Chapter 34

144 10 1
                                    

I'm thinking kung anong ireregalo ko kay Baekhyun. Pero wala akong maisip kung ano!

Bumaba ako sa sala at andun si Kuya Kris nanunuod ng tv.

"Kuya..." tumabi ako sakanya.

"What?" sabi niya habang nakatingin padin sa tv.

"Anong pwedeng ibigay na gift sa lalaki?"

This time, tiningnan na niya ako.

"Pwede ring pabango, relo o kaya damit. Kung ako naman lang naman ang reregaluhan mo, yung boxer nalang na Spongebob" anudaw? HAHAHAHAHA

"Pft! Di naman ikaw ang reregaluhan ko e. Boxer na spongebob ka diyan. Hahahahaha" tawa ako ng tawa.

"Ahh. Akala ko ako ang reregaluhan mo" nagpout naman si Kuya.

"Wag ka ngang magpout Kuya! Hindi bagay sayo" sabay tawa ko ulit.

Napatigil ako sa pagtawa nang kumunot ang noo niya.

"Teka, kung hindi ako ang reregaluhan mo. Sino naman iyon?"

"H-he's one of my friends!"

"Weh? Baka may boyfriend kana Taeyeon ah. Dadaan muna siya sakin" aww. Ang sweet ni Kuya. Pero wala akong Boyfie.

"Ang exagerated mo magisip Kuya Kris. Friend ko nga lang yun"

"Okay. If you say so." napabuntong hininga ako.

-----


Andito ako sa Mall naghahanap ng pwedeng i-gift. At bumili nang black dress. Bukas na kasi yung party. At siya mismo ang naginvite sakin. Ang weird niya nga e.

FLASHBACK

Palabas nako ng school. Di ko kasabay si Tiffany kasi naman marami pa siyang ginagawa. So, nauna ako. Naglakad na ako sa daan, may naramdaman naman akong parang nasunod sakin.

Kahit na medyo maliwanag pa. Nakakatakot din. Wala nang pinipiling oras ang mga holdapers ngayon.

Napahinto ako sa paglakad at huminto din yung nasa likod. Ayaw ko nang maulit yung nangyari sakin datiiiii T____T

Unti unti akong lumingon.. napahinga ako nang maluwag, nang makita kung sino iyon.

"Baekhyun! Ikaw lang pala! Akala ko kung sino.." he just chuckled.

"Oh bat ka natatawa diyan?" kinunotan ko siya ng noo.

"Nothing. Natatawa lang ako sa itsura mo kanina" i glared at him.

"Tse! Inaasar mo na naman ako"

"Nakakatuwa ka lang asarin. Hahahaha" inirapan ko lang siya.

Sumakay na kami at pagbaba lakad na naman. Nakasunod lang siya sakin habang naglalakad.

"Do you want some Icecream?" pumintig ang tainga ko sa narinig ko XD My favoriteeee

"Oo naman. Basta libre!" biro ko. Pero totoo din yun. Hahahahaha diba?

Tumawa lang siya at bumili nang dalawang icecream.

"Thanks.." nginitian naman niya ako.

We started to walk again.

"Nga pala..." nilingon ko siya.

"Hmm?"

"I-i just want you to invite on my b-birthday on Saturday which is on next next day."

"S-sure!" nahihiya kong sabi.

"And it's casual. So, wear some b-black dress" sabi niya nang di natingin sakin.

Kailangan talaga black?

"O-okay"

Di ko na naman namalayan na nasa tapat na kami ng gate namin.

"Basta ah. Wag kang mawawala dun! Bye!" sabi niya.

"B-bye!" ang weird na niya talaga.

'O baka hindi lang ako sanay?

END OF FLASHBACK

So ayun nga. One dress caught my attention. Pumasok ako sa loob at nilapitan iyon.

"Woooow!" i whispers. Simple lang pero ang ganda! Sana afford ko kung magkano.

"Uhm, miss. Magkano 'toh?" nung sinabi niya. Natuwa naman ako.

Sinukat ko muna siya. Well, di ko muna ibibigay ang details sainyo. Hahahahaha.

Binayaran ko na yung dress. Buti nalang nakapili na ko. Yung gift nalang talaga!


After 3585372691340 years! Nakauwi na din. Sa wakas! May gift na din ako. Huhuhu. Sana magustuhan niya 'toh.

To be continued...

Is He The One? [BaekYeon FF]Where stories live. Discover now