong pumunta ng cafeteria. Busy ata kase si Chanyeol e. Kaya iniwan ko na lang. Ayoko naman sumama kay Baekhyun -.-

"AY KAPRE!" napatalon ako sa gulat ng may tumapik sa balikat ko.

"Sa gwapo kong toh? Kapre?"

"Kapre ka naman talaga e! Tsaka wag ka ngang manggulat" baka nga kung may sakit ako sa puso inatake na ako e XD

"Di kita ginulat. Sadyang malalim lang talaga ang iniisip mo" sabi ni Chanyeol at inakbayan ko.

Ako na ang kinikilig >..

"Bakit nga pala, magisa ka pumunta dito? Di mo kami hinintay" sabe niya at umupo narin kami.

"Eh busy ka e. Tsaka absent din naman si Tiffany kaya ako nalang muna magisa pumunta dito"

"Andun naman si Baekhyun ah?" psh! Di kami magkasundo nun e. I mean, ewan ko. Depende sa mood nun

"Ayoko nga!"

Nabigla ako ng nilapit niya yung mukha niya sakin. O____O

"Hmmm, gusto mo kong solohin noh?" gulp. Ano ba chanyeol. Lumayo ka ngaaaaaaa

Atsaka, anu daw? Solohin siya? Hindi aaaaaaah

"H-hindi ah" sabay tingin ko sa gilid.

Mas lalo niyang nilapit ang mukha niya sakin. Shemay!

"Weh?" sabay ngiti niya na nakakaloko.

Magsasalita na sana ako nang..

"YEOL!"

Lumayo na siya sakin at lumingon kung sino ang tumawag sakanya.

Phew! Sobrang pula ata ng mukha ko ngayon

"Ikaw lang pala Baek. Istorbo ka ah" sabi ni chanyeol.

Tiningnan ko naman si Baekhyun na umupo sa tabi ni Chanyeol, bale parang katapat ko narin siya.

"Bakit? Ano bang ginagawa niyo?" sabay tingin niya din sakin habang nakataas ang kilay niya.

Sunget talaga. Amph!

"Hahaha wala. Ako na bibili ng food. Maiwan ko muna kayo"

Okay. Naiwan kaming dalawa ni Baekhyun.

Kinuha ko nalang ang phone ko at nangalikot. Nakikita ko naman sa peripheral vision ko na nakakunot ang noo ni Baekhyun habang nakatingin sakin.

Problema nito?

Hinayaan ko nalang siya at nagpatuloy sa paglalaro sa phone ko.

"I don't want to see it again"

Huh? Tiningnan ko siya. Nakatitig lang siya sakin.

"A-ang alin?" nauutal kong sabi.

"Yung magkalapit yung mukha niyo ni Chanyeol" diretso niyang sabi

Nabigla naman ako sa sinabi niya. Bakit naman ganun makareact si Baekhyun?

Magsasalita na sana ako nang nakabalik na si Chanyeol

"Eto na yung food, guys!"

Seriously, di ko lagi natatapos yung sasabihin ko. Bigla biglang may susulpot o dadating!

Pero nakakapagtaka lang kung bakit ganun makareact si Baekhyun.

"Taeyeon?"

"H-huh?"

"Tulala ka na diyan" nginitian ko nalang si Chanyeol ng weird smile

"May iniisip lang"

"Siguro ako iniisip mo noh?" asar ni Chanyeol sakin.

Ahm ano sasabihin ko? Actually, si Baekhyun nga e.

"Psh! Let's eat Yeol" ani Baek. At umupo na din si Chanyeol at nagsimula ng kumain.

-----

Nung nagsimula na ulit yung klase, lumilipad parin ang utak ko.

Ang weird ni Baekhyun. Tsaka si Chanyeol din. Kung anu-ano pinagsasabi nila >.

"Class dismissed" nagsitayuan na kami at nagligpit na ng gamit.

Naglakad nako sa hallway nang biglang may umakbay sakin.

"Luhan! Ano ba yan, nakakagulat ka naman! Bakit ba bigla-bigla nalang kayong susulpot? Mga kabute ata kayo e" srsly, nagulat ako dun XD

"Hmm, sino yung 'kayo' na biglang sumusulpot sayo?" sabay ngiti niya nang nakakaloko.

"B-basta!" lalo siyang ngumisi

"Weh? Sino nga?" bakit ba mapilit toh?

"Wala! Ewan!" juiceko! Ang w-weird nila!

"Bakit ayaw mong sabihin kung sino?" ghaaaad! Daming tanong >.

"Basta nga!" binilisan ko maglakad at iniwan siya para naman tantanan nako sa kakatanong.

"Hahahaha! Uy! Joke lang!" hinabol naman niya ako.

Di ko siya pinansin. Habang siya tawa nang tawa. Nababaliw na ata si Luhan. Ano kayang nakakatawa?

"Yeon, hatid na kita" buti naman tumigil na siya sa kakatawa.

"Wag na, pupunta pa ako sa bahay nila Tiffany e"

"Talaga?? Hatid na kita dun!" nakita ko namang may sparks sa mata niya.

Hahaha. Baliw na baliw toh kay Tiffany ah :3

"Ayoko nga! Umuwi kana" bahala siya diyan. Tinatawanan niya ako kanina ah :3

"Sige naaaaa. Hatid na kita. Pleaseeee?" nag puppy eyes siya. Para talagang babae toh oh -.-

"Sig-----"

"Huwag mo na siyang pilitin kung ayaw niya"

Sabay kaming lumingon ni Luhan kung sino ang nagsalita.

Ghad!

Si Baekhyun

---
Ngayon lang ulet nakapagupdate. Babawi nalang talaga ako. XD

VOTE AND COMMENT PLEASE.

Is He The One? [BaekYeon FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon