Prologue

31 2 0
                                    


I thought our family was perfect. Masaya kami dati, e. Akala ko kami na ang pinakamasayang pamilya sa buong mundo. Pero lahat ng iyon naglaho ng namatay si mama. Simula no’n, hindi ko na maintindihan ang buhay ko. Magulo. Sobrang gulo.

Mom died and the worst part is dad left me. Isang araw umalis siya ng bahay at dalawang taon na ang nakalipas pero ni anino niya ay hindi na nagpakita. My life seems to have lost its direction. Siguro matagal ko na itong tinapos kung hindi lang dahil sa lola kong tumatayo bilang ina at ama ko. Siya ay rason kung bakit sinisubukan ko pang ipagpatuloy ‘tong buhay kong wala ng saysay.

Rinig ko pa sa mga kapitbahay namin na nasali raw ang ama ko sa isang grupo ng mga lalaki. Hindi lang normal na grupo ‘yon, isang malaking grupo na kung saan kaya nilang patumbahin ang lahat na babangga sa kanila. Sabi pa nila na baka raw ay pinatay na rin nila si papa. Hindi ko alam kung maniniwala ba ‘ko. Simula noong iniwan niya ‘ko parang naging patay na rin naman na siya tulad ni mama.

“Table 3. Salamat.”

Nagising ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses na ‘yon.  I took the tray that was placed in front of me and immediately went to table 3. Nilapag ko iyon sa table bago tipid na ngumiti sa costumer. Bumalik din ka agad ako sa counter para kunin ang isa pang order at nilapag sa kabilang table naman.

Isa akong waitress sa mamahaling restaurant dito sa lugar namin. Hindi ako nakapagtapos ng pag aaral kaya nagtrabaho na lang ako para pangdagdag sa gastusin namin sa bahay ni lola. Babalik naman ako sa pag-aaral pero tyaka na siguro pag malaki na ipon ko at kaya ko na ang mga gastusin sa school.

“Aelyh, sabay ka ba sa’kin?”

Linigon ko si Ceilo sa likod ko na nakapag-ayos na at suot pa ang isang strap ng bag niya. Naka angat pa ang isang kamay nitong naka approve at nakaturo sa labas. He was just staring at me habang hinihintay ang sagot ko.

Umiling ako. “Mauna ka na, Ceil. May dadaanan pa ‘ko, e.” sabi ko at inayos na ulit ang bag ko.

“Sure ka? Delikado pa naman. Samahan na lang kita.”

Sinuot ko ang bag ko. “Salamat Ceilo pero kaya ko naman. Ingat ka.” I smiled at him but he pouted.

Nauna na ‘kong lumabas at nagpaalam pa ito at kumaway bago naglakad sa ibang direksyon, papunta iyon sa parking lot. He’s Ceilo, mabait iyon at may itsura rin. Halos lahat nga siguro ng mga waitress at costumer na babae ay napapahanga sa mukha no’n. Waiter din siya ro’n but he is the son of the owner of that restaurant. Hindi ko nga rin alam kung bakit nagtratrabaho siya roon. Siguro kasi trip niya lang? Ewan. Hindi naman ako interesadong alamin.

Matiwasay akong naglalakad sa tahimik na lugar. Tanging bilog na buwan at ilaw sa mga poste na lamang ang nagsisilbing liwanag sa daan. I lied. Wala naman talaga akong dadaanan, gusto ko lang mapag-isa. Nahihiya rin ako sumabay kay Ceilo, gasto rin iyon sa gas kung sasabay pa ako.

“Ms. Aelyh Venycie Fuentes.”

I stunned. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Isang hindi pamilyar na boses ang tumawag sa buo kong pangalan. I see his reflection in his shadow in front of me.

“S-sino ka?” Sinubukan kong kalmahan ang boses ko pero bakas pa rin do’n ang kaba. Hindi ako tumalikod.

“Our boss wants to see you.” Boss? Sinong boss? Wala akong maalala na may nabangga akong isang tao. “Can you come with us?”

Nanginginig ang tuhod ko at tila ba napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw. Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong pero hindi ko magawa. What is happening to me?

