Chapter 47

171 6 16
                                    

TAEYEON'S POV

Pumunta na kami sa cafeteria. At andun na si Baekhyun at Chanyeol.

Umupo na kami sa harap nila. Tiningnan ko si Chanyeol

"Chanyeol, ngayon nalang ulit kita nakita ah?" i said.

"Tinamad lang ako pumasok" sabi niya nang hindi tumitingin sakin.

Tumango lang ako. Niyaya ako ni Baekhyun bumili ng pagkain kaya sumama na ako xD


TIFFANY'S POV

Kasama ko si Yuri ngayon sa kwarto ni Taeyeon.

"Kelan mo na sasabihin sakanya?" tanong niya.

"D-di ko alam"

"Try to tell him na kasi!" nagbuntong-hininga ako.

"Bahala na"

--
Papunta ako sa field para magbasa ng libro. At para hintayin si Taeyeon.

Sa isang bleachers nakita kong andun si Chanyeol kaya nilapitan ko siya. Umupo ako sa tabi niya.

"Are you okay?" i asked.

"Yes" sabi niya at tumango

"I don't think you're okay"

Nagbuntong-hininga siya

Ang lungkot ng mukha niya. Pero ang gwapo niya padin. Okay, lumalandi na naman ako xD

"Di ko manlang nasabi sakanya" bulong niya

"A-ang alin?" tumingin siya sakin.

"Na gusto ko siya" teka? sino?

"I liked Taeyeon. No.. mahal ko na nga yata siya e"

Para akong gumuho nang banggitin niya ang pangalan ng bestfriend ko.

"P-pero.. may Baekhyun na siya.."

"Yun na nga e!" yumuko siya.

"Kung bakit kasi di ko inamin agad sakanya" hinaplos ko ang likod niya.

Masakit din dahil di ko rin agad inamin sayo na.. gusto kita

"M-marami pa namang.. iba diyan eh.." alam mo yung feeling na gusto mong umiyak? Pero pinipigilan mo lang.

"Wala e. Sa dami nang kaagaw ko sa isang babae, kaibigan ko pa"

Ako din naman eh.

"Kaya ka pala nawala nung isang gabi" sabi ko.

"Oo, dahil alam ko na ang mangyayari.. umalis na ako dun"

Ang sakit kaya pala..

"Minsan na nga lang akong mainlove... naunahan pa ako"

Nakita ko sa mukha niya na parang paluha na siya.

Gusto niya talaga ang bestfriend ko.

Napatingin sakin si Chanyeol.

"Tiffany, bakit ka umiiyak?"

Di ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko..

Pinunasan ko ito agad, but i know its too late.

Bumakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"Umiiyak ka.. what's wrong?" pagaalala niya.

"Ah? W-wala. Ano, aalis na ako ah?" tumayo na ako agad.

At tumakbo papalayo at dun tuluyang bumuhos ang luha ko.

Ang blurry na ng paningin ko. At nagulat ako sa kung sinong nabangga ko.

"L-lulu!"

To be continued...

---
Andrama. Hahahaha xD

Ano say niyo sa chapter na toh? xD

Vote and comment please~ :)

Is He The One? [BaekYeon FF]Where stories live. Discover now