Dahan-dahan akong humakbang bago kumaripas ng takbo. I looked behind me while running and I saw the man, he was just standing there and he was wearing a mask. Hindi man lang umalis sa pwesto niya.

“Shit-”

Napaupo ako sa daan ng mabunggo ako. Napahawak ako sa ulo ko bago umangat ang tingin ko. Nanlamig ako ng makakita pa ng isang lalaking naka mask din katulad sa lalaki. Narinig ko ang yapak ng lalaking nasa likod ko.

Anong gagawin ko?

Tiningnan ko silang dalawa. Nakatayo lang ang mga ito habang nakatingin sa akin. Halos marinig ko na ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang takot at kaba. Ano na ang mangyayari sa’kin?

“A-anong kasalanan ko sa inyo?! I did not do anything. Pwede bang pauwiin niyo na ‘ko?!” sigaw ko.

“Sumama ka na lang sa amin para hindi ka masaktan.” sabi ng lalaking nabunggo ko. Hinawakan ako nito sa braso at sapilitang pinatayo. Namumuo na ang luha ko sa mga mata ko. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

“Bitawan mo ko! Ano ba!” Hinatak ako ng lalaki papunta sa isang black na van sa hindi kalayuan abang nakasunod lang ang isang pang lalaki. Kinakabahan pa rin ako at nagtataka. Bakit ako? Anong nagawa ko?

“Bitawa niyo ko, please.” At isa isa na ngang bumagsak ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. Natatakot na ‘ko. “Hinihintay na ‘ko ng lola ko.” Halos pabulong na lang iyon dahil nawawalan na rin ako ng lakas.

“Let her go.”

Tumigil ang lalaki kaya tumigil din ako. Hinang-hina ang katawan ko. Ni hindi na ako makagalaw nang maayos. I slowly looked up. Isang lalaking nakasandal sa poste at nakatingin sa malayo ang bumungad sa'kin. One of his hands was in the pocket of his black hoodie while the other was holding a cigarette. Tinapon niya rin ka agad ito.

“Señorito Linus?” Bakas sa tono ng lalaking nakahawak sa’kin ang kaba.

“I said,” Tumingin ito sa direksyon namin. “Let. Her. Go.” May diin ito kaya agad naman akong binitawan ng lalaki. Agad akong napahawak sa braso ko.

“But Señorito Elias wants to see her, Señorito.”

“You're a bit deaf, aren't you?” Cold. His voice is cold. Dahil sa maliit na ilaw galing sa poste ay nakita kong umangat ang gilid ng labi nito.

Naramdaman ko ang pag atras ng dalawang lalaki. Ang bigat ng presensya ng isang ito. Sa sobrang bigat ay halos hindi na ako makahinga nang maayos. At alam kong ganoon din ang dalawang lalaki sa likod ko.

“Pasensya na, Señorito. Napag-utosan lang. We are going back to the mansion and we're just going to tell Señorito Elias that we didn't see this girl.” Yumuko ang pa ang lalaki.

He nooded.

Narinig ko na umandar ang van at umalis. Bumalik ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko. Nasa malayo na ulit ito nakatingin. Wala na ang mga lalaki pero hindi pa rin maalis ang kaba ko.

“Why did you do that?”

Umayos ang tayo nito ang inayos ang hoodie niya. Tinignan ko lang siya pero bakit kahit tignan ko lang siya ay hindi ko maiwasang bumigat ang paghinga ko. Sobrang lamig na ng kamay ko at halos natuyo na rin ang mga luha sa mukha ko.

Napaatras ako bigla ng dumaan ito sa harap ko. Naamoy ko pa ang mabango niyang pabango. Nakatalikod na ngayon ito sa’kin at naglalakad palayo. Hindi sinagot ang tanong ko.

“Who are you? Bakit mo ‘ko tinulungan?” Kahit nagtatanong lang ako ay halata pa rin sa boses ko na kinakabahan ako.

Tumigil siya at bahagyang tinalikod ang ulo.

“Stay out of trouble.”

My Dearest, AbsquatulateWhere stories live. Discover now